BAKIT GANUN?


national 1

Ilang linggo na rin akong parang tanggang ni-ayaw magtagal sa bahay, iyong tipong sa bawat lingon at bagay na makita mo kasi, ay  parang laging pumapaloob sa dahilan kung bakit ka nagkakaganito. Oo, ayaw ko na kasi mag isip nang mag isip, gusto ko pag karating na pagkaring ko sa boarding house ay matutulog na lang ako. Malayo sa mga tanong na mahirap masagutan, malayo sa kasabihang lahat ng tanong ay may kasagutan.

Kaya naman, lagi na lang ako nagpapalate ng uwi sa trabaho at dumederecho sa Luneta. Noon pa man dito na talaga ako tumatambay pag ayoko pang umuwi; mahangin, tahimik at pakiramdam ko safe ka sa masasamang loob dahil laging may security guard dito.

Madalas akong maupo sa ilalim ng monumento ni Lapu-lapu doon kaharap ang gallery ng National Museum.

Nagmumuni-muni, minsa’y nagpapakawala ng emosyon at nangangrap na dadating din ang oras na malalagpasan ko ang mga sunod-sunod na pagsubok.

national 2DAHIL sa kinakaharap na’ting klima ngayon, madalas akong mabasa, tamad pa naman akong magdala ng payong (baka kasi mabasa, kaya hindi ko nilalabas) lols.

Dahil doon, madalas na ring sumasakit ang ulo ko, nagkataon pang laging kulang ako sa tulog. Kailangan ko kasing rumaket dahil ilang linggo nalang ang nananatiling panahon sa kasalukuyan kong trabaho. Sa mga wala pang alam, nag resigned na po kasi ako.

BAGO pa man dumating ang gabing iyon, umaga pa lang nakadalawang Alaxan na ako nakadama kasi ako ng pananakit ng mga braso ko paggising ko pa lang. Noong dumating naman ang tanghali, nakisali na ang likod ko. Kaya naman noong gabing iyon kahit alam kong masama ang pakiramdam ko, mas pinili ko paring pumunta sa tambayan ko, pakiramdam ko kasi ay giginhawa ang pakiramdam ko dun. Nag night photography pa nga ako.

Pagkarating ko sa bahay sobrang antok na’ko kasabay ng lumalalang pakiramdam ko. Wala akong thermometer sa bahay pero ramdam kong lagpas sa 38 ang init ko o higit pa.

Mapalad akong nakakita ng Biosegic sa isa sa mga plastik na garapon sa bahay at agad ko itong ininom kahit wala pang laman ang tiyan (lols parang komersyal lang).

Nakakadama na rin ako ng pamamaluktot dahil sobra na akong giniginaw, dinoble ko ang kumot pero parang pinapasok pa rin ako ng hangin sa loob. Doon ko napagtanto na nauwi na sa lagnat ang pananakit ng katawan at ulo ko.

national 3Naalala ko mga pangaral sa’kin ni Mark aka MB, tungkol sa bagay na hindi naman daw ako nag iisa kahit literal na nabubuhay ako para sa sarili. Hindi ako nagdarasal pero kasabay ng mga luha ko dahil sa sakit nagawa kong tumawag kay Bro. Nakakahiya man pero puro kahilingan naman ang bibinigkas ko.

Naalala ko rin ang turo sa’kin ng katekista ko noong nasa grade 5 ako, na kapag nagdarasan daw dapat nakapaloob dun ang PAGHINGI NG AWA, PAGBIBIGAY PUGAY SA KANYA, PASASALAMAT at hindi puro PAGHILINGI lang.

Totoo pala ang sabi nila, kung kailan babagsak na ang eroplano, kung saan lalamunin na tayo ng lupa, doon palang tayo magdadasal sa kanya. Parang nangyari sa’kin, kung kailan tila binabarena na ang ulo ko sa sakit at kung kailan tila pinapakuluan ako sa tubig, doon palang ako tatawag sa kanya.

Hindi ko namalay sa kasagsagan ng pagdarasal ko, bigla akong nakatulog at bahagyang naibsan ang pisikal na sakit na nararamdaman.

Naalimpungatan ako habang may tinatawag na pangalan hindi iyon ang mama ko pero isang taong napaka importante sa buhay ko.

national 4Noong mga oras na yun, gusto kong umiyak tulad ng isang bata habang tinatawag ang kalinga ng isang Ina. Kaso gustuhin ko man wala sa’king mag-aalaga, wala na’yung Mama mo na maglalagay ng Vicks VapoRub sa likod mo o kaya sa ilong pag hindi ka makahinga. Wala na yung bimpong inilubog sa maligamgam na tubig at ipapatong sa noo mo. At wala na rin yung lugaw at sopas na paborito mo sa paggising mo o sa oras na kailangan mong iminom ng gamot.

Lahat ‘yun wala na dahil malaki ka na at mas pinli mong mapag isa o maging independent para mapatanuyan mo sa sarili mo na magmamatured ka na. Kaso minsan hindi mo pa rin pala kaya at sa oras tulad nito doon mo maitatanong, bakit kaya ganun?

KINABUKASAN, medyo umayos naman ang pakiramdam ko pero medyo nahihilo pa rin ako, pero dahil mag isa lang ako at walang makain kailangan kong lumabas para bumili ng sarili kong pagkain. Wala namang ibang bibili noon para sa’kin.

Ayoko sanang lumabas sa makulimlim na panahon pero naisip ko na hindi ako gagaling kung wala ding laman ang sikmura ko.

PINILI ko munang huwag pumasok, kailangan ako sa opisina pero kailangan kong magpahinga. Maraming salamat kay MULONGKIS dahil hindi ako nainip sa bahay habang nagpapahinga dahil pinagtiyahan akong katext kahit Globe ako at Smart s’ya.

Sa nangyari sa’king ‘to, mas nasabi ko sa sarili ko na mas tumatatag ako, mas naliliwanagan akong kahit nag -iisa ako, alam kong wala rin namang ibang tutulong sa’kin kundi sa sarili ko. At maniwalang kahit hindi mo s’ya nakikita ay lagi mo naman s’yang kasama.

Masyadong maiksi ang panahon para aksayahin sa mga bagay na kahit anong gawin mo ay hindi mo na maibabalik at tanggapin ang katotohanang hindi ka n’ya pinahalagahan*.

Sayang kung ang mga oras na iyon ay ginugugol mo na lang sa pag abot ng pangarap ay hindi pa sana nasayang.

Siguro wala ng panahon sa mga tanong na ikaw na rin ang makakasagot, ang tanging gagawin mo na lang siguro ay sagutin ang mga tanong na may malilinaw na kasagutan.

49 thoughts on “BAKIT GANUN?”

  1. ang emo nmn ng buhay mo kuya otep. may kasama kba sa boarding house parang ang hirap ata mag isa. well anyways, wak mo kalimutan lagi tumwag sa knya. dapat lagi mo sya naalala.

    ang ganda ng photos/ i love it. hehe

    1. emo talaga.. at least ngayon kakarecover na..

      hirap talaga mag isa, wala kang makausap bukod sa kanya.

      salamat parekoy…. i love it too! picture picture tayo minsan🙂

  2. wow.
    handa ka na ba?
    hehehe
    apir!
    muna!
    excited ka no?

    una sa lahat, excellente ang pagkakahabi ng pangyayari
    mgaling ang pagkakasalaysay ng sunod sunod na kaganapan
    sa buhay ng kaibigan kong artista na si otep.
    hehehe

    i know the feeling. grabe sobrang
    kalungkot non.

    pero ayun, ganon tlga parekoy.
    msaya ko. dahil natupad mo ung favor na hinihingi ko.
    aun,do it often, because im challenging u right now.
    kung gusto mo tlgang sumaya palage.
    apir!
    im so happy to know u otep.
    apir!

    ingat ka palge. ok?

    1. may introduction ka pang nalalaman. Nyahahahhaa😀

      salamat sa habi term mo. heheheheh.

      sabi mo nga ginawa ko yun para sa sarili hindi para kanino..

      salamat uli parekoy🙂

  3. hmmm ganda ng kuha a

    alam mo ako kapag nagkasakit mabilis gumaling kasi malakas resistensya ko

    ikaw kumain ka mabute

    teka

    uso pa pala ang Vicks?

    naghahanap ako nyan dito sa Dubai kaso wala ako makita…

    may tanong pala ako,

    ok ka na ba sa bahay nyo? parang di kasi umuuwi sa inyo e? anu na ba balita sa family mo?

    1. UU may nabibili pang vicks dito no. dapat nagbaon ka sa dubai.. Nyahahahaha

      opo kakain na ako lagi🙂

      parekoy.. hindi na nga ako nakakauwi e, mukhang di naman sila nag aalala . hehehee

  4. Kahit ano mang sama ng panahon, kahit ano man ang bigat ng pakiramdam, kahit saan mang temperatura makakarating ang init ng katawan, kung nilabanan mo ng Biogesic, dasal at ka-text, siguradong babangon ka kinabukasan😀

  5. Hmmm… Tungsten dominated ang pics mo Otep…🙂
    Maganda naman…🙂 Next time, try mong paglaruan ang white balance ng camera mo…
    Mas maganda kasi kung wala ang tungsten effect…🙂

    Mahaba na sana ang natype ko dito bilang komento, pero dinelete ko. Baka kasi marindi ka… haha!

    Kaya iba na lang… Mahirap nga ang nag-iisa… Kagaya mo, nag-iisa rin ako… One time, nagkadengue ako… I brought myself to the hospital… hehe…

    Then this year, nabundol ako ng sasakyan… I was blessed to have friends na isang text lang eh, sugod kaagad para tulungan ako…🙂

    1. oo nga medyo maiksi comment mo ehheheheeh

      di ba yung Tungsten kulay blue?
      e hindi naman sya nag blue mang crooks🙂

      walang white balance ang cam ko e, kaya kung makikita mo sobrang liwanag ng ilaw sa picture 3.

      e ako parekoy kahit itext ko mga blogger alam kong walang pupunta. Nyahahahaha..

      self healed with God kumbaga toinks!

      1. Hmmm… Actually, grey-white element ang tungsten, and it is used as the filament of most incandescent light bulbs… It gives off a yellow/orange color cast… Sometimes, this color cast is being disregarded by our brains but it is very much noticeable when we take pictures in low light or at night with light sources that use tungsten…🙂

        For film photography, this is corrected by using special filters that neutralize this effect. For digital photography, white balance corrects this color cast.

        But this color cast sometimes gives overall warmth to the picture…🙂

        Naku, just continue nourishing and cultivating friends. May dadamay din sa yo… Ako, pwede rin, pero siguraduhin mo lang na may kasamang plane tickets, back and forth… hahaha!

        1. NYahahahhaa nagkadugo dugo ang ilong ko Mang crooks.

          madami pa talaga akong lalamuning bigkas para maintindihan ko ngang mga terms sa photography.

          Wahahahaha unahin ko munang bilhan ng ticket yung sarili ko, para matupad na ang pangarap kong pagsakay sa eroplano. ahehehe🙂

  6. so naintidihan ko ngayon ang mga pangyayari…hmmm next time alagaan mo sarili mo ha….pagmaysakit wag abusuhin ang wangkata..pahinga lang ang katapat nyan…
    ok naman mag-emo..hehehehe…lessons learned….

  7. Pareng otep (blaag)haha
    naku bka masyado ka lang pago.dami mo kase raket e.mamigay ka naman.waha
    ay ako rin.miss ko yong pagpahid ng vickvaporud sa likod

  8. lagi ka lang magpepray… kalimutan mo na lahat wag lang yun… madalas nararamdaman ko din yang mga nararamdaman mo, ang mag-isa sa isang lugar na malayo sa pamilya… wala kang magawa kundi umiyak kasi malayo sila… dinadaan ko nalang sa dasal ang lahat… alam ko kasi di NIYA ako pababayaan at siya lang ang kakampi ko…

    Otep, ingatan mo sarili mo… Keep the faith!There is something in this world worth living for…
    🙂

  9. Minsan sa ating buhay parang ang daming problemang dinaranasan.
    Parang ang bigat ng iyong dinadala kapag ito’y pinagsama-sama.

    Huwag kang mag-alala.
    Lilipas din ang mga iyan.

    Darating ang araw ang mga pangarap mo’y matutupad din.
    Kailangan lang ng determinasyon, paniniwala at malinaw na plano sa buhay.

    Ingat parekoy.

  10. kaya nga tayo eh dapat laging may rest day….or sabbath day nga tulad ng sabi ni god. the more blessings we accumulate, the less time, it seems, we take a moment to appreciate our blessings.

  11. huh..salamat nkapag hop na ulet..hayz…nwla lng konti dame ng post..^,^ namiz ko ung mukha ko sa sidebar mo..ako lng tlga ang naka miss..hahaha..

    @post, hayz, EMO pa rin xa..kaya mo yan..ginawa mo nb ung cnbi ko b4? i bet NOpe..huh? kaya yan anjan c bro..^,^

  12. oist otep moment ka na naman jan…

    hehe…

    magaling ka na ba talaga?

    wag kang mag alala andito lang ako lagi for you.. naks… hehe…

    tama na ang pagmomoment…😉

    1. weeeeeeeeee ako din,

      kaso malaki na tayo hindi na maibabalik ang kahapon.. oppppppps bawal emo pangbading lang yun! Nyahahahha😀

      kanino ko ba narinig yun?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s