PANGARAP NA PAGTITIPID? ABOT KAMAY NA!


isang plantsahan na langNaks o ‘di ba parang patalastas lang?

Kapag naririnig na’tin ang salitang pagtitipid unang pumapasok na sa ating isipan ang salapi. S’ya nga naman, napakahalaga talaga ng pagtitipid sa’tin lalo na sa panahon na’tin ngayon, iba pa rin kung may madudugot tayo sa oras ng pangngailangan.

Pero bakit ganoon? hindi ko magawa sa sarili ko isa pa naman yun sa pangarap ko. Sa totoo nga n’yan noong Enero naglista ako ng new year’s resolution ko at isa nga iyon sa nakalista. Nakakapanic mode kasi Septyembre na at hindi ko pa rin naisasakatuparan ito. tsk tsk.

Sa pera nga lang ba napapaloob ang pagtitipid?

Syempre hindi, at dahil ayokong may nasusuwail akong pangarap, gumawa ako ng paraan para sa katuparan nito.

Alam nyo kung paano?

Edi sa pamamagitan ng Platsa! (Flat Iron)

o ha plantsado na silaNaalala ko kasi yung commercial ng Downy, ‘yung kahalagahan ng pagtitipid ng kuryente. Iba pa iyon sa Downy isang banlaw na may kaugnayan naman sa pagtitipid sa tubig, sabi doon ang isang oras daw na paggamit ng Plantsa ay katumbas na ng 60 hours na bukas ang ilaw. Imagine? kung gumagamit ka ng bukas na ilaw sa buong isang araw o 24 hours maaari pa itong umabot sa dalawa’t kalahating araw (na bukas at walang patayan). Sa kabilang banda,  katumbas din ito ng limang araw kung hindi ka naman gumagamit ng ilaw sa umaga o higit pa.

Noong linggo dahil wala naman ako magawa sa mga oras bago matulog, nakita ko ang mga nakabandera kong mga damit, naisipan kong platsahin ito. Noong natapos ko, bigla na lang akong nangiti dahil sa loob ng isang buong linggo ay wala na akong paplanstyahin.

puwedeKinabukas nanibago ako, nawala kasi sa skedyul ko ang pamamalantsa ng isang pantalon at isang long sleeve (minsan, kasama ang brief at medyas na basa)

Naiisip ko sobrang laki pala ng tulong sakin ang minsang pamamalantsa ng maramihan, walang hustle sa umaga, malayo sa peligrong makuryente habang basa ang buong katawan matapos maligo.

Masayang isipin na hindi na ako magiging sanhi na pagtaas ng kuryente sa boarding house sa araw-araw na pamamalantsa.

At napatunay ko na simpleng pagtitipid ay maraming benepisyo ang maaaring makuha. Hindi lang pala ako nakatipid sa kuryente, makakakunsumo pa ako sa pagtitipid ng oras pagpasok sa opisina🙂

wala na akong poproblemahinMeron pa! nakatulong din pala ako kay Inang Kalikasan sa simpleng pagtitipid. Sabi nga nila ang simpleng pagtitipid kapag pinagsama-sama ay magiging malaking pagbabago, hindi lang sa paligid kun’di sa bawat isa.

o paano, mangarap na rin kayong magtipid ha!🙂

62 thoughts on “PANGARAP NA PAGTITIPID? ABOT KAMAY NA!”

  1. bakit ganito ang mga post mo ngayon otep? nung nakaraan mga gamot at vicks ang pinopromote mo..ngayon naman downy isang banlaw. hula ko next time eh sabong pampaligo naman..haha

      1. simply naman ang pag-adversite mo eh. di nila mahalata yan. lol

        syempre ‘yong sabon na may pangarap at sabon na nagibigay pag-asa kapag ginamit. ahay..me ganun pa. nyahaha.

  2. kung tutuusin ang dami talagang ways para makatipid. nabubulagan lang talaga tayo.

    i am glad na hindi na emo post ito.

    ang ganda ng mga images. galing mo talaga.

    teka for some reasons natawa ako sa downy, sana di mo na lang binanggit kasi na endorse mo pa sila (ikaw pa influential ka) e di ka naman nila binayaran.

    regards sa lists mo na tutuparin mo kamo this yr,

    diba ung iba nakuha mo na? buhay pa ba yung mp5 ba yun?

    1. wow naman hay lab yow talaga! naalala mo pa, ayun isang buwan lang tumagal ang Mp5 ako

      yung Baguio ko natupad ko naman, sa ka yung book..

      yung Nike Shoes, Camera at Laptop mukhang malabo na, marami pa namang buwan baka magmilgro pa hehehe..

      salamat parekoy🙂

  3. Ako, lalo na’t may sariling family, thrifty ako sa lahat ng bagay, tama ka at di lang sa pera kundi sa pamamalantsa din para pag nagbayad ng singil sa kuryente mababa lang ang halaga..(pera din yun ah) nyahahaha!!! o sha ganda ng post mo ah buti naman at walang emo-nessense lol..ciao!!!

    1. Takot ako sayo mang tsi! kaya akoyo na ng emoness Nyahahahha..

      oo nga no? na pera pa din mapupunta?

      pero hindi din, nakatipid ako ng oras (pera ba yun)😛 Nyahahahhaahhaa

  4. Maraming salamat sa iyong mga payo na ibinigay.
    May mga katanungan lang akong sana ay iyong masagutan:

    1. Maari bang gumamit ng iba bukod sa Downy?
    2. Yung pera na natipid mo sa pagplantsa mas sulit ba kaysa ipinambayad mo sa Comfort?
    3. Totoo din ba ang sabi nila na para makatipid ng kuryente magplantsa isa o dalwang beses sa isang linggo at hindi paisa-isang damit lang?
    4. Paano ba nagagawa nung iba na hindi na pinaplantsa yung damit pero hindi naman gusot? Totoo ba na depende din sa pagtiklop mo ng damit?

    Marami pa sana akong mga katanungan. Pero hihintayin ko muna ang mga tugoon mo.

    Maraming Salamat Otep,

    hehe

    1. ito na ang aking mga kasagutan,

      1. hindi pa kasi ako nakakagamit ng Downy e🙂 heheheehe ayun e batay lang sa kanilang komersyal
      2. NYahahahahaha, ano yung comfort? parang downy din? (nagtanong din)
      3. Oo totoo yun, kasi malakas talaga kumain ng kuryenta ang pamamalantsa kung iisang pasadahan lang mas makakatipid, parang TV lang yan e. Pagpatay sindi ang TV, malakas ang pag ikot ng kuntador, kaya dapat panatilihin na lang ito, at patayin pag hindi na kailangan.😀
      4. Ayun sa mga naririnig ko noon, kapag naglaba ka, yung huling banlaw mo dapat hindi mo daw pipigain at isampay na agad o ihanger para mawala ang bakas ng pagkapiga. Hindi ko lang alam kung totoo yungsa downy🙂 di pa ako nakagamit e, pag binigyan ako ng sample🙂

      hehehehe sige tanong lang

      Salamat din Boy Pulubi🙂

        1. hehehe astig di ba?

          sana parekoy naabutan mo ang bagong sistema ng pagbabaybay na tinuturo ngayon sa mga paaralan

          mga mga letrang C, F, V at Z at kailangan ng panatilihin ayos sa fonemikong pagbabaybay🙂

          gets? hirap talaga syang maunawaan.. nagkataon lang na report ko yun hehehhee🙂

  5. si otep nagtitipid? no way. hehe, seriously tama naman yan. malaking pagtitipid ang magplantsa ng maramihan kaysa paisa isa. sayang ang heat! awts. heat pa daw oh.

    otep, kamusta ka na?

      1. Sinasave ang heat para sa cold nights! Yawts. Ayan, tama yan at nagtitipid tayo. Ako rin nagtitipid. Mentos na lang ang ulam ko tuwing tanghalian!

          1. nyahahaha.. oo nga… pero try ko talaga! hahaha kuletz ko..

            hehe cge pagplantsa mo ako.. nagkasakit yung nagpaplantsa samin..

            konti na lang mauubos na yung plantsado kong damit.. hehehe

    1. Ngak! ginawa mo naman akong labandero mo mommy kenkay Nyahahaha..😀

      oo nga, sabi nila pag mga huling damit na puwede ng i-unplug yung plantsa, ika nga lubus-lubusin pa ang natitirang init ng plantsa,

      ganoon din sa ibang appliance, basta mag plug, kailangan i unplug Nyahahaha🙂

  6. ayos ah , ang simpleng kabagayan gaya ng pamamalantsa ay nagpalawak ng iyong kamalayan. hehehe

    tama yan, more power! ako para tipid naman sa tubig habang nagbubuhos ako ng tabo habang naliligo ay nagsisipilyo’t nagmumumog na ako. hehehe joke-joke

  7. wow may ganung effect…

    tipid tips talaga.. at pati si inang kalikasan dinamay pa…

    isa lang ang alam kong cgurado jan.. side effect lang ito ng mga nangyayari sa life mo… hehe

    magandang araw otep…😉

  8. Naalala ko tuloy nung nasa kolehiyo pa ako. Kapag sinasampay ko ang mga labahan ko, inuunat ko na ng husto para hindi na kailangang plantsahin. Siyempre, ang mga damit ko karamihan, cotton t-shirt lang, kaya’t hindi ko na pinaplantsa ang mga damit ko. Ganun ako nagtitipid noon.

    Pero sana lang, ngayong naisipan mong magtipid, hindi mo rin sana titipirin ang pagblo-blog mo Otep🙂

    1. oo daw yun parekoy, minsan nga yung huling banlaw hindi na pinipiga at deretso plantsa,

      para hindi gusot-gusot pag natuyo🙂

      Nyahahahhaa paanong pagtitipid ba sa blog ang ginagawa ko? hehehhe😀

  9. Madami rin kasi ang sanhi ng malaking gastos. Tulad ng mga bagay na gsto at mga kailangan. At ang mas magandang gawin eh, kung alam moh nmn na dimo gaanong gagamitin, or it is not a must. Better not to buy it. Just buy those things na you really need. =D Simpleng pagtitipid ay mraming banefits. Yeah. =D

    Summer
    A Writers Den
    Brown Mestizo

    1. yeah pareng jules..

      iba ang gusto sa kailangan🙂

      natutuhan ko ‘yan sa ekomiks natin noong fourth year.

      pero minsan kailangan nating bigyan ng reward ang sarili na’tin lalo na kung “gusto” na yun ay yung pinapangarap mo. hehehehe

      pero uli, kung di naman talaga kailangan na kailangan, konting tipid lang🙂

      salamat parekoy🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s