KABADO


baguio2Oo, kinakabahan ako, bukod kasi sa malapit na ang pasko papalapit na rin ang pagtatapos ng taon. At habang naiisip ko iyon, tinatanong ko sa sarili ko, kung ilang lugar na ba ang napuntahan ko ngayong taon? hehehe🙂

Ayon sa Dream lists ko kabilang ang Baguio, Batad at Sagada sa pinupunterya kong puntahan ngayong taon. Pero ang masaklap na katotohan mukhang malabong mapuntahan ko na ang Batad at Sagada ngayon taon.

Kailan kaya ako makakakita ng totoong palay na nakatanim ng malapitan? lols😀

Nitong nakaraang summer vacation napakasaya kong nagkaroon ng pagkakataon makapunta sa Baguio -isang katuparan ng pangarap. Hindi man kami nagkaroon ng mas mahabang oras para mamalagi doon masaya pa rin dahil  nakatungtong ako sa lugar na iyon. Totoo ngang napakalamig doon kahit tanghaling tapat. At nakakatuwang isip na may kakaibang versyon doon ng taho -ang strawberry taho.

baguio1

Minsan, yung mga lugar naman na pinapangarap mong puntahan, kahit hindi mo pa inaasahan ay bigla na lang susulpot kung saan.

Bago muna kasi kami umakyat noon ng Baguio dumaan muna kami sa Pangasinan. Nakakatuwang malaman na sa unang pagkakataon nasilayan ko ang simbahan ng Manaoag na noon pa ma’y naririnig ko na. Nakakatawa mang isipin, pero hindi ko inaasahang nasa Pangasinan iyon matatagpuan akala ko kasi sa Visayas ‘yun e.

manaoag1

Kahit sandali lang iyon, mas lalo akong nabibigyan ng inspirasyon para bisitahin naman ang ibang lugar. Maganda talaga ang nakakapamasyal mas lalo kang nagpupursiging  magsikap at magtrabaho para magkaroon ka ng pang trip!🙂

Masyado lang maiksi ang buhay, sayang naman kung hindi mo malilibot ang Pilipinas!

manaoag2

133 thoughts on “KABADO”

  1. Maganda ang mga kuha mong litrato ngunit ang nakatawag pansin sa akin ay ang pagsalin sa wikang pilipino ng mga katagang “sulatroniko” (email address) at “pook-sapot” (url address). Ito ba’y mga bagong kataga o likhang isip mo lamang? Nakakatuwa at orihinal na imahinayon, lalo na sa pagdugtong ng mga salitang “pook” (place o lugar) at “sapot” (web). Magaling!

  2. wow heksited… ayaw talaga patalo.. at nagpost agad… hehe

    agree ako sa sinabi mo… sabi nga nila diba? huwag maging dayuhan sa sariling bayan…

    ang dami talagang magagandang lugar sa pinas…

    teka, kelan na yung tagaytay? oo tagaytay na… walang halong bitterness… haha..

    mag organize ka para masaya di ba? tutal naman madami kang fwens… hehe

    1. hanap muna tayo ng sponsor yhen yhen Nyahahhaa🙂

      kahit sasakyan lang..

      o kaya makipag ex-deal tayo sa mga bus company one year ad spot sa blog natin. Nyahahahaa😀

        1. epling ka, mangarap ka na lang.. join ka na lang sa exdeal dreamming ko.. Nyahahahaha..

          minsan nga gusto ko sulatan ang GLOBE at SMART para may communication allowance na ko.. toinks!

          nangarap si otep! lols.

  3. noong pumasok sa seminaryo, wala sa isip ko ang makapagtravel ng napakaraming lugar sa pinas, but, whoa, they just keep coming!

    nalibot ko na ang pinas from A-Z!!!

    Abra, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Aklan, Albay, Apayao, Baguio, Batangas, Bohol, Bukidnon, Bulacan, Butuan, Cagayan de Oro City, Camarines Norte, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Compostela Valley Province, Cotabato South, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Dinagat Province, Gensan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Iloilo, Isabela, Kalinga, La Union, Laguna, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Laoag, Leyte, Manila, Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Nueva Ecija, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Quezon Province, Quezon City, Rizal, Samar, Sorsogon, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Zambales, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur and Zamboanga Sibugay.

    Join ka na sa akin Otep…

  4. I love to travel pero wala pa akong napupuntahang magagandang lugar dito sa Pilipinas, haayyst sana sa pagudpud i love that place..of course dito sa Batangas may pangilan-ngilan din..tep Merry Christmas!

    1. woW Advance! Nyahahahah happy New Year din sayo!

      ano ka ba maraming magagandang place s Pinas! sa Maynila nga madami na.. apreciations lang ang katapat nyan! Nyahaahaha🙂

  5. Ganda ng mga shots! Ilan beses na din akong napunta sa baguio marahil dahil na din sa kagandahang taglay nito at dhail na din sa malapit ito sa amin. Ilang taon na din kasi ako nangingibang bayan at nakakalibot kung saan saan, kaya masarap ang feeling ng nakakapasyal o trip na trip adventure ka sa sariling bayan.

    PAtuloy mo lang tol ang paglalakbay at pag eenjoy sa buhay. SArap magbyahe at makadiskubre ng mga bagay sa ibang lugar.

    padaan po! Gandang araw!😀

    1. tara na biyahe tayo! nyahahaha parang DOT lang🙂

      oo nga, sabi nila wala pa ring tatalo sa ganda ng Pilipinas🙂

      salamat parekoy, dahil kahit nangingibang bayan ka, hindi ka pa rin nakakalimot sa pinagmulan mo

      yeah \m/

  6. Nakapunta na ako ng Baguio at Sagada. Sulit na sulit kahit maupo ka sa sasakyan ng 7 oras. Tera, maglakbay tayo Otep. Mars, Venus, Milky Way, kabilang barrio, ilalim ng tubig, taas ng bundok.

    Lakbayin natin. At sabihin natin sa Mamang Taxi, “Kung hanggan saan tayo maubusan ng gasolina!”

    Rak en Roll.

    1. Nyahahahaha ax na ka drugs ka ba?😀

      Nyahahaha😀

      minsan gusto ko na rin magkaroon ng Car Ax,

      gusto ko mag joy ride. heheheeh pangarap na naman toinks!

  7. oi bago mo puntahan ang mga yan ibigay mo muna ang venti ko. wahahahha

    maganda sa our lady of manaoag. fave church ko un. sobrang ganda dun

    sagada? uhmmm. pwede din.
    di pa ko nkakapunta sa baguio. ang cheap noh? sana ma magdala skin dun.

    1. tara dalhin kita doon, tapos iwanan kita Nyahahaha parang niligaw na pusa lang..😀

      btw, talaga fav, church mo yun?

      edi dun ka magpapakasal?

      yung venti mo, hintayin muna natin itayo ang branch ng starbucks sa harap ng coffin sa sagada. hehehehe🙂

  8. heys otep wag mong palampasin ang sagada at batad…narating ko ang mga iyan at certified over sa ganda….puntahan mo ang sagada cave…excting na adventure talaga…at sympre ang hiking sa batad…..biyahe na….

  9. layo naman ng gusto mong marating

    pero para kang ako, yun nga lang ako malapitan lang. kahit dagat lang ng bataan o subic pwede na ko.

    yun nga lang, sa lapit nayun eh di ko pa marating!?

    1. hala parekoy masyado lang maiksi ang buhay natin kailangan mag ka time na tayo.. Nyahahahaha🙂

      ako hindi sched ang kulang, pera. pautang nga! lols Nyahahahahaha😀

      yeah baguio yummy!

  10. naku… may marketing officer na ang blogsite mo… i received a text from fr. fiel last night inviting me to visit your site… kakatuwa… gusto ko nga sanang tingnan agad pero i didn’t have internet connection…

    sarap libutin ang Pilipinas… pangarap ko rin ito… maraming lugar na rin akong napuntahan sa pinas… kaso lang di ako nakakuha ng mga pictures… low tech kasi… hahaha…

    memorable sa akin ang Our Lady of Manaoag… this link explains http://www.jun-g.com/2009/09/08/pilgrimage/

    tas peborit ko po ang baguio sarap magbakasyon duon… hehehe…

    pahabol… mang-iinggit lang… last summer… i was in Sagada. pare sarap mag-caving dun… hehehe…

    wag kang mag-alala… malayo pa naman ang disyembre… baka may pagkakataon pang mapuntahan mo ang Batad at Sagada…

    salamat sa post na ito… this makes me appreciate more our country the pilipins.🙂

    1. waaaaaaaaaaaa mang inggit ba daw?

      pero parekoy, sabi nga nila kung gagala ka kailangan laging may camera sa bag, sayang kasi kung walang picture mo sa place na yun:)

      hehehhe

      SAGADA = hindi puwedeng sa pangarap lang ‘yan dapat gawan ng paraan, kung mag start kaya ako ng piso-piso ngayon? kailan ko kaya matatapos ang gastusin papuntang sagada. Nyahahahahaa😀

      naks! salamat parekoy🙂

            1. maanalized nga.. ilang araw na lang ba bago end of the year?

              nasa 100 pa ba?

              100 x 5 = 500 e pamasahe palang yun papunta doon kulang pa ata paano na pabalik? Nyahahahha😀

              1. talagang inanalyze… hahaha…

                sige na nga gawin mo nang 50 pesos a day… yung kulang… hingan mo nalang ng sponsor… hehehe….

                sa sagada… don’t miss the yogurt house… so dagdagan mo na rin ang budget mo… hehehe…

  11. Nakoo sayang!!! nung nakita ko noon na nasa dream list mo ang baguio, na exite akoo,
    pero naman oh! naka ligtaan ko yung date, … tuloi sayang naka punta ka na dito
    di manlang kita na aninag . anu ba yan oh.. sayang ang plano kong makipag pekstyur sayo..
    [oha parang artista lang oh😄 hehe]
    ayssshh!! may pagkakataon pa bang muli kang mapadpad dito sa baguio kuya?

    1. Wahahahaha parang artista naman ako nun? lols.
      si samatha din nanghihinayang kasi taga Pangasinan naman daw sya. Nyahahahah =)

      sige next time na may lakad ako ibablog ko na agad dito.. hhehehe

      1. sure libre mo ako? nyahaha… namiss ko yung twing uuwi ako sa amin namimili ako ng walis tambo na dala-dala ko sa byahe ng walong oras para lang sumaya ang nanay ko. kalimutan ko na daw lahat wag lang yung walis tambo!

  12. Balik na naman sa pangangarap! hehehe…

    Ako, sana matuloy na ang plano kong pumunta sa Batanes next year…

    Hirap kasi akong gumala ngayon. Very unpredictable ang panahon…🙂

    Nice pics otep, lalo na yung third…🙂

  13. Welcome to Baguio. Kung gusto n’yo ng ginaw ng Baguio, mamasyal ka dito ng December o January. Kung gusto n’yo ng matao at piyesta sa Baguio, punta kayo dito ng February, sa Panagbenga Festival. Kung gusto mo ng tahimik na Baguio, punta kayo dito ng sem break ng mga estudyante, third o fourth week ng October o March.🙂

    1. oo sobra, mas lalo na sa batanes, yung sasalpukin tayo ng alon hanggang makarating sa taiwan lols. hehhee😀

      da best ang north🙂 at syempre ang ifugao.🙂

  14. Ang sarap puntahan ng lahat ng iyan.
    Sana mula taas hanggang pinakababa ng Pilipinas malibot ko.
    Pero di bale kung hindi sa litrato na lang.

  15. Hindi ko alam kung pumasok ag tugon ko kanina.
    Pero ayos lang.
    Gusto kong libutin ang maraming lugar sa Pilipinas.
    Kaya lang masyadong magastos ito.
    Pwedeng maki-angkas🙂

  16. huwaaa naiingit naman ako alam mo bang target ko din ang baguio hays di ko pa napuntahan..
    makontak na nga si ate winkie hehe..
    tara otep balik tayo jan dali ehhe..

    1. hindi ka pa nakakapunta doon!? naman lovely ang lapit lapit lang nun. toinks! heheheh joke lang

      ako nga nakisabit lang kaya ako nakapunta dun, hirap talaga pag wala gaanong budget at time, pero ito lang masasabi ko Lovely, Libre pa rin mangarap. heheheh🙂

  17. haha…last time namin sa pinas eh pinakita ko sa pamilya ko ang mga iskwaters sa tundo, smokey mountain, at mga pulubi sa simbahan…i wanted them to appreciate the beauty of the spirit of the poor. that they can be happy…with very little.
    next time magsa-sight seeing kami ng husto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s