HINDI BA?


ploningHalos isang buwan na rin buhat noong huli akong nakapanood ng sine, Orphan pa nga ‘yata yung huli kong napanood.

Dati na naman akong nanonood ng sine mag-isa pero buhat noong nasanay akong manood na may kasama, parang tinamad na ako manood mag-isa.

Ang entry kong ito ay para kay Lovely, naikwento ko na rin kasi sa kanya ito ukol sa mga pinagdadaan nyang kaemohan sa buhay ngayon lols. Ang blog post ko ring ito ay igi-guest blog entry ko sana kay Lei. Napapansin ko kasi puro patungkol sa pag-ibig ang kanyang mga posts. Sabi ko, baka puwede doon dahil ayoko na na mag post ng love entry dito😛 lols .

Kamakailan, pumunta ako sa bahay ng isang kaanak. Nagkataon naman na halos hating gabi na ako nakarating doon. Hindi pa ako dalawin ng antok, at ni-wala din naman akong makausap. Habang nanonood noon sa televisyon nalingon ako sa umpukan ng mga DVDs hinalungkat ko ito, medyo nakornihan lang ako dahil puro tagalog movies ito at hindi naman ako mahilig doon maliban sa mga indie films na makabuluhan (hindi x-rated ha) lols. yung mga mala: HAW-ANG at  BATAD -isa sa pinakapaborito ko at marami pang iba.

(Mabalik tayo sa usapan) Habang naghahalungkat ako ng pelikulang maaaring pakinabangan mapanood, may nalaglag na isang DVD – iyon ang Ploning. Medyo kinurot lang ako ng kukuryusidad ko kaya nagawa ko itong isalang. Pumasok kasi yung tanong na bakit ito napili bilang maging kinatawan ng Pilipinas sa Oscars noon?

Sa totoo lang habang pinapanood ko ito medyo naguguluhan ako sa istorya na nagiging dahilan para mas panoorin ang pelikula. Kakatuwa nga dahil sa unang pagkakataon nakapanood ako ng filipino film na may tagalog sub title.

Pero maliban doon may mga dahilan pa kung bakit mas lalo akong tumututok -dahil ito sa mga winiwika ni Ploning.

Hindi ko alam kung bakit, pero tila ako ang sinasabihan ni Ploning noong winika n’ya ito

“hindi ba mas masarap isipin na kaya ikaw ang mas nasasaktan, ay dahil ikaw ang mas nagmamahal?

may dahilan ang lahat…”

Bakit hindi ko agad naisip ‘to? na napakapalad ko dahil ako ang mas nasasaktan. Siguro tama nga ang sabi nila na ang pag-ibig lang ang aspeto ko pagdating sa kalungkutan.

Siguro tama din ang sabi nila na by choice din ang pagiging malungkot ganun din ang kasiyahan.

At siguro masyado kong pinapasok ang kalungkutan kaya masyado akong nasasaktan.

“May dahilan ang lahat” -at kahit hindi ko pa alam ang mga dahilan na iyon, alam kong alam kong may mga dahilan naman para maging masaya sa buhay.

Ang pangarap na pag-ibig ay nakapaghihintay at tulad ng pelikula ang lahat ay ginawa para kapulutan ng aral.

48 thoughts on “HINDI BA?”

  1. Ayon.wala na palang moderatiön.haha
    panu kaya to? Nauna cya e.nagtxt pa sa akin.naku jak en poy kaya kau.haha pero syempre masaya ako kase napasama kayong dalwa sa mga finalists.

    maiba muna tau.ganda ng quote ni ploning ah.ang masasabi ko lang, “masakit mabigo sa pag-ibig.lalo pa’t natapos ito ng hindi ka handa” (ploneng,2008 hehe)

    1. hindi magagalit si Taympers (mabait yun) ako magagalit ako pag di mo binoto lols. Nyahahahahahah joke.

      Nyahahhaha ploneng ka d’yan. oo yun nga ang masakit pero maniwala tayo kay Ploning!

  2. may kasabihan nga na the more you hate the more you love :d

    kaya minsan pag may nanakit sakin lagi kong sinasabi na “sige lang saktan mo ko alam kong suntok ng pagmamahal mo yan ”

    ajejeje

    1. ay ganun? parang sabugan nguso lang Nyahahaha🙂

      pero mas gusto ko naman ang pisikal kasya emosyonal.

      mas matagal kasi ang healing pag emotion ang pag-uusapan.

      o bumoto ka na ba? ehehhehehe

  3. Nabisita ko na yung PBA pero di ko pa rin gaanong nababasa yung rules/instructions.

    Parang ang hirap yatang bumoto at isa lang dapat.
    Di ba pwedeng lahat kayo ang iboto?

  4. ..hmmmm aprub kay ploning! heheh.
    ..madali lang naman mag vote kaso gagawa pa talaga muna ng bonggang bonggang entry. hehe.

  5. bakit kasi kailangan pa ng blog entry? pwede bang txt votes na lang? haha.. matutulungan kita dun, sigurado.. LOL

    ampupu naman to..

    bakit, pag boboto ba sa pulitika kelangan ng blog entry? haha..

    try ko magpost, tep.. mejo blangko kasi ako ngaun.. gud luck sayo😀

  6. congrats! very appropriate pati yung site mo “libreng mangarap” . good luck sa yo
    anyway, gagawa rin siguro ng pelikulang may subtitles na tulad ng ploning. just let know as soon as u find out kung anong inles ng “PRANING”—my new project(?)

  7. sows..naloka nga ako sau kagabe kala ko my broken hearted story k n nmn! oooopsss…ang daldal ko tlg..hehe..peace othef! 2 yata kau ni taympers na ninominate ko eh..ayos? anung prize ko aber?! ^_^

  8. asus hehe..ung billing ko ba jan eh, suhol haha..joke lang..
    heneway naka pag dicide na ko..
    di kita iboboto..kasi di naman kita nakita sa mga post ko hahaha..lols..
    joke ulet..
    iboto kita..niboto rin kita dun sa submit na yan kayong dalawa ni taympers..
    abangan mo na lang 1 of this hrs.
    hokey hehe..

  9. tsk! tsk! nako, away na to.

    rowr!

    hehehe! jowk lang. hi otep! salamat sa mention pero sa totoo lang konti pa lang bumoboto sa ken. hmf! hehehe. basta! goolak saten pareho.😀

  10. salamat sa pag mention sa aming mga patay gutom. Pero huwag ka mag alala, 0 ang votes ng patay gutom. Binoboycott namin ang PBA3 eh.. kasi.. wala lang trip lang namin. hahaha!

    Good luck. Ang kalaban mo nalang now ay si Taympers, Let’s Go sago, at yung iba pang nag cacampaign dyan.🙂

    1. wahahahaha 5 pa nga lang yata boto ko tapos mali pa yung dalawa.. hehehehe🙂

      boycott na rin ako hehehe..

      pangit na manalo pag wala ng kalaban hehehe🙂

  11. Honga, sobrang komplikado nanag botohan.
    Parang gusto ko rin mag-boycott.

    Gumawa na ko ng post. haha
    Dahil nag-promise akong iboboto kita.
    Na-submit ko na rin. Haha.🙂

  12. loko ka kla ko nga nung isang araw my problemang puso ka n nmn..wg kang nagpapakaba ng ganon ah! kukurutin kita sa…..sa..

    ingrown! haha…

    voto din kita othef ah..theka…hope makhuha mo yan! pwe….nakakabulol! aytz! ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s