ANG HAMSTERS KO :)


Kanina nagtungo ako sa World Trade Center Manila para puntahan si Yhen-yhen, nangako kasi akong pupuntahan ko s’ya kahit hindi nya ako naiboto sa PBA Nyahahahahahaha😀 lols.

Nakakatuwa, pag punta ko palang doon, mala-fiesta na ang dating dahil sa dami ng tao at palamuti. Samahan pa ng mga Kabayo, Baboy, Isda at kung anu-ano pang hayop. Agricultural trade kasi ang nagaganap doon hanggang sa sabado. Napakarami ding halaman at prutas. Binilihan ko nga ng apat na pasong may halaman ang ate ko, naaaliw kasi ako sa mayayabong at makukulay na mga bulaklak dito. Malayong-malayo sa kulay ng pamumuhay ko ngayon (Nyahahha nag-emo bigla)

Pero bago muna ‘yun, kamuntikan na kaming di magpang-abot ni Yhen dahil tinatamad akong magparegister sa haba ng pila. Mabuti na lang at isa si Yhen sa mga exhibitor doon kaya nakapasok ako agad.

Pagpasok ko, una kong napansin ang masscot nila.

Kaya nagpapicture agad ako🙂

PICT1202

Huli na ng malaman kong Palay pala s’ya at hindi Saging. Nyahahahahahah😀 (pareho pa kami nakadilaw).

Syempre pinikyuran ko din sa Yhen-yhen.

yhen philrice

Pakatapos kong makapasok lumabas na din ako agad, may pasok pa kasi ako (napadaan lang).

Pumunta agad ako sa nakita kong mga hamsters kanina, at bumili ako ng dalawa kasama ang kanilang magiging bahay.

Ang ku-kyut nila🙂

hamster<—ito si Chino ang cute cute magkahalong brown at white.

Syota nya si Jabee ang medyo gray at may white din papakilala ko sila sa inyo next time at kukuhaan pa ng video.

Alam nyo, K9 talaga ang pangarap kong pet, yung mala kabayo ang laki. Yung tipong puwede kang ipagtanggol sa mga nanakit sayo. lols. pero dahil malabo pa ang pangarap kong iyon, sa hamster muna ako.

Masayang masaya ako sa bago kong makakasama sa buhay. Tatlo na kami ngayon sa boarding house 🙂

Salamat Yhen at nakilala ko sila aheheheh😀

53 thoughts on “ANG HAMSTERS KO :)”

      1. no, hindi si san sebastian! Si San Sebastian ay isang santong martir na pinatay noong persekusyon ng mga Kristiyano ng emperador ng Romang si Diocleciano. Ayon sa alamat, isa siyang opisyal ng mga guwardiyang imperiyal na pinaslang sa pamamagitan ng mga pana o palaso pagkaraang matuklasan na isa siyang Kristiyano. Kaya’t kalimitan siyang nilalarawan sa sining at panitikan na nakagapos sa isang poste at pinatamaan ng mga pana. Dahil sa pambihirang kalikasan ng kanyang pagkamartir, karaniwan siyang itinuturing bilang dalawang ulit na naging martir.

        Ang santo para sa mga hayop ay si San Francis of Assissi. He is known as the patron saint of animals, the environment and Italy, and it is customary for Catholic churches to hold ceremonies honoring animals around his feast day of 4 October. (minsan kita ang image niya sa May Bukas Pa, ung may kasamang birds…)

        Yap, nagbe-bless din ako ng animals…

        1. huwaw father dami ko natutuhan sayo ha.. astig..

          si San Francis of Assissi pala yun🙂

          btw, panalo si Santino sa CMMA ha..

          galing kasi ni bro hehehe

  1. putrages! anong ginawa mo kay jason?!!! kawawa naman…
    basta huwag mo syang pakainin ng ganyang kalaking palay. baka mabilaukan!

  2. nakita kita otep kagabi! looking at your pichur sa taas, i’m sure ikaw nga yon hehehe! pero di mo ko nakita… hahaha!

    super nalate ako e. i only caught the last part na yung personal blog and so on…😀 nahiya naman ako magtanong if i won or what. hehehe. salamat ha!

    talo tayo pareho sa blogger’s choice pero ok lang yon! mas mahalaga talaga yong community natin. i wouldn’t exchange that for any award. (pwera na lang kung oscar. nyehehe!)

    1. Waaaaaaaaaaaa.. ang daya! ikaw di kita nakita. heheheh

      astig ka nga, yung mga tao nagsisigaw…. parang.. “Ilabassss nyo si DeeeJeee!!”

      grabe ang dami mong fans astig!

  3. stipes tee, cool sa mata.

    neweys, sana in time makapagpapicture din ako sa malaking palay na yan.hehe

    btw yhen is cute sa knyang getup.

    at sympre ang mga daga mo sana maalagaan mabuti.

    tc otep.

  4. wow…congrats sa bagong alaga….ako gusto ko din ng mga hayop..kahit tao na nag aasal hayop gusto ko rin.ahahaaha..
    so kelan ang binyag? ako ang bibinyag sa kanila..promise hindi ko sila sasaktan.aahahahaa
    gusto ko rin ng aso…sa pag uwi nalang kasi ang mahal ng shipping..:)

    1. Wahahahaa ako din gusto ko ng wild.. lalo na sa… Nyahahhhaa😀

      tatanong ko pa kay father fiel kung kailan s’ya available.. hehhehe

      ninong ka? hekhekhek

  5. hahaha…

    wala lang… saging talaga c palayman eh noh? di bale di lang ikaw ang nagkaroon ng maling akala…

    nwei, salamat sa pagdalaw otep… patawad talaga di na kita naiboto…

    salamat sa pagtawag mo nung isang gabi. nung mga panahong sobrang nanghihina ako… salamat talaga…

    alagaan mo yang alaga mo ha….😉

  6. Akala ko nung unang kita ko sa litrato, katrabaho mo na si yhen.
    Parang ang saya doon tol.

    Ayos din ang mga hamsters mo. Akala ko si Jason na hehehe.

    To Otep and Mhar

    Pasensiya na mga parekoi at di na ako nakaboto. Sana wag niyong ipagtampo. Naguluhan kasi ako kung sino ang iboboto ko. Kaya ang nangyari wala akong naiboto. Pasensiya na ulit.

    1. Hehehhehe close lang talaga kami ni Yhen kahit bundok at palayan ang pagitan namin. hehehhehe

      lols. jason ka dyan.

      btw, tse! hindi mo ako binoto nangako ka pa man din. Nyahahahahhah lols.

      next year ako na boboto ha. promise? hehehe

      ayun pareho kami talo hehehhe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s