SAYANG


sayangSabi nila kung nagkataong maaaring maibalik ang mga araw na nakalipas, baka daw wala ng natutong mga tao. Sabi kasi nila kung ganoon nga ang magaganap  sa mundo baka daw umasa na lang tayo sa nakaraan at baliwalain na lang ang hinaharap.

Sabi din nila ang nakalipas ay nakalipas! kinakailangang nating bumangon para maabot ang pangarap. Pero paaano mangyayari ‘yun, kung ang nakalipas ay ang natatanging paraan mo para abutin ang pangarap?

Sa huli sa panghihinayang pa rin mauuwi ang lahat.

panghihinayang na lagi na lang nasa huli, puwede bang kahit minsan mauna naman ang panghihinayang? lols.😀

***

Kamakailan, napanood ko sa wowowee si Myrus yung semi-kalbo na RNB singer. dati ko pa s’ya naririnig medyo nakakarelate kasi ako sa mga tagalog song n’ya. Kamuntikan na nga ako bumili ng album n’ya noon, buti na lang anga-anga ang sales lady sa music store na napuntahan ko.

Biruin mo hinahanap ko yung CD ni Myrus, si Cyrus ang binigay sa’kin. Yay!. tapus nung inulit ko na si Myrus ang kailangan ko hindi nya daw kilala yun at wala silang ganung CD.

Payn!

May bago palang kanta si Myrus yung “Sayang” revival song n’ya mula kay Clare Dela Fuente.

Hindi ako nakadama na pag ka jologs habang kinakanta n’ya yun. astig! try n’yo minsan.

***

Ayun habang pinapakinggan ko yun medyo na-eemo ako, kasi naman kahit wala naman ang kinalaman yung kanta sa pinagdadaan ko, may mga bagay akong naaalala. (lakas lang talaga mag trip). Pero sabi nga nila by choice lang talaga kung bakit madalas akong dalawin ng lungkot

Syete ang sagwa!  pero kung maibabalik lang talaga ang nakaraan sana hindi na lang kaming naging “kami” siguro magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.

Ang hirap kasi, gustuhin mo man o sa hindi, hindi na talaga maibabalik yung mga araw na una kayong nagkita.

Sayang talaga! Sayang! sayang! sayang!

Pero iyon lang ang maganda sa panghihinayang kasi natututo tayo, mas namumulat tayo sa katotohan, na minsan tayo rin ang nagkamali sa sarili na’tin.

Kaya pala ako nanghihinayang ngayon kasi nangangahulugang itong importante talaga s’ya sa’kin.

124 thoughts on “SAYANG”

  1. weh? di nga? may natutunan ka nga? ehhe…

    nwei, tulad ng pinaniniwalaan ko “Doing what is right today means no regrets tomorrow.” ito wala ka na talagang dahilan para magsabi ng sayang.😉

    btw, infairnes ha maganda nga boses ng Myrus na yan ha… kung sino man siya…

  2. teka san mo na naman kinuha yang picture ko na yan? ehhe kaw ha… napaghahalata ka na ha… umamin ka na, may pagnanasa ka sa akin ano? ehhe…

    JOWK!!!

  3. Everything happens for a reason. You may not understand why things are happening the way they are, but soon enough you’ll know.

    Just let go.

    Create your own “NEW” life OTEP then LIVE IT!

  4. ♪Nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko♪

    Napakanta lang.🙂

    Eh lahat naman ng nangyayari saten eh may dalang lessons diba. keri lang,kanta ka nalang hihi.🙂

  5. hulog ka ng langit sa akin otep! salamat sa post na ito!

    bago kasi nagcommercial sa wowowee, sinabi ni willie na magaling daw na singer ang susunod na kakanta after ng commercial break…

    after commercial break, na-late ako ng konti, di ko na naabutan ung pinakilala ang name niya…

    at nung narinig ko nga na kumanta siya ng sayang, parang feel ko na di ng jologs ung pagkakanta niya. very unique ang kanyang rendition. kaso, un nga, after niya kumanta nagcommercial agad kaya di ko nalaman name niya.

    wahahaha, salamat sa u otep. now i know, alam ko na kung ano name niya. count me in sa mga fans niya.

  6. i love this song. reminds me of my younger days. i love the original version, but i like this cover by myrus also. parang “sana maulit muli” by gary v
    “sayang”…kala ko eh post mo tungkol sa isang blogger na ex-friend mo😦

  7. yeah… napanood ko din siya sa wowowee… his song got me so nostalgic na super publish ko for everyone to see ang isang album sa facebook na matagal ng naka private… siempre pinalitan ko ang title ng album into SAYANG…

    ang loser ahahahahaha

    but it’s true… if a dream doesn’t work out, drop it, get another dream….:)

  8. Meaning to say sa nakalipas ka humuhugot ng kalakasan mo para maabot mo ang mga pangarap mo? ang maipapayo ko lang, Gawin mo kung ano bagay na pwedeng makatupad ng mga pangarap mo.

    Okey lang otep na sabihan ka ng dreamer wag lang ng such loser…

    myrus? ‘ndi ko sya masyado kilala, pero si wille kilala ko talaga s’ya, kung hindi ako nagkakamali host sya ng eat bulaga…

  9. hahaha miley cyrus nga unang pumasok sa isip ko.

    siguro nga ganun mangyayare ano?
    hmmmmm

    meron talagang mga option na
    pedeng magdulot na maging MAS ok at maging HINDI ok.

    hmmmmmm

    nag babalik tanaw si otep heheheheh

    teka sino nga ba si Myrus? Star Cinema o Viva? LOL

  10. yan na nga ba ang sinasabi ko….pero in fairness parang gusto ko ang version nya kesa original….male voice kasi…mas nakakarelate ako…..pero mas emo yung kay claire dela fuente…

    kaw otep ha…emo ka na naman…..nakakarelate tuloy ako ….aysus…..ehehehehehhe.

    1. Waahahhahahahaha anong mas emo kay claire fe la fuente… mas emo kay Myrus no. hehehhe🙂

      hindi ako emo no. nagbabalik tanaw lang Nyahahahaha😀

  11. Hi Otep! I am Myrus’ manager. I would like to thank you for all your help. I would like to personally give you a copy of his album. Thanks a lot!

    FYI, he’ll be in ASAP 09 on Nov 1. I hope you watch the show.

    Thanks.

    Chris

  12. MYRUS TVC FOR “ECHOES OF DREAMS” CONCERT IN ARANETA COLISEUM ON NOVEMBER 30

    Sony Music hit maker Myrus in a TVC promoting his concert with Lea Salonga titled “ECHOES OF DREAM” at the Araneta Coliseum on November 30, 2009. The benefit concert is organized by Center of Arts.

  13. kuya!

    pagawa naman ako ng maikling kwento na tagalog tungkol sa ritual ng filipino!!!!!

    Galing mo nga nde ko lng kilala si myrus…

    dami mo na nagawa story…

    heheheheheheheeheh

    yes, i’m a little brat searching for my projects….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s