ANG PANATA


I-Witness Docufest na naman, at siyempre hindi ko naman pinalagpas ang pagkakataong ito, pumunta ako sa Gateway nitong sabado para manood at para makita ang mga iniidolo ko.

Biruin mo yun, halos kalahating dekada  na pala akong namamanata sa mga docufest pati na rin sa mga DVD launching/autograph signing nila.

Nakakatawa lang dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawa magpapirma sa kanila.

Highschool pa lang ako masyado na akong sumusubaybay sa I-witness. Doon nagsimula ang pangangarap ko at nagsimulang malaman kung ano nga ba talaga ang gusto kong marating pag laki ko. (kahit na hindi na ako lumalaki physically lols.😀 )

Noong nasa College na ako taong 2005 unang nagkaroon ng I-witness Docufest.

iwit05

At syempre, nakakatawa mang balikan ang buhay kolehiyo ko, pero nagagawa kong mag-cutting classes noon (bawal gayahin) para makapanood nito. (host pa dito si Raffy Tima)

2006 naman, hindi ‘ko alam kung nagkaroon ba ng i-witness docufest pero pumunta naman ako noon sa Sine Totoo 2006 noon sa Megamall. Sa unang pagkakataon nakita ko sila Ivan Mayrina at Reah Santos (panahon pa yun ng Pinoy Abroad)

iwit06

Minsan kahit mag-isa lang ako o kahit walang kasama, pumupunta pa rin akong sa mga docufest.

Nakakatawa mang malaman pero dahil sa I-witnes napuntahan ko na ang halos lahat ng mall tulad Trinoma, Gateway, Megamall pati na rin ang Greenbelt. , lakas lang ng loob para hindi maligaw.

iwit07

Madalas pa ring akong mangarap maging Dokumentarista balang araw, pero sadyang mailap talaga ang tadhana. Siguro sa propesyong gusto kong marating may dalawang uri lang talaga: ang taga gawa ng dokumentaryo at ang taga nood ng kanilang mga gawa. Siguro doon na lang talaga ako nabibilang sa taganood. hehehehe.😀

iwit08

Pero dahil libreng libre pa rin ang mangrap balang araw magiging wall of fame din ako tulad ni Howie Severino Nyahahahhah😀

iwit09

Sapat na marahil ang subaybayan ang kanilang gawa, at baunin yung mga aral na gustong ipukol sa’tin, naniniwala kong ayun din ang pangarap nila sa bawat obra na kanilang ginagawa para sa’ting mga tagapanood.🙂

40 thoughts on “ANG PANATA”

  1. abat nauna nga ako haha..
    takte sayang talaga dapat nakasama ko sayo eh badtrip sayang..
    pramis next yr di ko napalalampasin pa yan..
    paramis talaga..
    ung dvd bumili ka ba?
    peram ako..

  2. pa-grad ako ng hi skul nun mahilig ako sa mga documentaries na tv show. kaso late na pinapalabas, pinagpupuyatan ko lalo na i-witness saka the probe team… eye opener, pag nanonood ako dati, naiisip ko ang laki laki mundo, ang lawak lawak ng buhay, nare-realize ko kung gano kaliit ang mga problema ko kumpara sa problema ng mundo. nkaka-miss manood ng mga ganyang palabas. hayyyy… hehe

      1. yeah, worth it… mga documentaries saka travel show pinagpupuyatan ko tlga. tas saka mangangarap na sana ako din makagawa ng ganun.🙂

        1. yeah sabi ni sir howie hindi naman daw natin kailangan ng magagandang gadgets para maka produce ng isang dokyumentaryo basta mayroon lang tayo camera at marunong din tayo mag edit🙂

          parang sa fotografiya wala naman yun sa ganda ng camera sa kamay at mata lang yun ng kumukuha🙂

          1. “parang sa fotografiya wala naman yun sa ganda ng camera sa kamay at mata lang yun ng kumukuha” — nice one! lalo na ‘fotografiya’! ahahahaha! pero seriuosly, nasa kamay nga at mata ng kumukuha, talent un…

              1. wala kong blog. purely blog hopper lng hehehe… sana minsan makagawa din.. hehehe… sa art cguro, ‘fotografi’ (peram ng ‘f’ mo ha, hehehe) , pero point & shoot lng digicam ko, wala ko budget for slr, mahal e. hehe… nu pala ‘Sulatroniko’ mo? add n lng kita sa ym

  3. Ever since nag college ako hindi na ako nakanood ng I-Witness, up to now na nagwowork nako hindi ko pa rin sila mapanood, wala na kasing time. Sayang di ako nakakapunta sa Docufest, wala kasing time. Suwerte mo napupuntahan mo. Magagaling silang documentatrists.

    First comment ko ata to dito!? Hehe! Makikiraan ho….

    1. WOW mukha ngang first time, dahil dyan,, Kungratsuleysyon! kapangarap ka na heheheh..

      sayang hindi ka nakakapanood, libreng aircon pa naman sa sinehan gateway pa pangmayaman heheheheh😀

      marami pa namang next year sana makapanood ka na next time🙂

    1. Nyahahahahaha parang ganun na nga..

      pero nakakamiss pa ring manood sa sinehan ng may kasama. susyalin nga ang mga sinehan sa docufest gateway🙂

  4. hmm. talagang panatiko ka ng docufest! imagine, nag-cutting class ka! haha!

    i’ve never been to one. maybe i’ll try going to thw i-witness docufest someday.

    =)

    hello, otep! namiss kong mag-blog at mabisita ang site mo!

  5. sa totoo lang gustong gusto kong pinapanood ang i-witness kahit pa sobrang gabi na ang air nito sa tv. bakit ba kase inuuna pa ang mga nakakasawang telenobela kase sa mga makabuluhang panoorin.

    ayos pareng otep, akala ko may entry kana rin. hehe

    1. hahahaha dadaan pa ang maraming taon bago akong makagawa ng sarili kong dokyu.

      yeah.. ganoon talaga, siguro mga kabataan talaga ang unang mga nakakanood nito.

  6. ayos yan… libre nga mangarap…

    alam mo, kung tutuusin, isa ka na rin dokyumentarista.

    ang pagsusulat natin ng blog ay para na rin ganun.

    you can take ite a little bit farther by choosing a topic and writing about it. researching. taking pictures or maybe even a video.

    what we do is something like what they do na rin. but to a lesser level.

    and if you have dreams… you will take it to the next level… you can take it to the next level.

    try it. abangan namin ano iyong idodokyu.hehehe

    1. huwaw naman.. ayos naman.. parang script writing ganun ba yun, part din kasi yun ng documentary. teka hanap muna ako ng camera man saka host hehehehe sa producer na rin🙂

      gusto ko sinabi mo🙂 apir*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s