ECHOES OF DREAMS


myrusO ha! kinakarir na talaga ni Otep n’yo ang pagsuporta sa idolo nitong si Myrus.

Pangarap ko rin namang maging tulad n’ya no, kaso kahit balik-baliktarin natin ang mundo hanggang pangarap na lang yun dahil boses palaka ako (kokak). lols😀

Speaking Pangarap ayon sa nabasa ko sa isang pahayagan, natupad na rin ang pangarap ni Idol Myrus na makasama sa isang Concert si Lea Salonga.

“Natupad na ang pangarap kong makasama si Ms. Lea Salonga sa isang concert. I am honored to be a part of this inspiring and noble endeavor,” sabi ni Myrus.

Yup! magkakaroon sila ng isang Charity Concert para sa mga may special needs katulad ng autism, down syndrome, at mga biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa November 30, 2009. (Friday).

Sa mga hindi pala gaanong nakakakilala kay Idol Myrus s’ya po yung kumanta ng “Sayang”, isa po s’yang RnB singer. Kung maaalala nyo kinanta n’ya ‘to sa Wowowee na nirevived n’ya mula sa original song ni Claire dela Fuente. Siya yung lagi nating napapakinggan sa mga FM radio stations, hindi po s’ya si Miley Cyrus! parang awa n’yo na. Nyahahahhaha😀

Sa mga gustong manood kontakin nyo lang ang manager n’ya na si Chris Cahilig ( 706-3373, 3830171 | 0921-4446914.)

Bago ko pala makalimutan, may pa promo din pala sa album nya na “Love Cycle” na malapit na mag Gold. Ang mga bibili ng kanyang album sa lahat ng mall shows ay makatatanggap ng libreng tiket sa NIDO Fortified Science Discovery Center sa SM Mall of Asia. Kung  papalarin ka naman, maaari kang magkaroon ng MacBook White, HP Mini, IPod Touch, at iPod Shuffles at magbibigay ng 10% discount stubs sa piling Binalot branches.

Narito pala ang natitira pang Mall Shows ni Idol Myrus”

  • October 30, 2009 (Friday) SM Taytay
  • November 6, 2009 (Friday) SM Dasmariñas in Cavite
  • November 7, 2009 (Saturday) SM Sta. Mesa
  • November 14, 2009 (Saturday) SM Manila
  • November 21, 2009 (Saturday) SM Southmall

Sana suportahan na’tin ang magandang adhikain ng Charity Concert ni Myrus at tuparin ang Pangarap ng iba pang makikinabang sa pagtatanghal na ito. maraming salamat🙂

Yeah \m/

53 thoughts on “ECHOES OF DREAMS”

  1. walang basagan ng trip. kapag di pumapalya ang youtube hahanapin ko yan at titignan ko kung bakit mo iniidolo iyan.

    kamusta otep?

    1. Nyahahahhaha loko ang gandang lalaki n’un ako, hindi ako yun, saka ang bata pa ang layo na ng narating 1990 sya pinanganak.. astig nga e.

      oo nga nakita ko Nyahahahahha goodnews nakakalaki ng mata. lols

  2. ngayun palang nagpapasalamat na ako sa kanila sa pagbuo ng isang concert para sa mga katulad ko…
    wag niyo naman akong pagtawanan kung ako ay isang autistic.
    hehehhee..beh!nangungulit lang.
    pareho kaming kalbo.

  3. d ko pa yan narinig ..
    mas maganda pa ata un version mo ee. haha

    ulitin mo nalang un pagawit mo sa susunod na pagload mo
    ng unyt kapag may bading ulit na nagtxt sayo ,.

    hahaha !

    **nageeffort po talaga sya na magload para lang tawagan sa madaling araw un
    nagtxt sa kanya .. =p

    papicture!:)

    1. hala ikaw bayan? astig naman nag comment ka hehehehe..

      oo naman narinig mo naman boses ko di ba? panis na panis si Myrus.. may kokak nga lang ako sa dulo Nyahahhaha lols.

      wala nang tumatawag sakin ngayon🙂

      1. mas susubaybayan pa kita kesa jan😀

        haha . mas puge ka pa jan ee ..

        partida dpa ganap ang kulay ng pagkatao mo . hahaha
        black&white ka . haha

  4. aaaahhh sya pala yun matagal ko na ngang hinahhanap sa youtube yung version ng lalake na sayang… now maririnig ko na din yun… salamat
    sya nga pala ako po si romeo, baguhan sa blog sana po ako ay masuportahan nyo…

      1. waw! isang hamak na fan!
        cge nga… lets see…
        enumerate mo lahat ng title ng kanta nyang kasama sa first album nya.
        hehehe…🙂

  5. hmnnn… hindi ko siya kilala. pero dahil dakila kang fan. kikilalanin ko sya. nga pala pinakinggan at pinanuod ko yung version nya ng sayang sa video… napangiti ako.

    hehe… teka, anong episode ng wowowee sya kumanta? sikat na ba sya nun? anong date? pano sya nadiscover? kelan pa sya anging singer? saang recording company? sensya na sa tanong ah… July pa kasi nung naputulan ako ng TFC. hehe…

    sir, babalik ako rito…🙂

  6. Alam mo idol ko din yan si Myrus… sobra…. at napakabait talaga( walang halong kaplastikan) kasi damang dama ko yung sincerity nya… alam mo kasama ko si nanay sa mall show nya, nakita ko para siyang naiiyak nung nakita nya nanay ko. tapos niyakap nya. Super saya ng nanay ko. Hindi naman sa kinukumpara ko siya sa ibang artist pero ibang klase talaga siya. Sana mas maging succesful pa ang career nya… Nung makita ko siya sa mall show.. simula nun naging idolo ko na siya.. napabili nga ako ng album nya eh ( hehe) hindi ko pinagsisisihan kasi magaganda ang mag kanta… Talagang sinusubaybayan ko talaga siya… everyday,, hinahanap ko sa dyaryo.. Gusto ko nga maging member ng fans club nya.. haha! (Asa) Sana mabasa ni Myrus itong comment ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s