USAPANG KAMATAYAN


pangarapin mo pa kaya copyOppps.. kung ayaw mo ang usaping ito, dito palang ay maghanap ka na lang ng ibang post na sa tingin mo ay magigiliwan mong basahin🙂

Siguro noong kabataan mo ay natakot ka rin sa mga kuwentong multo o katatakutan mula sa kuwentong baryo o kababalaghan. At syempre isa sa mga araw na kinakatakutan mo ay araw ng mga patay.

Takot na takot talaga ako pag darating ang araw na ito, siguro dahil puro kuwentong kaluluwa na naman ang mga mapapanood ko sa telebisyon na mananatili sa aking kaisipan, na magpahanggang sa panaginip at maglalakbay ang matatakutin kong imahinasyon.

Naaalala ko pa noon yung programang Magandang Gabi Bayan ni VP Noli De Castro, taon-taon inaabangan yun ng mga ate at kuya ko dahil nagpapalabas ito ng mga kuwento ukol sa mga nakakahilakbot at minsan at kapapaniwalaan mo dahil sa husay ng pagkukuwento.

Ngayong mag bebentedos na ako ngayong Nobyembre lols. (parinig) ay hindi ko na kinakatakunan ang mga yaan at tila mas pinapanabikan ko pa ang kamatayan. (amp. tigil na baka mag emo).😀

Minsan naiisip ko ang mga araw na makikitilan na ako ng buhay. Minsan naman iniisip ko kung sa papaanong paraan. At Minsan ako na mismo ang pumipili kung paano ko gugustuhing mamatay.

  • Una. Kung mamatay kaya ako sa pamamagitan ng bangungot tulad ni Marcy Cielo at Rico Yan? Masakit kaya yun? Pero pakiramdam ko parang masakit pa rin dahil tila sinasaksak ka sa pagtulog mo habang mauuwi ka na sa mismong pagkakalagot ng hininga mo?

Ganito ang sitwasyon habang binabawian ng buhay sa bangungot: Minsan mapapasigaw, may pagiyak at ang huling bagay marahil ay paghahabol ng hininga at ang pinakahuli ay ang pinakamalim na paghahabol ng hininga sa tuluyan nitong paghinto. (saklap)

  • Pangalawa. Gugustuhin ko kayang mamatay sa sunog? Syempre hindi, dahil sobrang hirap noon. Kung iisipin mo makakaramdam ka ng sakit habang naaabo ka habang humihinga pa!. Kaya awang-awa ako sa mga taong binawian ng buhay sa pamamagitan ng sunog. Ang sakit noon isipin mo mararamdaman mo ang bawat pagputok ng mga balat mo. aw.

Ganito ang pagsigaw habang binabawian ng buhay sa sunog: Ahhhhhhhhhhhhhh saklolo (ubo) ahu! ahu! ahu! (may kasama pang pag iyak)

  • Pangato. Hindi ko rin nanaising mamatay sa pamamagitan ng Pagkalunod. Isipin mo na lang ang mga sakuna tulad ng paglubog ng barko at flashflood. Ang hirap pa rin, dahil mararamdaman mo pa rin ang sakit nito at unti-unting pagkaputol ng hininga mo. Malas pa pag sa barko, dahil fifty-fifty talaga ang tiyansang mabuhay. Ang masaklap pa kung nalunod ka na tapos hindi pa nahanap ang bangkay mo at ang mas malala kainin ka pa ng mga lamang dagat. aw

Ganito ang huling eksena pag nalulunod: Tuloooooongg.. Blok blok!! (Pag susyal) Help… Blok Blok… hirap pa rin no?

  • Pangapat. Ang mamatay sa pamamagitan ng pagsabog (Bomba o Terorismo, Aksidenteng Pagsabog) Parang gusto at ayaw mo ang pangyayaring ito. Gusto? siguro dahil sa isang iglap at mawawala ka na lang at sa mabilisang pagkawala ng buhay at marahil ay hindi mo na naramdaman ang sakit. Ayaw! dahil pag nagkataon magkakalasug-lasog ang katawan mo.

Ganito naman ang sitwasyon mo: (wala) biglaan kasi kay hindi ka na makareact. Maliban na lang kung alam nakakita ka ng bomba, siguro ganito ang sitwayon mo: Waaaaaaaaaaaaaaa may bombaaaaaaa… takbo.. (magsisigawan ang mga tao).. waaaaaaaaaaaaaaa (BOOOOM!) sabug!

  • Panglima. Tulad ng pagsabog hayaan nyong ihiwalay ko ang aksidente sa eroplano. Medyo may kabilisan din kasi ang pagkakalagot ng hininga ng mga taong binabawian dito. Dati, noong iniisip ko kung paano ako mamamatay sabi ko mas gugustuhin ko ang sa eroplano dahil  instant wala ka ng buhay pero hindi rin pala ganoon iyon may konting aw. pa rin.

Ganito ang sitwasyon mo: Waaaaaaaaaaaaaaa (Boom!) salpok sa mga puno at bundok (minsan masusunog pa kaya pag ka nagkalasuglasog ang katawan mo masusunog ka pa)

Ganito naman ang sitwasyon mo pag bumagsak ang eroplano mo dagat: Waaaaaaaaaaaaaaaaa (Biiiiiiiiiiissssssssssssshhh) (Boom..) mahahati ang eroplano tapos malulunod kapa. Bloook!! Boolkkk!! blok!! saka mahirap dahil may tiyansa ka pang mabuhay.

  • Pang-anim. Ang mamatay sa aksidente, halos lahat naman ng sinabi ko ay may kinalaman sa aksidente, ang aksidenteng sinasabi mo ay literal tulad ng sasakyan at iba pa. Ayoko rin ng ganito kasi wala ring kasiguraduhan. Maaaring mabilisan, maari ding matatagalan at makakadama ng mahabang pagdurusa.

Sitwasyon: Maaring tulad sa sasakyan na bago ka matanggal ay mauubusan ka na muna ng dugo at hahantong sa pagkakalagot ng hininga. Ganoon din sa mga sitwasyong sasabog o masusunog ang sasakyan. At ganoon din sa mga mala-latang nangyayari sa mga awto.

Masaklap din yung wala ka nga sa sasakyan pero nabundol ka naman. ay! katangahan lols.

  • Pangpito. Ang mamatay sa pamamagitan ng pagkakabaon sa lupa o gusali. (ito ang pinakamasakit) Dahil mamatay ka marahil sa gutom at uhaw. Madalas itong mangyari sa landsline o pagkaka kulaps ng mga gusali lalo na pag may trahedya tulad ng Lindol. Biruin mo unti-unti kang manghihina at napakahabang pagdurusa sa napakadilim na lugar.

Ganito ang sitwasyon: Magsisigaw ka at magbabakasakaling baka may makarinig at makasagip sayo. Mag-iiyak ka sa halu-halong sakit na mararamdaman mo. Kakain at iinom ka ng kung anong bagay at likido sa paligid mo. Siguro kung may maganda sa sitwasyong ito ay matatawag mo ang lahat ng santo. Santa Rosa, Santa Cruz, Santa Mesa (lols) at maiisip mo lahat ng kasalanan mo at mauuwi sa pagsisisi.

  • Pang-walo. Hindi ko rin nanaising mamatay sa sakit, lalung-lalo na sa mga sakit na dadalin mo sa mahaba at matagal na panahon tulad ng Aids at Cancer. Ang siste kasi para kang isang karne at uunti-untiing kakainin ng mga uuod habang himihinga ka pa. saklap. Siguro mahirap lang kung magiging pabigat ka sa pamilya mo.

Ganito naman ang magandang sitwasyon pag mamatay ka. Mahirap nga dahil sa tagal pero ang maganda nagkakaroon ka ng pagkakataong maitama ang mga pagkakamali mo sa tulong pagpahingi ng awa sa nasaktan mo ganoon din sa may lalang. Isa rin sa maganda dahil sa huling pagkakataon makikita mo ang mga mahal mo habang may kaunting hininga ka pa at ang mas maganda mamatay ka na katabi mo sila.

  • Pangsiyam. Ang sapilitang pagpapakamatay. Aw. ito ang pinaka masama at pinaka makasalanang magagawa ng tao sa buong buhay n’ya. Ang Diyos ang may may bigay sa’tin at Diyos din ang may karapatang bawiin ito kaya wag kang epling para unahan ‘to.

Sitwasyon: ang pagtalon sa gusali, pag bibigti, pagbabarin sa sarili at pag-inom ng kung anu-ano! luklukan ng kaemplingan!! Huwag na huwag itong gagawin. Ako seryoso naisip ko na ito, pero kung iisipi mo din, paano kung sa pagpapatiwakal mo ay nabuhay ka pa!? o di ba ang saklap? mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo at mas lalo mong nilagay sa alanganin ang uhay mo. Mas lalo kang hindi makakapag move on sa kung anong dahilan bakit nanaisin mo pang mabuhay.

Sitwasyon (B): sa pagtalon mo sa gusali at sa sitwasyong sumabog ang ulo mo pero nabuhay ka, isipin mo na lang para ka naring patay na nabubuhay dahil hindi ka na makakakilos habang nakahiga sa banig ng kapansanan, ganoon din sa paginom ng kung anong anik-anik. kaya huwag na huwag mo ng subukan! okey!?

Wala naman siguro sa ating nangarap mamatay sa alin man sa mga nabanggit ko, Tandaan na’tin na sa ayaw at gusto na’tin ay dadating at dadating din tayo sa huling hantungan. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay para maranasan natin ang Hirap at Sarap sa mundong ibabaw. Mapalad tayong makita ang obra ng may lalang sa Kapaligiran. Mapalad tayong mabigyan ng minamahal at nagmamahal at iba pa.

Mabuhay tayo ayon sa nakasaad sa’tin at kung anong dinidikta sa atin ng panahon.

Lahat tayo ay babalik sa alikabok kaya huwag na nating pangunahan, pero hindi naman ibig sabihin nito na hindi na natin ito paghahandaan. Ano mang oras ay maaaring bawiin sa atin ito kaya isipin nating napakaiksi lang ng panahon para magpaka petiks petiks lang tayo. Sige ka baka hindi mo maabot ang pangarap mo!🙂

87 thoughts on “USAPANG KAMATAYAN”

  1. ang kamatayan ay isang biyaya na dapat ipagtangi ng bawat nilalang. mistula itong isang bangungot para sa ilan pero nakikinita ko isa itong paghabi ng poot laban sa kung anumang naging tayo sa mortal na mundo ng sangkatauhan.

  2. Halos lahat tayo takot mamatay. Pero doon talaga ang tungo ng bawat isa sa atin. Hindi actually ang kamatayan ang kinatatakutan ng marami, kundi ang paraan ng kanilang kamatayan.

    speaking of kamatayan… parang sinabi yan sa akin ng babae kagabi noong sinabi kong “Ano yan?”

    sabi nya “Kam ata yan!”=P

  3. hehehe… ayos sa post ah…

    ako din takot dati pag mag-aaraw ng patay.. kasi nga puro kwentong kababalaghan.. hehe kahit ata ngayon.. hehe..

    oo nga minsan naiisip mo na kung pano mo gusto mamatay… tama ka di dapat natin pangunahan. kaya live your life to the fullest!!

  4. haha..natawa ko dun sa aksidente sa pag sabog haha..
    naisip mo rin pala yang mga yan kahit ako naiisip ko eh..
    parang ang panget..haha pag aksidente sa barko o eroplano o sa sunog..
    ang sakit..awts..ganun din kung may sakit ka na malala pahirap din..

    ano ng ba talagang maganda..
    pero si lord kasi ang nag takda kung paano kaya nya kukunin eh di ba..
    sa paraan na alam nya..hindi tayo ang mag tatakda..
    ayts?

    1. Nyahahhaha ganun talaga ang pagsabog para may effects Nyahaahahha😛 lols.

      ayon sa survey bangungot ang nangungna sa pinaka in demand lols.

      tsk tsk tsk tama si God pa rin ang nakakaalam🙂

  5. mas gusto kong mamatay na natutulog lang… pero nang maisip ko ang possible na reaksyon ng pamilya ko wag na lang…feeling ko tuloy selfish ako.

    pero better na malalaman mong isa kang mortal, pwedeng mamatay… kaysa mag-exist forever… imagine lahat makikita mo kahit pagkasira ng mundo…walang kang choice kundi mag survive kasi wala kang pupuntahan..whew! ang layo yata ng mga naisip ko..hahaha

    1. hmmm.. oo nga saklap pag namatay ka habang natutulog, parang isang umaga malalaman na lang na patay ka na aw. kaya habang maaga nagpapakabait na tayo sa parents natin lols😀

      minsan nga tinatanong ko pag nawala kaya ako makikita ko pa rin ang mundo, makakapagblog pa kaya ako? Nyahahahah😀 lols

      1. haha! di ko rin alam malay mo uso din pala ang blogs mapa langit, purgatoryo o impyerno…hehehe
        pero ayon sa paniniwala ng mga muslim, pag namatay daw ang tao, times 10 ang senses nya… para bang pag tinatabunan kana ng semento or lupa alam mo kung sino ang iiyak, tatawa kahit yong mga steps na ginagawa ng tao nariring mo…oh my God! saklap noh!
        pero dahil kristyano tayo, iba rin ang paniniwala natin pag namatay na tayo.

        1. wow astig ng trivia mo ha🙂

          pero ano kaya? malay mo si San Pedro may Pet Blog.. Nyahahahahahah🙂

          boring ako kaya ako nagbablog, sa langit kaya boring din? sana may internet Nyahahahah lols.

  6. nakakatuwa ang post mo otep

    ang creative. hehe

    pati ako napapa aksyon at napapasigaw haha

    may mga point ka pero ni isa sa kanila ayoko maranasan kasi masasaklap haha

    “Mabuhay tayo ayon sa nakasaad sa’tin at kung anong dinidikta sa atin ng panahon.”

    i like the statement pero pede mo ding diktahan ang panahon sa kung ano ang gusto mo basta masaya ka. kaya lang naman natin sinasabi iyan kasi tayo din ang gumagawa ng kapalaran.

    PERO may magic talaga sa buhay natin na nabibigyan tayo ng mga pambihirang pagkakataon para maranasan ang isang bagay na mas makakadagdag pa drive sa tin para mabuhay tulad ng PAG-IBIG — ngayon iisipin mo pa bang magpakamatay?

    kung masawi ka, pede pa pero katangahan na yun.

    wala na ata akong sense hehe pero ang point ko lang ay cute ka pa din otep😀

    1. Papa D patay na puso ko, naghahantay na lang ‘to ng magbubuhay. Nyahahahahaha..

      sampol nga ng sigaw.. parang di bagay sumigaw ang taong puro pandesal ang diyan. Nyahahahah

      mas cute ang abs mo.. kulangot na lang ang cute sakin Nyahahah..

      happy holloween parekoy🙂

        1. nasasabog kasi ako pag nagcocoment ka. hehehehe..

          try mo tinggan kulangot mo minsan pag wala kang magawa.. makukyutan ka… sarap pa ng feelings hehhe

  7. nakakatuwa ang post mo otep

    ang creative. hehe

    pati ako napapa aksyon at napapasigaw haha

    may mga point ka pero ni isa sa kanila ayoko maranasan kasi masasaklap haha

    “Mabuhay tayo ayon sa nakasaad sa’tin at kung anong dinidikta sa atin ng panahon.”

    i like the statement pero pede mo ding diktahan ang panahon sa kung ano ang gusto mo basta masaya ka. kaya lang naman natin sinasabi iyan kasi tayo din ang gumagawa ng kapalaran.

    PERO may magic talaga sa buhay natin na nabibigyan tayo ng mga pambihirang pagkakataon para maranasan ang isang bagay na mas makakadagdag pa drive sa tin para mabuhay tulad ng PAG-IBIG — ngayon iisipin mo pa bang magpakamatay?

    kung masawi ka, pede pa pero katangahan na yun.

    wala na ata akong sense hehe pero ang point ko lang ay cute ka pa din otep.😀

  8. wala lang napadaan lang….

    il be out tomorrow gang tuesday… text text nalang…

    dko na binasa entry mo… hehe!

    mwahugs…

    thanks for the greeting…

  9. ay nako otef, anu n nmng fumazok sa coconut zhel mo?

    live life to the fullest, never worry about wat will happen wen ul die just savor d moment wen ur still alive..

    alive,,
    alive..
    😆

      1. ahaha…sige maghanap ka na ng mabibiktima mo.

        sa thursday ko naman ipo-post yung “Halloween Special” ko (para sa “Wordless Thursday” kc yun)…at si Spongebob ang focus…

        1. Wahahahaha gusto ko yun Spongebob heheheh astig

          teka pag dinugo ba si Spongebob kulay dilaw din? Nye kornik nyahahahah🙂

          abangan ko holloween special mo, nanguna na ako. hehehe

  10. Sa ngayon di ko muna papangarapin ang kamatayan marami pa akong binabayaran utang hehehe kawawa naman ang maiiwan ko. Seguro kung alam lang natin ang oras ng ating pagkatigok maaaring mapaghandaan natin ito ng husto.

    Ngayon Undas gandang panoorin ang mga nakakatakot na movies. pero kahit hindi undas favourite ko talaga ang mga nakakatindig balahibong pelikula.

    1. hehehe ako din gusto ko manood ng mga horror movies pero foreign, di kasi ako natatakot pag local.

      hehehe oo nga wag pangaraping mamatay ika nga “Marami pa akong pangarap sa buhay” heheheheh🙂

  11. Nice post pare! Kinalakihan ko din yang MGB at minsan nga napapaniginipan ko pa, hehe.

    So while we’re her, let’s make the most out of our lives, use it wisely by doing good. Life is too short for us to whine and complain about a lot of things diba?🙂

    Gandang gabi Otep!

  12. happy haloween.. iiinnngggg booommmmm kabuummm whapang– fireworks yan. haha ako, pano ko ba gusto mamatay? uhmmm siguro malagutan nlng bigla ng hininga. aukong mahirap pa

  13. kaya lang naman takot mamataya ng isang tao kasi hindi pa siya handang mamatay,, pero kung all your life, you feel you’re ready to die, mas nakakaexcite pa nga ang mamatay

    depende lang din sa tao

    pero ako, gusto ko, pag namatay ako, bigla na lang mawawala😀

    1. ay ganun may pagka selfish ka. paano na lang yung mga nagmamahal sayo. papahirapan mo pa maghanap sayo..

      ahhh alam ko na ang uri ng kamatayan ang hanap mo.. yung kidnap tapos chopchop ka tapos di ka na makikita o mahahanap ng magulang mo lols.

    1. parang ang pangit kasi ng ganun, parang bukas may date ka, tapos maaring maganap ang first tutoot mo, tapos mamamatay ka na lang kinabukasan. aw.. hehehe

  14. wala naman atang taong handang mamatay, sinasabi lang nila na kaya nila pero ang totoo hindi naman talaga, bakit kaya ang puro post ng mga tao ngayon sa blog ay may connection sa kamatayan, sa multo o ano pa mang kababalaghan… ano bang meron hahahahaha…

  15. Ako din takot na takot dati sa MBG halloween special. haha. ayaw na ayaw ko talaga nun dati.

    Anyway, pwede ka naman mamatay sa katandaan. Yung parang pipikit ka nalang na parang matutulog after a very tiring day. At least pag ganun, ready ka at gusto mo na talagang magpahinga. hehe.

    happy halloween!!!!

  16. aw ayaw ko rin mamatay ng ganon nakakawapoise… hihihi… and ayaw ko rin magpakamatayn kasi baka di ako matuluyan nakakahiya…

    kapag oras mo na, oras mo na… at agree ako sa sinabi mo na wag masyadong magpapetiks-petiks…

  17. tabi-tabi po..heheh daan lang:)

    hanggang ngayon di ko pa alam kung anong trip kong kamatayan.. ayoko kasi ng aksidente..yung sa eroplano, sa barko, sa sunog..sa lahat lahat pati yung pag talon sa building.. kasi sigurado pangit itsura ko sa kabaong..tsk! ayoko nun.. minsan lang ako mamamatay dapat maganda ko^^

    HAPPY HALLOWEEN..

  18. hi otep, nakidaan lang sa araw na ito. you made some good points there but remember… sabi pa…

    The anticipation of what you fear can be worse than the fear itself. …

    Napadaan lang.

  19. Waaa… Freddie Aguila pa talaga. hahahah! Tama ka ano.

    Anak ng tinapa. I did not see that coming.

    Nag-react kasi ako dahil, nakipagbatuhan ako noon kay lolo Freddie nung nilait nya si Charice. Alam mo na maki-charice kuno tayo, sa huli napunta pa rin akong mr. freddie. hahahah!

    oo nga.. teka ano sa tagalog yun?

    Paano ba tatagalogin un?

    Ang hindi marunong matakot ay hindi makakarating sa katatakutan?
    (cleyshey, ba?)

    1. Nyahahah idol mo pala sa ka Freddie hehhehe lols.

      Ang hindi marunong matakot ay hindi makakarating sa katatakutan?

      ahhhh sabagay kailangan din natin matakot sabi nga di ba kailangan natin ng fear sa GOD! toinks.. related pa din lols.

  20. lahat tayo mamatay kaya dapat maging handa tayo. at kung nasa kalagitnaan ka na ng kamatayan, isipin mo na lang na makikita mo na si lord at ang mga love ones mo na nauna sa yu.

    1. yeah tama yun nga ang gusto ko iparating sa isinulat ko, yung lahat tayo ay hahantong sa kamayatan yun nga lang hindi natin alam kung paano at kailan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s