SI CHINO


Ilang linggo na ring mag-isa sa kulungan si Chino matapos pumanaw si Jabee. Minsan pag nakikita ko s’ya mag-isa sa kulungan nakadarama ako ng lungkot.

Noong besperas ng kaarawan ko, pinasok ko sa kuwarto ang kulungan ng alaga kong hamster, para naman may kasama ako habang inaabangan ang ika-22 kaarawan ko. Inilabas ko s’ya sa kulungan at doon naglaro kami pareho.

Hindi ko alam ang mararamdam n’ya pero halatang natutuwa s’yang makalabas sa apat ng gilid ng tahanan n’ya.

Medyo lumaki na s’ya at mas kumulit kumpara noong una ko s’yang binili sa WTC.

Kaso noong pinasok ko na s’ya muli sa kulungan n’ya, nakadama na naman ako ng lungkot dahil mag-isa na naman s’ya.

Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang matulad s’ya sa amo n’ya. Kaya pag nagkaroon ako ng pagkakataon bibilhan ko s’ya ng bagong makakasama.

Ano kayang magandang pangalan?

50 thoughts on “SI CHINO”

  1. kami bagong alagang pusa…at ang pangalan niya >>> DENGUE. kapangalan ng anak ni Melai at Jason ng PBB Double Up… hehe

    try mo pangalanan ng OSTEOPOROSIS hehe o kaya MALARIA, o TB…para unique.
    😀

      1. dont get me wrong otep. tsk tsk tsk… kung ikaw na nag-mamay-ari kay chino ayaw mo syang nkikitang malungkot, ganun din SYA na may-ari sayo. gusto ka nyang maging masaya.🙂

        1. hahaha.. natawa naman ako dun. siguro kung nakakapagsalita nga lang si Chino minura na ako nun, sabihin sa’kin. “PI ka otep! move on!” nyaahhahaa

              1. mmmm, depende… kailangan malakas ka…kasi yung mga staff ko binubuhat ako papunta sa CR eh at sa ibat ibang lugar dito sa office… hindi sumasayad ang paa ko sa floor unless nasa labas ako ng building namin…hehe

  2. buti pa ang alaga madaling bilhan ng kasama eh ang amo? parang ang tagal tagal ng nakakulong sa cage niya ah wala paring mahanap na kasama… hehehe joke…

    nwei, muka ngang malaki na si chino… baka maging rabbit na yan ah… ehhe la lang naimagine ko lang…

  3. pede abng ROCES nalang pangalan mo sa hamster mo kung female ang bibilhin mo? =) hehe

    tama ung isang comment, kung nalulungkot kang makita na mag isa ang alaga mong hamster, sigurado nalulungkot din sya pag nakikita kang mag isa at malalim ang iniisip..

    move on! move on! hehe!

  4. Jex na lang name mo sa hamster mo ehehh o kaya jasonhamster nyehaha

    nanlalamig talaga ako sa mga blog nyo @_@ hohoho my mga snow

    yun lang bb😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s