GUSTO KO LANG… MAGULO… HEWAN!


Naiipon lahat ng naiisip ko ngayon.

.

.

.

.

Naiinis dahil pa rin makawala sa nararamdaman ko.

.

.

..

Naiiyak, naglalakad ng walang pupuntahan, gumigising isang tanghali wala namang pinagkaiba noong naraan.

.

.

.

INIS.

Halos dalawang linggo nang tumatagal ang application ko sa punyetang SUN CELLULAR na ‘yan para sa mobile post paid. Naka anim na tawag na ako sa hotline nila pero wala namang naitutulong sakin. iba pa yun sa halos apat na araw na pinabalik balik ako para makumpleto ang requirements ko.

naiinis ako, sana hindi na lang ako nag apply hindi pa ako napupurwisyong naghahantay sa wala.

Kaya napagpasyahan ko nang pumunta sa SM Manila Branch ng SUN SHOP para tanungin kung anong problema. For compliance daw dahil wala daw sumasagot sa binigay kong contact number na mga relatives ko.

Puta nila! edi sana tinawagan nila ako noong mga panahong tumatawag ako sa hotline number nila mula martes hanggang sabado.

Parang pag-ibig din pala ‘to. para kang naghahantay sa wala, parang mas mabuti pang sinabi nilang disapprove edi sana hindi ka na umasa at tumawag araw-araw para tanungin kung anong problema na ang tanging sago nila “sir pahingi mo ng kontak number n’yo tapos wait kayo within 24 hours. Puta ba sila? hindi ba nila alam kung nakailang 24 hours na ko naghihintay?

Doon mo mapapatunayan na kahit anong dada mo, kung hindi naman nila gagawan ng paraan-useless!. Kaya pinul-out ko ang requirements ko at inapply sa ibang branch.

Nakakainis! kumpleto na daw requirements ko maliban sa “compliance” na tinutukoy nila, hindi daw nila matawagan bakit natatawagan ko?

.

.

.

.

.

AKSIDENTE

Nakaraan kamuntikan na akong madiskrasya sa Jeep na sinasakyan ko. Sa harapan kasi ako nakasakay. May biglang tumawid na nagbabike, ayun Sapol!

kala ko nga nagulungan.

.

.

Sa lakas ng pagkakapreno sumapol ako sa bakal malapit sa salamin, halos dumikit ang dibdib at mukha ko at nagasgasan ang kamao ko na di ko marawi kung paanong nangari.

buhay naman ang babae.. maliban sa mga gasgas at dugong nakita ko.

.

.

Kinagabihan, sa PGH papatawid ako, ng biglang binuwag nang driver ng pribadong sasakayan ang Red light ayun, sapul ang motor na may dalawang sakay na sinusundan ko. Tumalsik silang dalawa. At kitang kita ang lakas ng pagkakabunggo dahil ang layo ng narating ng mga helmet nila.

Nakatayo naman ang may angkas pero hindi ang nagmamanahe ng motor.

Advantage nalang siguro nila dahil sa harap sila ng ospital na aksidente.

.

.

.

Ang buhay nga naman, isang napakalaking supresa. Kahit anong ingat mo, kung hindi naman ang iingat ang ibang tao. wala din.

Sabi nila wala naman daw talagang aksidente, nagkataon lang ang lahat, totoo kaya yun?

.

.

.

.

.

HALA! LAKAD SIGE!

.

Lagi na lang ako naglalakad hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Siguro hangga’t may barya at  may laman ang SV Card ko sa LRT makakarating pa rin ako kahit saan.

Pero kahit anong iwas ko sa aninong iniiwasan ko, lagi pa rin itong nakabuntot. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang kasalan ko kung bakit ko pinapahirapan ang sarili ko.

Biktima lang naman ako na nararamdaman ko.

Lakad sige, minsan naglalakad ako habang nakayuko napapansin ko na tiklop ang mga kamao. Wala naman akong susuntukin pero nakararamdam ako ng galit, hindi ko naman alam kung kanino.

Lakad sige, minsan naglalakad din ako pero para bang may hinihintay akong makasalubong, hindi naman yung iniisip n’yo. Pero gusto ko yung hihintuan ako tapos kukuwentuhan ako, yung tipong maaalis ko ‘to kahit panandalian lang -yung dinadala ko. Sa ganoon maka bawas man lang ako.

Kaya ayoko sumasapit ang sabado at linggo dahil nababaliw ako.

.

.

.

.

.

GINIGINAW… MALAMIG

.

.

Desyembre na talaga.. pero ayokong dumating ang pasko. Gusto ko lang makuha ang 13th month na inaasam-asam ko pangdagdag sa bibilhin kong laptap.

.

.

.

Naiisip ko kasi sakaling makabili na ako nun, para gugustuhin ko na lang malumpo. mauupo habang nililibot ko ang imahinasyon ko sa mga pook sapot.

.

.

Naiisip ko na rin, maisusulat at mailalabas ko na ang mga naiimpok na mga salita sa isip ko na hahantong sa pagbuo ng manuscipt.

.

.

.

bubuuhin ko na ang nobelang matagal ng nakasuksok dito, huhugutin ko na lang at pag nangyari yun makakawala na rin ako. Dahil maibu-bulaslas ko na ang hapdi, kirot at sugat ng nakaraan ko.

.

.

.

napakalayo pa, pero sobrang excited na ako sa mga magaganap.

.

.

.

Pangarap? masakit din pala minsan.😦

28 thoughts on “GUSTO KO LANG… MAGULO… HEWAN!”

  1. otep kmausta?

    kamalas-malasan mo nga naman hano, e ganyan talaga ang buhay e. may magagawa ba tayo? e wala siguro. neweys tungkol sa sun cellular, di ko kasi alam ang proseso nyan e. baka sa sobrang dami ng tinatawagan nila. at yung sa dyip, parang di ko maimagine. parang ako ang nasaktan sa kwento mo. buti at wala kang pilay.

    goodluck sa mga pangarap! hindi masaklap yan, test lang siguro🙂

      1. nabasa ko to sa blog ni mb… just want to share… 🙂

        Alam mong dapat mong madistinguish ang kaibahan ng natural pain sa self afflicted pain.

        Pain is good, it allows you to grow more.
        It makes you feel more alive and human.
        It urges you to move and do some actions.
        The more it presses you the more you cry.
        The more good things come out from you
        (oo tama, parang orange juice)
        It makes you seek your God for comfort.

  2. Mas mura ang Prepaid. Kung kailan mo lang kailangan tsaka ka lang magloload. Naiisip ko din na minsan okay din lang yung no attachment relationship katulad sa 500 Days of Summer, kung kailan mo lang kailangan tsaka lang tatawagan.😉

    1. hala na curious naman ako sa 500 days of summer.. mapanood nga.

      asar kasi ako pag load ng load ganun din naman ang kunsumo kaya magpopostpaid sana ako.

      1. waaahhhh 500 days of summer!!! movie of the year para sa akin! movie para sa mga emo-guys!!! hehe

        sa sobrang pagkahilig ko dito, i dedicate two pages for it (compilation ng quotes at yung draft ng script ng movie) at isang movie review!

  3. nakngtokwa naman yang sun na yan! pero sa totoo lang may sun din kami eh nakapostpaid! hakhak! okay naman serbisyo dito sa amin kaso ayun talaga eh wlang signal! hirap pala ng signal!

    naks! magkakalaptop na sya!
    ui nabasa ko na yung pinasa mong horror story dun sa psicom publishing…
    as in totoo ba yung sinulat mo? scary!

    mukhang malapit sa disgrasya ah! ingat na lang lagi!

    1. kinukuha na ako ni kamatayan. lols.

      talaga nabasa mo na? bumili ka ng book 23? nice naman oi. papasa ako uli. pero promise baka ako magpasa sayo ko muna ipapabasa🙂

  4. Sun? ewww… mahirap? hehe joke lang…

    Globe country kasi ang Makati eh… kaya majority sa amin at mga clients namin naka-Globe…ewan ko lang sa iba…

    Good luck sa application… (btw, pasok ba salary mo sa minimum nila? may ganun kasi silang requirement… 15k basic, parang ganun…di ko sure. naka-Globe ako eh…hehe)

    1. ako din naman naka globe text mo ko 09063617262 hahaha naghanap ng makakatext nasira kasi sim ayun nagpalit wala tuloy makatext.

      kaya ko naman gusto mag SUN para libre CP. kuripot kasi ako pag dating sa CP basta nakakatext at tawag okay na. huling cellphone ko college pa hanggang ngayon yun pa din gamit ko. trip lang.

      sa Globe na nga lang ako mag-aapply ng postpaid

      1. yung number mo familiar…

        parang writings on the wall…

        nakita ko na ata siya sa isang public restroom…

        wait lang… check ko lang ha…

        syet! ikaw nga yun… hehe joke!

  5. nangyari lahat yan sa yo? tol binabaltik ka. siguro may bumati sa yong bakla. yung sa SUN tol mali yun, sabihin mo lang kung sasaktan na. sensya na ngayon lang nakapag-online ulet at nadalaw dito. dagdag kita sa blogroll ko pare para madali pagpunta dito.

  6. hmmm… kahit saan talaga kung oras mo na, oras mo na talaga,, kaya kahit anong ingat mo,mamatay ka pa rin.. kung d mo pa oras,kahit na guston mo naang mamatay, d ka pa talaga, mamamatay..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s