SAMPUNG DAHILAN PARA PAGBUTIHAN ANG 2010


Noong 2009 gumawa ako ng dream list ko, kaso sablay lalung-lalo na yung new year’s resolution ko na pagtitipid.

Ilan sa mga natupad na pangarap na nakamit ko noong 2009 ay pagkakaroon ng (1) MP5 kaso nasira agad. (palpak) (2) Ang makapag-aral muli at makuha ang totoong course na gusto ko (palpak) kasi hindi ko na pinagpatuloy (3) Ang makapunta sa Baguio (ayos) na nag enjoy ako at wala akong ginastos. Marami pang mga maliliit na katuparan na wala sa dream list ko na natupad (1) tulad noong mapublished ang gawa ko sa True Philippine Ghost Story (ayos)  (2) nakapagpublished ng mga kuha kong larawan sa newspaper namin (ayos).  (3) Ang makilala ang napaka importanteng tao, kaso… (palpak). (4) ang mapasama sa Philippine blog awards kahit hindi nanalo (ayos). (5) ang makakilala ng mga totoong kaibigan kahit panandalian lang (ayos) at marami pang iba.

Ngayong 2010 tuloy na tuloy pa rin ang mala-ambisyosong pangangarap. Halos wala namang pinagkakaiba noong 2009, pangangarap pa rin sa mga naudlot na pagnanais.

Una. Ang magkaroon pa rin ng laptop. haaaaaaaay buong buhay ko na lang yata itong pinapangarap, pati nga credit card pinatos ko na. Pero bilang taong takot sa maaring obligasyon -mahirap paring mangutang.

Pangalawa. Ang magkaroon pa rin ng Camera. Nasira na pala camera ko na katas ng raket ko. Nawalan tuloy ako ng bisyo -ang pagkuha ng mga kamera at mga kuhang bahala na.

Pangatlo. Ang marating ang alin man sa lugar sa Ifugao Province; Batad man o Banaue.

Pang-apat. Ang makabuo ng sariling manuscript na may 500 pahina na ako lang din ang magbabasa belat.😛

Panglima. Ang makahanap at makalipat ng bagong opisana -bagong trabaho, para umangat naman ang estado ko.

Pang-anim. Ang manatiling kaibigan ang mga tinuturing kong kaibigan ngayon. Aminin na natin na napakabilis maglaho ang mga iniingat nating tao. (kakaibang pangarap ‘to)

Pangpito. Ang makabuo ng 100 blog posts ngayong taon at umabot sa 300,000 hits ang blog na ito. Manalo sa mga blog contest at makakuha ng ng blog awards hehehe. (ito ang tamang ambisyoso)

Pangwalo. Ang paghandaan naman ng 23rd birthday ko sa November para kapag blowout naman ako sa unang pagkakataon.

Pangsiyam. Makumpleto lahat ng kulay ng polo shirt ko. Sa ngayon may dalawa na ako Green saka Gray. Pinangako ko kasi sa sarili ko na magiging simple na ngayong taon. nagiging trying hard na kasi ako sa pananamit e.

Pangsampu. (reserved muna). hehehe

55 thoughts on “SAMPUNG DAHILAN PARA PAGBUTIHAN ANG 2010”

  1. pinakagusto ko ung pang-anim. pero syempre, kaylangan mo ding gawin part mo bilang kaibigan. wag mong itulak palayo ang mga taong, tunay un malasakit sayo. whoah! an drama! ahehehhe🙂

    sunod un pangatlo. pangarap ko din un, makarating ng mountain province, lalo na sa sagada, pero bago pala un pangatlo, kaylangan matupad mo muna un pangalawa para sa mga breath taking views ng mountain province. 😀

    1. hehhe magkakadugtong ‘yan, camera muna para may remembrance sa Sagada hehehe..

      asus.. buti ka nga marami ka ng kaibigan, ako naman pabawas ng pabawas…

      hug* parekoy. di na ako emo promise.

  2. naks hehe..ok na ok..kala ko emo haha..toinx..

    gudluck sa loptop hehe..:D
    madami ka din namang nakuha na di mo enexpect.. u need to be thankful sa mga bagay na yun..
    😀 ung kape ko wala pa rin ahha..

    1. bawal na emo ngayon lovely.. pinapatay.

      hohonga thanks ng marami dahil dun hehehe

      oo nga kape tayo.. si Star sa DOJ lang pala. lapit lang dito. niyaya ko mag kape minsan.

      1. toink! magandang simula, di mo pa masasabi kung pano matatapos pero nasa sayo yan kung pangangatawanan mo yang nasimulan mo… 😀

        ang batang laki sa gatas may mararating! wahahaha! nasabe ko lang. hehe🙂

  3. Kaka inspire ah…malapit lang sa amin ang ifugao province..taga santiago city,isabela ako..yung sagada hindi ko pa narating..yung banaue maganda run english speaking mga tao run..yung baquio i love that place so much..ang daming bulaklak!…good luck syo..lappy?..dami kaya mura lappy ngayon dapat brand new para sureball na walang defect..sa akin nga eh neo laptop inaamag na dahil mahirap mag net dito sa province walang wifi(free dapat)…gud luck

    1. oo naman no. iba pa rin kung brand new ang bibilhin, mas feel mo ang pinagpaguran mo.

      wow talaga malapit lang kayo dun? baka pag pumunta dun may libreng tutuluyan hehehehe.

      pangarap ko din pala makapunta sa Mt. Pulag may yelo daw dun e.. kaso matagal ko pang i wiwish yun kasi napaka imposible pa.

      yeah.

  4. heksited naman… naghahanda na ng bday for nov… adik… ehhe..

    nwei, oits otep tama na kadramahan… sumosobra na kayo ni lei ha… hehe

    pinewyear… mwahugs

    1. ano kaba daig na maagap ang masikap. hahaha mukha bang maaga? hehehe

      btw, bawal na nga emo ano ka ba.

      si Lei nahawa lang yun. hehhee

      happy new year din.

  5. Otep hintayin namin ung Pangsampu!

    Alam na namin ireregalo sau sa 23rd bday mo kung sakali, ibat ibang kulay na polo shirt! hehehhe!

    1. hala hindi mo kilala? sya yung best actor daw ng star awards? basta yun na yun saka yung may commercial na WOW tuna..

      nice naman coconut. Nyahahaha

  6. “True Philippine Ghost Story (ayos) ” wow! di nga. So gusto ko naman ishare mo yun d2 sa amen yung kwento.. gusto ko kc ng mga ganyang scary stories..

    Ako din gusto ko ng laptop at camera DSLR.. yay!! ang mahal kc.. haha.. sana matupad mga wishes mo, malay mo dba?🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s