IPALIWANAG: SELOS SA INGGIT?


Medyo kailangan ko lang ng paliwag ukol sa dalawang salita sa pamagat. Ano nga ba ang pagkakaiba ng inggit sa selos? at ang kanilang pagkakatulad?

Hmmm alam ko may kani-kaniya tayong paliwag pero para mas malinawan kinunsulta ko si Pareng Wikipedia.

Ang sabi:

Selos:

Ang panibugho, pagseselos, o selos (Ingles: jealousy, maaari ring possessiveness), ay ang pagsususpetsa o pagiging palabintangin, mapaghinala, o mapagsapantaha sa pagkakaroon ng mga karibal, kaagawan, o kalaban para sa pag-ibig, pagmamahal, o pagkagusto ng ibang tao.pagkainggit dahil sa pananagumpay ng ibang tao, kaya’t  – sa ganitong diwa  – nagiging katumbas din ang paninibugho ng inggit o pangingimbulo; at nagiging katumbas din ng pagkamakasarili. Tinatawag na seloso (kung lalaki), selosa (kapag babae), o panibughuin ang isang taong mapagselos o nagseselos.

Inggit:

Ang inggit, pagkainggit, pangingimbulo, o pananaghili, bagaman mas mahina ang hili kaysa inggit (Ingles: envy, invidiousness), ay ang damdaming nagaganap kapag wala o may kakulangan ang isang tao ng isang nakaaangat na katangian, tagumpay, o pag-aari, at maaaring ninanais ito o hinahangad na wala o kulang ang ibang tao nito. Maaari rin itong hanguin mula sa pagkadama ng mababang pagtingin sa sarili na kinalalabasan ng pataas na panlipunang paghahambing na nagsisilbing panganib sa larawang pansarili ng isang tao, sapagkat mayroon ang ibang tao ng bagay na itinuturing na mahalagang dapat ipagkaroon o makamit ng naiinggit na tao. Kapag nahiwatigang ang ibang tao bilang katulad sa naiinggit, ang napasiglang pananaghili ay tiyak na labis, dahil pinararamdaman nito sa nananaghili na dapat na siya ang mayroon ng bagay na kanyang kinaiinggitan. Sa payak na pananalita, ito ang pagkadiskuntento o hindi pagiging masaya dahil sa pananagumpay ng ibang tao, na may kasamang paghahangad na makuha at masarili ang tagumpay ng taong kinaiinggitan.

Ayon kay Bertrand Russell, isa ang pananaghili sa pinakamabisang sanhi ng kawalan ng katuwaan o kasiyahan.Isa itong pandaigdigan at pinaka hindi magandang aspeto ng likas na pagkatao sapagkat hindi lamang nagiging hindi masaya ang taong naiinggit dahil sa kanyang pananaghili, subalit nais rin niyang magbigay ng kamalasan sa iba pang mga tao. Bagaman pangkalahatang itinuturing ang inggit bilang isang bagay na negatibo, naniniwala rin si Russell ay isang lakas o puwersang nakapaguudyok ng kilos o galaw patungo sa demokrasya at kailangan matagalan upang maabot ang isang mas higit pang makatarugnan sistema ng lipunan.

Sa Katolisismo, itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan.

.

.

.

.

.

.

Kayo ba?

26 thoughts on “IPALIWANAG: SELOS SA INGGIT?”

  1. Ano nga ba ang meron sa dalawang ito…hmmm????

    Basta masama ang mainggit, magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Mangarap at abutin ito hindi dahil sa inggit o kumpentsya na ikaw lang ang gumawa.

    Ano ba mga sinabi, wala akong maintindihan🙂

  2. Ang tanging pagkakaiba ng dalawang salita na yan eh yung kung ano ang relationship ng isang naiinggit o nagseselos man sa kanyang rival, o diba?..

    Teka typo error oh Otep, “IPALIWAG”…typo error nga ba?

  3. sabi sa bibliya…

    “lahat ng mabuting kaloob, ay galing sa itaas. at anumang bagay na masama, ay dapat na itakwil.”

    should i explain more? i guess not. (not unless na lang siguro kung makitid ang kokote ng babasa nito)

  4. selosa talaga ako… ewan ko kung bakit, siguro dahil bunso ako at medyo ksp din. may pag ka inggetera din ako, pero ginagamit ko stepping stone ang inggit ko para makuha ang gusto ko.. nyahahaha.. inshort,.. isa akong ambisyosang frog.. togoinks.. and Im happy…

    1. ako nga ambisyoso o. hehehehe part pero sinasabi ko na lang na part yun ng pagiging mapangaraping dyalo lolski. Nyahahahaha..

      sabi nila pag di ka marunong mainggit at magselos hindi ka tao. minsan kailangan din nating magkasala ng konting-konti lang🙂

  5. Magkaiba man sila ng kahulugan ay mayroon silang parehas na kahihinatnan at yun ay ang galit na kung umabot sa sukdulan ay magre-resulta sa walang habas na pagpatay.

    1 John 3:15 Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.

    Kaya nga minsan hindi mo alam kung bakit ka seloso o inggetero.

    Romans 7:15 Sapagka’t ang ginagawa ko’y hindi ko nalalaman: sapagka’t ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa’t ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.

    At alam mong ito ay masama pero ginagawa mo pa rin.

    Romans 7:20 Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

    Kasalanan nga kasi ang mainggit at magselos.

    If we let this sin dwell, and hatred remain, curse that day & time it was aroused for it shows no mercy at all. 😦

    1. hala nasermonan tuloy ako, nagtatanong lang naman po. Nyahahhaha Jokeness..

      pero sobrang maraming salamat po sa comment n’yo.

      kung ganito lang sana lahat ng komento.. parang gusto ko lagi magsulat at magtanong🙂

  6. walang pinagkaiba

    hehehehe

    minsan nga di ko alam kung ako’y naiingit o nagseselos

    kasi nakita ko kanina yung crush ko may kausap na iba
    di ko alam kung selos ba yung mararamdaman ko o inggit ba

    basta pareho lang ata

    hehehhe

    naguguluhan ka rin ba?

  7. alang pinagkaiba

    hehehehe

    minsan nga di ko alam kung ako’y naiingit o nagseselos

    kasi nakita ko kanina yung crush ko may kausap na iba
    di ko alam kung selos ba yung mararamdaman ko o inggit ba

    basta pareho lang ata

    hehehhe

    naguguluhan ka rin ba?

  8. anong malabu dun? pagnaiinggit ka it’s either hndi mo makuha ang bagay na un or hndi ka pinalad na makuha un, ang selos, sa tao lang ngseselos..
    nakakita ka na ba ng nagselos sa bagay??

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s