SENSITIBO


Minsan napapatanong at napapaisip rin ako, kung ano nga ba pagkakaiba ng mga salitang ‘to: pakikipagkaibigan sa pakikipagrelasyon; sa pakikipagkawpa-tao sa pakikisalamuha; pakikibagay sa pakikisama?

Ewan ko ba, pero kahit anong gawin kong pagtakas sa mga bagay na nilulubayan ko tila nakabuntot pa rin ito at nanatiling anino.

Ginagawa ko pa rin naman ang lahat pero patuloy pa rin naiipon ang mga mabibigat na emosyon sa mata ko. Pero dahil umaasa at naniniwala ako sa pinangako na magiging masaya anong dagok at mala-toneladang bigat man ang sumakay sakin.. sinisiguro kong walang papatak ni-isang emosyon sa’kin. Panlilingid? -siguro.

Naaala ko tuloy yung kuwento sakin noong kaibigan ko noong highschool, habang nagpapakatatag s’ya sa isang sigwang dumaan sa buhay n’ya. Pinangako n’ya na kahit kailan ay hindi na s’ya iiyak. Isang pagyayari lang ang bumuwag ng pangako n’ya, isang sitwasyon s’ya rin ang may kagagawan. Kakalimutan n’ya na daw yung taong may gawa sa kanya nito, pero s’ya mismo ang patuloy na nag -ungkat nito.

Malalim ang naging usapan namin ukol dito, pero wala naman akong ibang maipayo ganoong s’ya na rin mismo alam nya na kung bakit s’ya nagkakagan’un. Sa madaling sabi, balewala na rin ang pagpapayo mo dahil alam mo at alam nya na kahit anong gawing mga hakbang ay nananatili pa rin ang sakit sa puso nito.

Siguro nga lubos ko nang nauunawaan ang pinagdaan n’ya ngayon, na kahit anong gawin mong panata at aspirasyon sa sarili kung ikaw mismo ayaw mong pakawalan ang kirot na nakapaloob dito.

Sapat na siguro ang maraming buwan para unti-unti nangg maghilom ang poot dito, salamat na lang at nagtutuloy-tuloy nito. Nagagawa ko ng maging masaya kahit wala namang dapat ikatuwa, nagagawa ko ng maging maligalig kahit wala namang ikasasaya, at wala ng ikalulungkot kahit na may problema.

Matuto kang ngumiti, dahil nakakatulong ito sa paghilom, matuto kang makisama, makihalubilo kasama na ang pakikipagkaibigan. Tumuklas ka ng mga paglilibangan at matuto kang makalimot.

Pero sadyang maharot ang pagkakataon, na kahit anong pilit mong paglubay sa nakaraan may mga pagkakataon pa ring manunupresa ito.

Nakararamdam ako ng inis dahil hindi ko mapigilan, nakakatakot na baka bumalik na naman ako sa umpisa.

Minsan, kung sino pa ‘yung mga kaibigan mong inaasahan mong makakatulong sa’yo, minsan sila pa yung nagiging dahilan.

Hindi ko alam kung sensitive lang talaga ako, o sadyang insensitive sila.

Kaya ngayon nakakatakot ang susunod kong hakbang, ang pag-iwas sa kanila o ang pagsunod sa pang-anim na nakasaad sa dream list ko.

P.S.

Hindi ‘to emo post.

9 thoughts on “SENSITIBO”

  1. insensitive sila, dapat alam nila boundaries. pero isipin mo, bakit kaya nila cnubukan i-cross ang line?
    tingin ko di nila intensyon na ungkatin ang kung ano man ang nakasakit sayo dati. cguro, gsto lang nilang malaman kung kumusta ka na ngaun. tipong, tuyo na ba ang sugat na pinipilit mong takpan ng band-aid mong ngiti at saya. mahirap pagalingin ang sugat na tinatago, dapat inilalabas para matuyo. sigurado ako, nagguilty sila at humihingi ng sorry, kung kaibigan mo nga tlga sila, nag-aaalala cla sayo ngaun.

    whoah! seryoso ako ngaun ah. Ahehehe…

    1. wosho, ps ndi emo post, hahaha
      ano pala? siguro insensitive sila, at sensitive ka din.
      hahaha. kung bakit ko na sabi, ewan ko may ma comment
      lng. kung kinokonsider mo silang kaibigan
      hindi mo sila lalayuan or iiwasan, dahil
      hindi gaanon ang depinisyon ng pagkakaibigan.
      congrats!!! on the healing process i know and understand
      thats its hard, but theres no other way to do it.
      you have to go under the process, ok?
      but enjoy the process, why? because it makes you stronger! =)
      patawarin mo na lng yung mga kaibigan mong yun!!!

  2. “Matuto kang ngumiti, dahil nakakatulong ito sa paghilom, matuto kang makisama, makihalubilo kasama na ang pakikipagkaibigan. Tumuklas ka ng mga paglilibangan at matuto kang makalimot.”

    Proven eto. hanapin mo lang ulit kiliti mo… swak ok ka na ulit!

  3. otep, hugs🙂 . haiz yan din ang nararandaman ko now. Remember sabay tau ng asa emo stage dati at now eto na naman emo na nman pero tandaan mo na ang lahat ay may dahilan at ito ang makaka pag patatag sa atin. At d ko alam hanggang kelan itong dagok na ito sa buhay natin.

    Forgive. Yan ang kailangan. Tandaan mo rin na ang tunay na mga kaibigan ay hindi lang mga kabutihan natin ang sinasabi. dahil kung puro kabutihan lang natin, mga palstik sila. Ayaw nilang itama o malaman ang asa puso natin🙂

    Kulitan na uli otep…

  4. c michael ung kapangarap mo sa buwan ng enero

    ui pa add naman sa fs fb ym pati na rin sa word press bago pa lng kac ako dun pinasali ako nung kapatid ko lermah_kit@yahoo.com yan ang email ko salahat
    geh ty uli pa add ha baka mag ka memory gap ka eh ……

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s