USAPANG PAGPAPARI


Noong nakaraan umuwi ako sa Cavite, may bago na namang alagang aso ang ate ko. Nakakatawa lang isipin nang maitanong ko kung anong pangalan ng aso n’ya, ang tanging nasagot n’ya lang ay “hihintay ka namin para pangalanan ‘to” na nauwi na naman tuloy sa usapang pagpapari.

Noong bata pa kasi ako ang hilig ko daw magbigay ng mga palayaw sa mga batang naglalaro sa labas ng bakuran namin, kaya hanggang sa paglaki nila ngayon, iyon pa rin ang bansag sa kanila. Nakakatawa lang isipin na ako daw ang nagbansag sa kanila ng ganoon kaya minsan hindi na rin ako makapaniwala at natatawa na rin ako.

Pero hindi lang sa pagbibigay ng palayaw ang nagagawa ko pati na rin sa pagpapangalan sa mga nagiging alaga naming aso, nandyan si Bitoy, si Jumong pati na rin si Dukgo at iba pa. Nakakalungkot lang dahil wala na sila, kung hindi namamatay, talagang pinatay o binenta. Nagiging mapanganib na kasi sa mga pamangkin kong maliliit.

At bakit naman napasok sa Pagpapari? kasi nga sa tuwing may binyag binabanggit ng pari ang pangalan n’ung sanggol o bata at magiging katoliko na daw.

Hmmmp. sabi ko dati, hindi ko pinangarap maging pari, pero nagsinungaling ako nung sinabi ko yun. Sa totoo lang noong nasa elementarya ako, batang simbahan ako, kabilang pa nga ako sa mga grupo ng  bata sa children’s mass. Minsan nagbabasa din ako ng salmong tugunan at nagawa ko na ring mangolekta ng mga donasyon. Kaya ‘yun, pumasok na rin sa isip ko na maging pari balang araw tutal sinabi ko rin dati na hindi ako mag-aasawa. Siguro naging saksi lang ako ng kahirapan ng pamilya namin noon. At bilang nakadarama ng gutom, parang ayokong danasin yun ng mga magiging anak ko.

Kaso hindi mo talaga madidiktahan ang panahon at kapalaran. Ito ako ngayon, hindi na nagsisimba ng maraming taon, siguro nakakapasok lang sa simbahan sa tuwing may kasal at binyag ang mga kaibigan at kaanak ko.

Siguro sa pagdaan lang talaga ng panahon nagbabago ang mga pananaw natin sa mga bagay at buhay, nalilito tayo sa daming mga relihiyon na nagsusulputan at nagsasabing sila daw ang tunay na daan. Ayun, nauuwi ang mga tao sa kalituhan kasama ako, kaya siguro hindi ko na nagagawang magsimba.

Sabi ko nga, hindi man ako nagsisimba nagagawa ko namang tumuwag sa kanya (Kidlat) lols. at naniniwala pa rin ako sa kanya kahit hindi ako malakas sa kanya.

Hindi man natuloy ang pagpaparing pinangarap ko at patuloy sa pagtanggi dito na hindi ko pinangarap yun! marapat pa ring magpasalamat dahil pinamukha at pinamulat n’ya sakin ang ganda at sakit na nararanasan ko ngayon.

Salamat Bro.!

4 thoughts on “USAPANG PAGPAPARI”

  1. Laking simbahan din ako. Nanay ko ang may gusto na ako ay magpari. Pero bata pa ako ay alam kong hindi ako magpapari. Madalang din akong magsimba ngayon pero tingin ko naman ay mas malalim ngayon ang pang unawa ko sa mga bagay-spiritual.

    Best wishes to you and your family this new year!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s