TALK TO MAMA


(Edited)

Sa tuwing uuwi ako sa bahay lagi kong naabutang tulog si Mama, sa paggising ko naman sa umaga (tanghali pala) maliligo at kakain lang ako sabay larga na.

Minsan lang kami mag-usap ni Mama sa totoo lang. Yung mga araw na sabado at linggo na pipirmi ko sana sa bahay nilalayasan ko pa. kaya hindi talaga kami makakapagusap sa mga bagay-bagay.

Noong linggo tinamad akong gumala dahil sa uhuging sipon ko at pagtitipid na rin siguro, kaya nag stay na lang ako sa bahay.

Nakakatamad talaga, kay bumaba ako at naghanap ng makakain. Tiyempo namang nandun si Mama malapit sa mesa habang nananahi (side line n’ya).

Biglang naalala ko yung mga brief kong unti-unting naglalaho.

Ma, nakita nyo ba yung mga brief ko?”

“Malay ko hindi ko naman yun sinusuot”

sabi ko sa isip “wateber”

aba maya maya nag concert na ang lola n’yo.

“Baka kung kaninong bahay mo lang naiwan, kung saan-saan ka kasi nagpupunta” naalala ko bigla yung isang gabi nang madaling araw na ako umuwi. yun siguro yung pinuputok ng butchi n’ya.

“Ma! alamang umuwi ako ng walang brief dito!?”

“Aba malay ko sa’yo”

Unti-unti ng nagiinit tenga ko.

Hindi pa ko tapos kumain ng change topic agad si Mama

“Gastusero ka kasi, kung saan saan ka nagpupunta”

… blah… blah..

pasok sa tenga labas sa kabilang tenga.

“hindi ka man lang nagbibigay ng panggastos mo,… yung paglalaba… ako pa bumibili ng sabon mo.”

… blah blah..

“Yung relo na binigay mo sakin, sana pinera mo na lang.. madami tayo gastusin ngayon.. kailangan ko magbayad ng aturney para malipat na yung tituto ng lupa sa pangalan ko..” etc.

sabi ko “Oo nga sana binigyan na lang kita ng isang libo para hindi na kayo nag-aamok”

aba humirit.. “Anong isang libo? 300 lang yun.. sel”

“Ma, kahit sale yun, wala kang makikitang 300 na relo sa Uni Silver”

Waaaaaaa. nag-iinit talaga tenga ko.

maya maya.

“Noong nakaraang taon, selver regalo mo sakin, ngayon selver na naman.. mukha na ba akong selver?”

Natatawa na lang ako, sa isip isip ko sana di na’ko nagregalo.

hanggang umakyat na lang ako.. kumuha ng tuwalya at naligo.. nagbihis saka umalis.

PAG-UWI SA BAHAY

“saan ka na naman galing?.. madaling araw na!”

Sus! grabe talaga.. naririndi na ko.😦 Puwede bang mangarap ng pag-uusap na matiwasay?

30 thoughts on “TALK TO MAMA”

  1. Maiintindihan mo rin Mama mo kapag nagkapamilya ka na rin.

    Basta kung gusto mong humaba ang buhay mo e sundin mo na lang siya.

    Eph 6:1-3 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka’t ito’y matuwid. Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

    Ang pangako ng Dios, obey & have a long life.😛

    1. wow talaga? napapabilid mo na ko. oo nga. tama ka. maraming maraming salamats po.

      pero paano kung di ako magkapamilya. ayoko ng responsibilidad.. jokeness.

  2. natawa ako sa post na ‘to. masyado kang matapang pre. tsk. minamahal ang mama. oha.
    maiba tayo. may kilala talaga akong tao na nakakalimutang isuot uli ang briefs pagkatapos ng tumblingan. hindi ka naman ganun, diba? haha.
    napadpad lang dito.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s