GAYA NG DATI


Madalas, sobrang napapaisip pa rin ako. Siguro sobrang saya mo na. Siguro bumalik ka na sa normal tulad ko, may mga problema, pero hindi na yung problemang hatid noong huli tayong nagtagpo.

Ilang buwan na ba? tatlto.. apat? lima? hindi pala ganun kadali yun. lalo na kung ayaw mo pa kumawala. Mahirap palang kalimutan yung mga bagay na pilit mong iniwawaksi.

Dati habang iniisip ko yung mga panahong kasama ka lagi akong umiiyak.

Ngayon wala na, natutuhan kong mas masayang alalahanin yung mga bagay na masasaya na hindi ka nalulungkot.

Ito pa, dati kapag naiisip ko yung mga bagay na iniyakan ko, nahihiya ako sa sarili ko ngayon, tinatawanan ko na lang. Tulad noong naupo ako sa hagdang bato habang kausap s’ya sa phone, hindi pala dapat kinakahiya yun bagkus naging patunay na minsan ay naranasan mong magmahal.

Dati iwas na iwas akong kumain sa mga fastfood.. Mcdo., Jollibee, KFC ect. lalong lalo na yung sa Chowking kung saan doon tayo unang kumain at Halo-halo pa nga yung inorder natin. Nagkataba-taba nga ako nun, kasi halos… walang pagkikita na hindi tayo kumakain.

Saka malilimot ko ba yung mcdonalds kung saan doon din natin tinapos?

Kakatawa talaga.

Ngayon, pagkumakain ako mag isa.. nangingiti ako at inaalala ko noong kasama pa kita.

Dati ni-ayaw ko na ring tumikim ng ice cream ikaw kasi naalala ko, iwas na iwas talaga akong makaalala ng mga bagay ng nakadikit sayo.

Ngayon, pagnakakakita ako ng ice cream parang gusto kong lantakan ang lahat kasi naalala ko yung mga oras na nilibre mo pa ako ng drumstick.

Dati sabi ko hindi na ako manonood ng sine, syempre dahil maalala na naman kita.

Ngayon kayang kaya ko na.. iniisip ko na lang na kahawak kamay na naman kita. Kakatawa pero ayos lang wala namang nakakakita.. saking nakangiti mag-isa.

Dati, tinatago ko na lahat ng mga bigay mo sakin. Galit na galit akong nakikita yun, lalo na noong sinabi mong napilitan kalang gawin yun dahil nahihiya ka sa mga binigay ko.

Ngayon, katabi ko pa sila matulog at idini-display pa sa taas ng telebisyon habang inaalala yung mga panahong inaabot mo sakin yun.

May naalala pa nga ako. Pinagtawanan pa ako sa isang event na pinuntahan ko, kasi nakakita daw sila ng manika sa bag ko. Asa naman sila! hindi Manika yun! Aso. nayahahhahaha😀

Marami pang iba.

Napatunayan ko na kaysa isumpa ang mga araw na yun, alalahanin na lang yung mga panahong masasaya.. mas madali kang makakamove on at mawawala pa yung “sama ng loob” na tinatawag.

Mas masaya ngayon kaysa dati🙂

Kaso parang may kapalit din pala ang pagiging masaya… ewan ko ba!.

Noong mga nakaraang linggo sunod-sunod ang mag nagtetext sakin, nakakapagtaka lang dahil kapag tinatanong ko sila, sabi pinasa lang daw sa kanila.

“OK” na lang sagot ko.

Minsan nakipag kita ako dahil wala namang magawa.

Dati pag nakakakita ako ng may hitsura sobrang kinikilig na agad ako.. bakit ngayon wala?

Ewan na naman ang sagot.

Kanina nakita ko yung karas ko sa baba ng building namin, yung dating pag nakita mo s’ya pakiramdam mo buo na agad ang araw mo kahit nag-uumpisa pa lang…

Ngayon wala na yung kilig na nararamdaman mo.

Ito na ba yung kabayaran sa pagiging masaya ko? Nagiging kontento ako sa lahat ng bagay. At tila wala ng hinihintay… wala ding inaabangan.

Kung meron mas siguro yung tulad n’ya rin. (choosy? lols)

May magpapaliwag kaya sa nararamdam ko ngayon.?

Sa Huli…. Masaya ako. yun lang.🙂

55 thoughts on “GAYA NG DATI”

  1. Ang tawag dyan ay acceptance. Tanggap mo na na wala na siya.. Tapos na ang denial kaya malapit ka na makarecover..

    Ang kulang nalang ay panakip butas hahaha!
    Sana maayos ang maging simula ng 2010 sayo.. January pa lang naman pwede pa!

    Sana pag pabalik na kami at mapadaan ulit dito ‘e hindi ka lang masaya kundi masaya at may kaholdinghans pa!

    1. Wahahaha denial pala tawag dun?

      hohonga tuloy tuloy na’to masaya na nga e.

      minsan naisip ko na yung panakip bukas kaso yun nga e kahit kilig wala akong maramdaman. so hindi ko masabing panakip butas.

  2. ano ba to walang closure? or matigas lang ulo mo? sabagay normal lang naman namnamin ang mga bagay-bagay minsan. just don’t dwell on them longer than you should. andaming activities to do.

  3. hayyy otep, sana nga maka-move on ka na. masyado nang lumalake ulo nun kung cno man sya hehe.. hope that what you feel is genuine happiness, un galing sa puso at di dikta ng isip dahil un ang dpat. sorry kung panira ako ng moment, pero iba dating saken ng mga post mo. pinipilit mo maging masaya, tama yan, pero wag mong gawing manhid ang sarili mo. acceptance ang first step to move on.

  4. “Kanina nakita ko yung karas ko sa baba ng building namin, yung dating pag nakita mo s’ya pakiramdam mo buo na agad ang araw mo kahit nag-uumpisa pa lang…

    Ngayon wala na yung kilig na nararamdaman mo.”

    Ibig lang sabihin niyan eh tumatanda ka na o sige nagma-mature lang.

    Yung mga kilig kilig kasi eh nung binatilyo ko pa yan naramdaman.

    May ganyan din ako dati. Isip ko sayang siya. Inayawan niya ang pinaka da best na Daddy ng magiging mga anak niya.

    O di ba ang taas ng selling price ko? Kaya ba niyang abutin yan? 😆

    1. Wahaahahha oo nga no. malas lang nila pag di nila ako natikman, lolness. Nyahahahah😛

      ibig sabihin hindi na ako binata? naku 22 palang ako. hehehe

  5. acceptance lng tlg ang solution..and moving on..

    at pagtingin-tingin sa sidebar mo.
    expired na ung mga kapangarap mo..
    try mo silang iupdate.

    mukha ko naman!! ay wla pla akong mukha..😆

  6. pareng otep, siguro kailangan mong tanggapin ang mga bagay-bagay na ayaw mong tanggapin. balikan mo ang nakaraan at hanapin ang mga bagay na tinakasan o ikinahon mo. palayain mo ito at makakalaya ka. ‘napa-emo ako’. hehe

    1. di ka nagmumura? ako na lang magmumura para sa’yo..

      hunwari #$%^*() sabi ni etchosera!
      ^(*))(_)(+_ Sabi ko naman.

      mga lusir! kayo.. lusir! Nyahahhah😛

    2. tama yan bb. etchosera, wag mo gayahin si otep na pagkatagal tagal bago magising. ewan ko nga kung gising na talaga e o naalimpungatan lang.

  7. kung minsan, ang alin mang bagay na sinasaktan tayo ay ang siyang magpapasaya sa atin. We’ll get used to it. To the pain it once caused us.

    Masaya ako na natuto kang makamove on sa mga bagay na dating iniiwasan mo at natututo ka nang mabuhay ng normal. Siguro ay masaya na rin siya na nagagawa mo na ang mga bagay na normal, tulad ng dati noong hindi pa siya pumapasok sa buhay mo.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s