GUSTO KONG MAGSULAT?


Pinangako ko sa sarili ko na bago matapos ang taon, makakabuo rin ako ng sarili kong libro,  na may limang daang pahina na may 10points ang bawat letra. ambisyoso no?

Kagabi (sabado) inisip ko nang magsimula habang nagsusunog na oras. Hala! hindi ko na alam kung paano sisimulan. Ni-hindi ko nga alam kung sa anong letra magsisimula ang unang salita na isusulat ko.

Nakadapa, Kagat-kagat ang ballpen habang magkasalubong ang kilay at bahangyang tumitingin sa bubungan namin. Walang gustong pumasok sa utak ko!

Ambisyo lang talga ako, kung ang mga batikan at sikat na awtor nga ng Pinas kahit na yung mga porenger ay inaabot ng madaming buwan katumbas ng taon at higit pa. Ako itong si adik ay gusto na agad na makatapos ng kuwento.

Akala ko tulad din ng pagsusulat ng libro ang pagsusulat sa blog, na sa bawat pagtipa ng isang pangungusap susundan na ito ng madaming talata dahil gustong-gusto kumawala ng mga naiisip mo agad-agad. Ganoon din naman sa pagbuo ng kuwento sa pamamagitan ng literal na pagsusulat. Pero bakit tila naiistrok ang mga daliri ko para hindi maglapat ang ballpen sa isang buong yellow pad na binili ko.

Hmm.. kung iniisip n’yo na bakit hindi ko na lang itype sa computer tulad ng pagbablog ang isusulat kong nobela ang gawin ko, para tuloy-tuloy din ang daloy ng isip ko…. -hindi ko din alam. Siguro takot lang akong mawala ang pinagpaguran ko sa isang saglit lang tulad ng mga karanasan ng mga paborito kong awtor.

Ang pagiisip ng walang maisip ay mas nakakapagod no! kaya tinabi ko na lang yung yellow pad na gamit ko at naisip na iblog nalang na hindi ako makapag-isip.

Habang ibinablog ko ito ngayon.. nakita ko yung mga luma kong blog posts na nasa borador ko. Hala! ang dami at panay emo posts.. mga sakit na naranasan ko at mga kalungkutang hindi ko kayang ilahad sa inyo.

At ngayong masaya na ako…. parang “Malungkot lang pala ako, kaya gusto kong gumawa ng Libro”. Paano ‘yan masaya ako? baka hindi na matupad ang pangarap kong libro.

Ayoko namang maging malungkot muli para makapagsulat.

Tinamad lang siguro.

 

45 thoughts on “GUSTO KONG MAGSULAT?”

  1. uy otep you’re back!!! (o ako ang matagal na wala?) Hindi naman ako nagko-comment dati pero nagbabasa ako ng blogs mo.

    Nakarelate ako dito. Sabi ng kaibigan ko, magsulat daw ako ng libro. Baka sakaling yun ang magpayaman daw sa akin. Sabi ko pwede naman. Kaso pag malungkot ako, doon lang walang humpay ang pagsirit ng ideya mula sa utak ko. Ngayon kasi, wala akong masyadong iniisip at pinagkakaabalahan bukod sa trabaho at sa pangarap kong yumaman at magtravel.

    Bakit nga kaya ganun no? Iba ang nagaagwa ng kalungkutan.

    1. matagal na akong nagbalik hehheehe..

      hindi lang talaga ako masyadong nagpaparamdam…

      btw, akala ko ako lang nagkakaganun.. ikaw din pala…

      siguro nga.. ang mahalaga masaya na tayo🙂

  2. kapag malungkot tayo, an daming tumatakbo sa isip naten. dami tayo narereliaze. sa kalungkutan, natututo tayong makinig sa katahimikan, dun naten nakikita sarili naten, walang ibang naririnig kundi pintig ng puso, mas naiintindihan naten ang sarili naten, mas nailalabas naten ang nasasaloob.

    1. ahhh oo tama ganun nga siguro..

      ikaw naisip mo na bang sumulat din ng libro?

      kung oo anong klaseng kuwento ang magiging daloy nito? hehehe Q&A toinks.

  3. kalungkutan!

    hayzzzzz!!!!!!

    pagmalungkot ako hawak agad ako ng ballpen at papel ayun at dun ko sinusulat yung mga dinadala ko pagnakapuno na ako sa isang buong papel,gagaan na yung pakiramdam ko. parang nakipagusapa lang ako sa isang matalik na kaibigan

    yun ang drama ko pag nalulungkot ako….

    hehehehehe

    gudluck pala sa kampanya mo

    1. tama yan. nakakabawas kasi yun ng nararamdaman natin. di man natin masabi sa kapwa natin, at least naishare mo sa papel.

      wag ka na malungkot🙂

  4. Magandang past time ang pagsusulat kasi magandang nag-iisip ka pa rin ng magaganda kahit wala ka halos ginagawa…

    Ako rin, matagal ko nang gustong gumawa ng libro.. Hehe🙂 Sana this 2010 matuloy na iyon🙂

  5. hindi ko pa nasubukan iyon pero yong mga narinig ko kahit daw di mo pa naisusulat sa papel ang kuwento mo para gawing libro, puwede mo sila buuhin muna sa iyong isipan. at kung nakakaluwag ka na saka mo ibuhos sila sa papel.

  6. Tungkol saan ba ang gusto mo’ng isulat, otep? Otep daw oh. Feeling close. :))

    Naiintriga ako sa OTEP. Pangalan mo talaga yun? Pasensya na, medyo stupid yung tanong ko.

  7. aus yan..maraming bagay din naman ang tinuturo ng mga ex’s natin.lalo taung tumatalino,minsan lalo tayong tumatapang…masaya yan at least bumalik ka na sa pagsusulat aus yan aus yan…

    dumalaw lng…dalaw ka din.apir.

  8. Cool post!.. Newbie here at word press.. and naastigan ako sa post mo!…🙂 haha! you are a great author in the making!… I claim mo yan bro..🙂 jan ka makikilala..🙂

  9. cheers ganun sana! ako man hindi ko ipagappalit ang kasiyahan sa kahit ano mang bagay! pero eto ha, pwede ka parin namang sumulat ng libro kahit masaya ka! mas maganda yun! just be happy otep, hindi ka ambisyoso.. isang pangarap yan na dapat tuparin, dahil sa huli isang napakalaking kasiyahan nyan sa buhay mo!

    goodluck. write from the heart!

    1. wow napadaan ka muli🙂 ako kasi di na ganung naggagala gaano.

      sige kailangan maging balance ang sinusulat ko sa masaya sa malungkot, hehehe

      pero ambisyoso talaga ako. hehe

  10. Magandang adhikain!… Naway makasulat ka na nga ng libro ngayung taon na toh! hehe.. post kita sa blogroll ko ah?.. tapos daan ka din pag may oras ka anh!

  11. “Nakadapa, Kagat-kagat ang ballpen habang magkasalubong ang kilay at bahangyang tumitingin sa bubungan namin”

    Tanong: Paano tumitingin sa bubungan habang nakadapa?
    Medyo mahirap yata ‘yun!

    “Hala! ang dami at panay emo posts.. mga sakit na naranasan ko at mga kalungkutang hindi ko kayang ilahad sa inyo”

    Tanong: Bakit hindi kayang ilahad gayong nailahad na nga sa pamamagitan ng blog?

  12. naka relate ako………..

    siguro nga malungkot lang ako kaya gusto ko gumawa ng kwento…… kasi pag masaya ako tinatamad na ako gumawa……. but u know what believe it or not nakatapus na ako ng kwento 1 week lang… 56 pages….. nga lang… pero achievement din yun para sa ambisyosang kagaya ko……

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s