KUNG AKO LANG SANA SI ASTROBOY!


Ibinalik muli ng SM Manila yung promo nilang sine na P10 peros lang. Kailangan mo lang mag add ng 5 pesos para dun sa amusement tax na tinatawag nila kaya 15 pesos na. Kaso pinapalabas doon yung mga movie na napalabas na. Pero okay pa rin naman kasi karamahin sa mga pinapalabas ay hindi ko pa napapanood.

Syempre weekend na naman! at sobra akong nabuburo sa bahay kaya lumabas ako at pumunta sa SM para magpalamig. Nakakapagod maglakad kaya naisipan ko nalang maupo at manood sa sinehan sa halagang 15 pesos. At tiyempo uli na ASTROBOY yung palabas (hindi ko pa napapanood).

Noon ko lang nalaman na ganun pala ang istorya ni Astroboy, na mula sa isang normal na bata, at dahil sa isang aksidente ay naglaho s’ya. Sa pamamagitan ng DNA gumawa ng robot ang kanyang ama na kawangis ng kanyang anak, na parehong-pareho  talaga. Gumana ito at nabuhay sa kagustuhan ng ama. Kaso dahil robot nga si Astroboy at sa pamamagitan ng Blue Core Ball (positive) na inilagay dito, naging malakas si Astroboy at nagkaroon ng katangian na wala sa normal na bata bukod sa talinong taglay na ni (kobe*) noon.

Kaso sa isang kuwento hindi puwedeng di mawalan ng kontra bida. Nais itong buwagin ng isang opisyal kaya hindi sila tumigil para sirain si Astroboy hanggang sa napadpad ito sa tambakan ng mga luma at mga sirang robot.

Doon nya nakilala yung mga kaibigan n’ya. Matagal bago nila natuklasan na robot pala si Astroboy. Noong una hindi nila matanggap na robot pala si Astroboy pero kalaunan natanggap na nila ito dahil wala namang masamang nagawa si Astroboy sa kanila bagkus naging mabait pa nga ito sa kanila.

Hanggang dumating na nga sa lupa yung kalaban ni Astroboy para kuhain yung blue core na nasa katawan n’ya. Ganda ng labanan! tuwang-tuwa ako sa mala rocket na paa nya. pati puwet n’ya nagkakaroon ng machine gun. At habang pinapanood ko yun para akong bumalik sa pagkabata.

Noon ko lang nalaman na ang swerte pala ni ASTROBOY na sa kabila ng katayuan n’ya maraming nagkakagusto sa kanya. Marami s’yang natulungan. At kaya n’yang ialay yung pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya.

Sana naging ASTROBOY na rin ako!, siguro gugustuhin din nila akong maging kaibigan. Alam kong meron ding kaaway na maglalayo sa’kin sa mga kaibigan ko. Pero sisiguraduhin kong kahit may kontrabidang maglalayo sakin sa kaibigan ko, mananatili pa ring kaibigan yun para sakin. Kahit siya o sila pa ang umayaw sakin.

At para sa kontrabidang iyon, may karma ka din! Sasabog din ang Red Core Ball (negative) mo!

18 thoughts on “KUNG AKO LANG SANA SI ASTROBOY!”

  1. madami ka nman kaibigan, ung iba nagkataon lang na busy sa trabaho ngayon o sa kanilang mga pamilya. Wag mong iconsider na bad ung mga ginagawa nila sau sa halip convert mo ito as a blessing kasi dahil sa mga ginagawa nila mas nagiging matibay ka. Mas magiging matatag ka sa buhay. Ang trials ay isa ring blessings….😛😛

    1. PD may nang-aaway sakin ito lang masasabi ko hindi nya deserves emoness ko.

      panoorin mo one time para iba naman, puro barbie lang yata pinapanood mo e hehehehe

  2. mamaya pag-uwi papanoorin ko itong astroboy, hihiram ako sa kapitbahay. di mo na kailangan maging astroboy pa otep, marami kang kaibigan na nagmamahal sa iyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s