BERDE ANG TUNAY NA KULAY NG PAGBABAGO


Hindi naman ako mahilig magsulat ng blog post ukol sa pulitika, bukod sa lalangawin lang ang blog ko, iisipin ko pang parang wala din akong pinagkaiba sa mga pulitiko na walang ibang ginawa kundi magbatuhan ng putik. Mabuti pa kung magsulat na lang ako tungkol sa mga kabiguan ko sa pag-ibig marami pang magbabasa para maki-update at bukod doon marami pang makakarelate. Lols.😀

Ewan ko ba pero isang araw nagising na lang ako na parang may mali sa desisyon ko at pilit na naghahanap ng bago at pagbabago.

Sa bagay sadyang matatalino tayong mga Pilipino, kung saan sa tingin nati’y makakabuti tayo -doon tayo. Kung si Boy Abunda nga dati nakikita ko s’ya infomercial ni Villar habang iniinview nito kuno, ngayon nasa puder na ni Aquino. At kung si Loren naman na kilala sa pagiging balimbing nito na dati ding bumabatikos kay Villar ngayon katropa pa nito. O diba? Marami pang inaabangang pagbabago.

Pero wala na yatang ibang pinapangarap ang bawat pilipino sa mga panahong ito kundi ang makapagluklok ng bagong pinuno sa puwesto para sa pagbabago.

Sa totoo lang maka-Noynoy talaga ako. Dala-dala kasi nga ang pangalan ng kanyang mga magulang at kung iisipin mo, oo nga naman posibleng hindi s’ya magnakaw dahil kung ako din ang anak ng mga ito, hindi ko hahayaang madungisan ang dangal na iniwan nito.

Alam na natin na naging kongresista’t senador si Noynoy pero ang record n’ya? Wala na sa’kin ‘yun kung meron o wala s’yang naipasang batas ang mahalaga hindi n’ya nagagawang manira.

Kaso sa papalapit na eleksyon, sa bawat araw na natatapos… sobrang naninibago na ako kay Noynoy, parang lumalabas na ang tunay na kulay nito. Ang anak ng bayani at dating presidente nagagawa na ring mamulitika at magbitiw ng hindi maganda sa kalaban n’ya.

Kung natatakot na s’ya sa di umano’y dumidikit na survey, kailangan pa ba n’yang gawin iyon?

Bago pa ako naging Maka-Noynoy naging katropa na rin ako ni Villar nasa sekondarya palang ako naririnig ko na s’ya at mapalad na makamayan noong may event kaming pinuntahan ukol sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

Bilid ako kay Villar kung tutuusin. Naging House Speaker s’ya ng mababang kapulungan at naging senate president pa. Sabi ko kapag nagkaroon na ako ng pagkakataong bumoto talaga namang s’ya ang pipiliin ko.

Lahat naman tayo ay nangarap na umasenso, hindi man maging kasing rangya ni Villar makakain lang ng sapat, tatlong beses isang araw. -Huwaran ika nga! Isang mahirap na dahil sa sipag at tiya naging bilyonardyo na ngayon.

Kung iisipin natin napakarami n’ya ng pera para magnakaw pa. Pero kung iisipin din natin, hindi na gawain ng isang normal na tao ang gumastos ng milyon-milyon para sa walang kakuwenta-kuwentong anunsyo. Ilang classroom na kaya ang puwedeng ipatayo nun? Ilang bahay na rin kaya ang naipatayo n’on na pwedeng ipamahagi sa mga walang tahanan lalo na ngayong talamak ang mga sunog.

Maraming paraan para makatulong kung gugustuhin mo. “kakayahan na gumawa ng sariling pangalan?” your face!

May pangalan ka naman ha, hindi nga lang kagandahan.

Dilaw laban sa kulay kahel? Bakit hindi.
Hindi magnanakaw sa hindi na kailangang magnakaw? Bakit hindi din.
At bakit hindi din natin bigyan ng pansin ang ibang kulay?

Sabihin na natin na malakas talagang makaimpluwensya ang Midya at kitang-kita naman natin ang resulta, lalo na kapag ang isang istasyon ay may inaalagaang manok sa pagkapangulo.

Aminin na natin na sa pamamagitan ng telebisyon nakakabuo tayo ng panabong. At kung hahalungkatin pa natin ang loob nito doon mo pa makikita ang namumukod tanging kulay.

At sa lahat na yata ng mga forums, debate at mga simpleng pagbisita ng isang pulitiko sa isang programa si Gibo na lang ata ang natatanging kandidato na may sapat na kakayahan na sagutin ang lahat ngmga  tanong na may sapat at malinaw ng kasagutan, propaganda para sa bansa at adbokasiya para sa bayan na higit dapat na pinaguusapan sa kung ano pa man.

Ang kanyang karanasan sa gobyerno ang tunay na nananaig sa kanya laban sa halos lahat ng mga senador na kapwa tumatakbo sa iisang puwesto na walang ibang ginawa kundi magbangayan. Na kung tutuusin kung may nagawa ngang batas ay palpak naman at ang mas malala maisakatuparan man wala namang ngipin para ipatupad.

Para sa’kin sa lahat ng mga TV informercial Kay Gibo lang ang tanging nagbibigay sakin ng malawak na pahiwatig at nilalaman. Na bilang Pilipino na may sapat na isip na binigay ng may kapal sa higit sa ano pang nilalang, ang manalig sa pangarap na lahat tayo ay may matatayog na mararating na pagbabago kung maniniwala at mangangarap lang. Higit pa sa di umano’y makakaahon daw sa hirap at titigil sa paulit-ulit na korapsyon sa bayan.

Nakakabingi na ang panay pangako, kung sana’y ganun lang. Pero mas nakakabingi ‘ata ang makarinig ka ng paninira at batikos sa bawat isa.

Kaya naman si Gibo na lang ang natatangng kandidato na may kakayahang manumo na hindi mo karirigdan bumatikos ng mabigat sa kalaban. Kahit pa lagi na lang ibinubunto’t sa kanya ang imahe ng pangulong mapapalitan. Ganoon pa man nawa’y sa kabila nito bago tayo manghusga alamin muna sana natin ang kanyang kakahayahan at plataporma.

Hindi naman ako perpektong botante, pero tulad mo Pilipino din ako na may pangarap para sa bayan. May isip din para mag-analisa ng mga bagay-bagay at tulad mo din may pakiramdaman na kapag nakaramdam ng maganda at hindi magansa nagkakaroon ng reaksyon.

Ito ang reaksyon ko, bunga ng pagpili ng sa tingin kong natatanging kandidato.

At kung may paki-alam ka para sa pagbabago gagawa ka ng paraan para magkakontribusyon dito.

Alam ko lahat tayo ay may manok na gustong iluklok sa puwesto kaya nais kong magiwan ng isang tanong sa inyo.

Ikaw ba, naisip mo na ba kung paano ka makakatulong sa kulay na iniindorso mo?

Ito ang kontribusyon ko para kay Gibo Teodoro, sa simpleng paraan katulong ang blog ko ay nais mag-iwan ng informasyon ukol dito.

hindi po kulay kahel, hindi din kulay dilaw at kung ano pa man. Berde po! Berde ang tunay na kulay ng pagbabago!

31 thoughts on “BERDE ANG TUNAY NA KULAY NG PAGBABAGO”

  1. nakakatuwa naman. mas kampante ako pag si gibo ang pangulo. hindi kasi ako sigurado sa negosyante at sa baguhan. nakakatakot kasi pag mag eexperiment na naman tayo lalo na at huling huli na tayo sa asya.

  2. ang negosyante ba’y hindi nagpapatubo ng kanyang kapital?

    ipagkakatiwala mo ba ang bayan sa isang taong pati sa kanyang pananamit ay kapatid pa ang magde-desisyon?

    anong mapala mo sa isang mabisyo at convicted criminal na nakakalabas lamang dahil sa presidential pardon?

    sa lahat ng presidentiables, si Gibo lang ang hindi plastik. nakita mo na ba siyang na nag-ra-rap? na umaawit sa harap ng publiko? siya lang ang totoong tao, down-to-earth, ika nga…

  3. Nakakalito ang eleksyon ngaun. Madami ang nalilito pa hindi gaya dati ng sa ganitong panahon, medyo alam na more or less ng karamihan ang kanilang iboboto.

    Gibo – matalino si Gibo. bar topnocher ata yan. Kung sa galing at talino nga, malamang xa ang nangingibabaw. The only thing not going for him this election is that he is the administration candidate. and its not a secret how most people hated this administration. and oh, there is another thing, si Edu Manzano ang VP nya.

    Noynoy – ang kanyang alas ay ang pagiging anak ng isang tinuturing na bayani, si Ninoy, at ang kanyang ina na tinagurian din nating ina ng ating demokrasya. pero ang kanyang alas ngaun din ang nagiging paraan para tirahin xa ng kanyang mga kalaban. marami na ako nabasa na kolum sa dyaryo na nagsasabi, “ok, we know who your father and mother were. Now, what can you do?”. Sa tingin ko, alam na ng lahat tungkol sa kanyang pinanggalingang pamilya at at legacy na naiwan ng mga ito. If magawa nya makawala sa anino ng kanyang mga magulang at gumagawa ng paraan para iparating sa bayan ang kanyang kayang gawin, malamang xa na ang manalo.

    Villar – oo alam naming mahirap xa. DATI. ilang eleksyon na rin nya ginamit ang kanyang pagkamahirap. DATI. kung ganun, pwede din sabihin ni Erap, naiintindihan nya ang mga bata. dahil bata xa dati. or si noynoy na naiintindihan nya ang mga me buhok. Madaming pera si villar. madami na rin xa experience sa politika. Yun ang gamitin dapat nya. hindi ung lagi mahihirap. tignan ko lang kung kaya pa nya maligo sa dagat ng basura ngaun.

    Erap – cute xa. nakakatawa xa. talagang halatang artista dati. pwede xa actually stand up comedian.

    Dick Gordon – isa xa sa mga hinangaan ko sa isang debate na napanood ko. ung debate sa marian college. magaling xa actually sumagot. i am actually leaning towards him now compared to the other presidentiables. matalino sumagot and me conviction. but we will see. i have to know more about his policy. i think his slogan should be, “DICK: i will stand up for you.”

    Jamby – Ja- ja- ja- jamby. wla ako masabi sa kanya. un lang.

    ung iba mag research pa ako.hehehe

  4. para sa akin, wala yan sa kung ano ang kulay na gusto mo o sinusuportahan mo, ang mahalaga ay ang TAONG nais mong humalili sa kasalukuyang nakaupo sa pinag-aagawang pwesto.
    nakasalalay sa TAONG ito ang matagal ng sagot sa kahayukan ni Juan dela Cruz sa isang TUNAY na pinuno.
    nasa sa kanya na lang kung paano nya gagamitin ang kapangyarihang maisasalin sa kanya…..
    tanging panalangin ko lang ay sana gamitin nya sa TAMA AT TAPAT at hindi sa KORAPSYON………

  5. NICE MOVE OTEP!!!!! GO GIBO!!!!! GO!!!! Yan ang iboboto
    galing at talino talga sya kse napanood ko sya sa sonshine t.v 39 kay pastor quiboloy grabeh ang galing talga nya….!!!! GO GIBO!!!!

  6. tama ba? ano ba talaga tagalog ng color orange? kahel di ba? kala ko kulay dalandan
    ————
    nasagot na ba tong tanong na to? pareho silang tama. parang orange, it’s a fruit and a color at the same time. ang dalandan at kahel ay parehong prutas at kulay. hope it helps.🙂

  7. nakadecide na talaga ako… GIBO na talaga ako eh!
    kitang-kita ko ang potensyal sa kanya. realistic naman ang kanyang plano sa bansa…

    sa kahel: Libreng pagkain sa mahihirap

    kay berde: mababang presyo ng pagkain

    anubeh? sa panahon ngayon wala ng libre!

    kaya kay GIBO na talagaa ko! at oo nakikita ko na ang tunay na ugali ni noynoy! at sa totoo lang ayaw ko naman talaga sa kanya eh!

  8. only in pinas….may kulay pa ang mga political parties. ano ba talaga ang kinalalaman nito sa future ng pinas? forget the credentilas at platforms….basta bongga ka day ay siguradong iboboto ka! haha…seryoso yata ang dating ko. anyways, ang kulay ko ay “flesh”

  9. dahil green siya gusto ko siya… wahaha…

    nwei, isa lang naman ang naghihinder sa akin na iboto c gibo, un eh ang pagiging kasapi niya sa administrasyon.

    bukod sa matalino at gwapo, aba’y ilocano kaya yan… hehe😉

  10. Maniwala ka o hindi, kapag nag-search ka ng salitang Gibo sa Wikipedia, ang unang nasa listahan nito ay ang Gibo: Stepmother’s Sin. Isang adult game/hentai game na pinagbibidahan ng collge student (si Gibo) na nakitang nakikipagsex ang kanyang nanay sa ibang lalake. Link

    Green nga.

  11. salamat sa mga info.mo sa tatakbong pangGULO este pangulo pala hehehe
    unang boto ko ito…,uhmmmm anu kayang kulay???

    nga pala otep tampururut ako sau
    di ka na dumadaan sa bahay ko

  12. hmp! filing q pre-preho lng clang lht e, hnd nla mgwang mbgo ang pinas.. or maybe tlgang mhirap ng baguhin hehheh..
    sna lng kung cnu man ang bagong uupo e,, tumayo p minsan minsan pra my mkitang pagbbgo!🙂

  13. Go Gibo din ako.

    Isa lang sa maraming dahilan ay dahil lahat ng kandidato, KUMANTA sa mga campaign rally nila.

    si Gibo. kahit pinipilit. Hindi. siya. kumanta.

    1. Big deal ba talaga na ang isang kandidato ay makitang magaling kumanta o sumayaw sa harap ng mga botante/manonood? Natatawa nga ako sa anak ko kasi sikat na sikat para sa kanya si Villar (my 2 yrs. old son), Madalas niyang itanong sa akin tuwing bago kami matulog, “Daddy tunay bang mahirap si Villar?” and madalas niya awitin at sabayan ang political ad ni Villar sa TV. Kabisadong kabisado na niya ang jingle ng “Naging Mahirap” kahit bulol bulol pa siya. Sa palagay ko nga kung botante na ang anak ko malamang si Villar ang iboto nito. Samantalang ang ibang Political ad ng mga kandidato hindi nya masabayan dahil pagkahaba-haba na may rap pa. Buti pa noon simple lang, JajajaJamby (repeat 10x) paulit ulit lang…
      Kung sa National Politics matindi ang batuhan ng intriga, what more sa Local. Mas madumi pa nga sa kanila eh, halos magpatayan sila. Huwag nating kalimutan ang Maguindanao Masacre. Isang masaklap na pangyayaring iiwan ng mga politikong gahaman sa salapi. Mabuti na lang tahimik sa lugar namin sa Batangas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s