SEE YOU SOONER


Kagabi naging kakaiba na naman ang panaginip ko. Naging madalas ito kaya lagi na lang akong nagingiti sa paggising ko. (hindi ko na lang sasabihin kung ano napapanaginipan ko)

At dahil maganda lagi ang gising ako, hindi na ako naghahabol ng oras sa pagpasok sa opisina. Sa madaling salita hindi na ako nale-late. Tatlong linggo na akong ganito at nakakapanabik na buong buo ang sasahurin ko sa darating na sweldo.

Wala akong inspirasyon mga dude! Hindi na kasi ako marunong mainlove, at mas piniling maging inspirasyon ang mga utang ko. Yup! ang sarap ng feeling pag nakakabayad ka ng bill ng telepono mo. hehehe🙂

***

Minsan pala kailangan muna nating mainis ng sobra sobra sa mga taong nakakasakit sayo kahit sa simpleng paraan lang, para matanggap mo sa sarili mo na hindi mo na magiging kaibigan muli ang taong nananakit sayo. Alam ka n’yang nasasaktan n’ya ko?

Pero dahil doon, natanggap ko na sa sarili ko na iisa lang ang tunay na kahulugan nito -hindi ka na nais maalala nito at kung meron pang iba siguro kinasusuklaman ka na nito. Ganoon ko naiisip ang dahilan kung bakit n’ya ginawa sakin yun.

Hanggang ngayon nakararamdam  ako ng galit pero sino ba naman ako para pigilan ang simpleng kaligayahan n’yang makasakit ng tao.

***

Noong valentine’s day pala nanood ako mag isa ng Dear John sa sinehan. Nakakailang nga lang dahil ako lang ata ang walang kasama manood. Pero ayos lang nakakapagrelax naman ako, isa pa nagrereward ako sa sarili ko sa tuwing hindi ako malelate ng isang buong linggo at iyon nga ang reward ko sa sarili ko.

Ayan tuloy gusto ko tuloy sulatan si Savanna kunwari ako si John. lols.

teka..

Dear Savanna Curtis,

Kamusta ka na? Ako mukhang ayos naman tulad ng nababasa mo sa taas, sadyang namimiss lang kita kaya ko ito naisusulat.

Ilang buwan na ba tayong hindi nag-uusap? Ang tagal na din siguro mga limang buwan na. Isipin mo yun ganoon na kita katagal namimiss Hehehe🙂 . Pero ayos lang dahil hindi tulad noong naunang dalawang buwan na wala yatang gabi at araw na hindi kita naisip at naluha pag naaalala kita. Pero sabi nga nila panahon na rin ang magpapalilom nito.

Naaalala mo pa ba noong una tayong nagkita? Hehehehe hindi ka nga makatingin sakin ng derecho nun. At naalala kong lumabas ka pa ng opisina mo para i meet mo ko. Salamat pala sa ice cream na nilibre mo sakin nun ha. Anong flavor ba yun? Coffee-Caramel ata yun. Feeling ko nga napilitan ka lang ibigay sakin yun. lols.

E yung unang date natin ng dis-oras ng gabi? ang sweet no? kahit tamang lakad lang.

Yung first time na holding hand natin sa Jeep naaalala mo pa din kaya? hahaha akala mo kung ano na no? Nyahahahaha🙂

At kiss sa underpass, nainggit nga si manang nun e?

Pero sa lahat yata ng memorable ay yung sabay nating kinain yung baon mong abodo na niluto ng lola mo na hindi mo kinain sa opisina. Natatandaan mo pa kaya kung saan natin kinain yun? -Sa ilalim ng puno, at habang kinakain natin ang mga natuyong mantika ng adobo mo, may tatlong pusang nakikihalo at nag-aabang sa tira-tira.

Gusto ko palang mag sorry sa lahat, hindi ko talaga sinasadyang manakaw ang oras ng pamilya mo na dapat na binibigay mo sa kanila at hindi sa’kin.

Gustong-gusto ko lang talaga na makasama ka sa mga oras na yun at inaakala ko ding gusto mo. Pinagsisihan ko din ang mga oras na pinagseselosan ko ang mga kaibigan mo.

Naisip ko lang, ganoon pala kita kamahal nun. Ayokong walang araw na palagpasin na hindi kita nakikita, kaya pag imposible na tayong magkita sa gabi ay, todo gising ako ng maaga para makita man lang kita sa araw na yun.

Sobrang natutuwa at kinikilig ako pag nakakatanggap ako ng text sayo sa umaga. Kahit sa gabi pag nakauwi ka na.

Natatandaan mo pa kaya mga pinag-uusapan natin sa phone? Sayang nasira sim card ko, kasama ng pagkawala ng number mo.

Ayokong isipin na naging mali ang pagsasama natin sa sandaling panahon, at mas gustong isipin na sadyang may mali lang talagang sitwasyon at pagkakataon.

Kung alam mo lang sana kung gaano kita minahan. Pagbigyan mo na ako dito sa sulat ako ngayon february naman e.

Alam kong may nakalaan sayo at alam kong hindi ako yun. Pero alam kong may tama rin akong minahal at ikaw yun.

Hindi ko lang alam, ganoong wala na tayo pero may kontrabida pa din. Sarap kutusan pero hindi ko naman alam kung pano gawin. Kung kapit bahay ko nga lang yun baka nakipag sapakan na lang ako.

Sana balang araw mag-kita tayong muli, at alam kong mangyayari naman yun. Sana maging mag kaibigan tayong muli.

Teka dito na boss ko,

Always,

John.

Hahahahaha o walang epling ha. feeling john lang ako. lols.

13 thoughts on “SEE YOU SOONER”

  1. ayos sa letter ah. pinakagusto ko ung kumain ng adobo sa ilalim ng puno, puno ng damdamin. hahaha… pero sa takbo ng sulat mo, parang andun pa din ung hope mo na maulit lahat un…

  2. mukhang mas mabuti nga na wag nalang muna tayo mainlab , we are in the same boat! sa ngayun pass mu na ako…at mas pinipilit ko ang sarili ko na maniwala na may tamang panahon para dyan ang ang ngayun ko ay hindi tama ang timing….

    hayy talaga!…kainis manuod mag isa nang a walk to remember!!! buti na lang dvd lang haha…

    nakiraan lang po! =]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s