ANG PANGARAP NI JOVIT BALDIVINO


Ramdam na ramdam na talaga ang pagdating ng Pilipinas Got Talent sa bansa na orihinal na napapanood sa Britanya at Amerika na sikat din sa pagpapalabas ng natural na talento ng mga tao.

At noon pa man kahit wala pa dito sa Pilipinas ang naturang talent show nakikilala na agad ang mga Pilipino sa angking talino ng mga ito. Sinong makakalimot sa nakaka-inspired na kwento ng isang Pinay sa Britanya na si Madonna Decena? na para makaahon sa kahirapan at para maitaguyod ang (mag-isang) pagpapalaki sa kanyang mga anak ay nagtungo sa malayong lugar para matupad ang mga pangarap nito. Sa huli nakapasok s’ya sa Semi-finals.

At ngayon ngang nasa Pilipinas na ang naturang talent show ano pa ba ang aasahan natin? Edi nag-uumapaw at naghuhumiyaw na talento ng mga Pilipino ang masasaksihan na’tin dito.

Nauna na ngang nagpasabog na talento itong si Jovit Baldvino na tulad ni Susan Boyle noong 2009 Britain’s Got Talent inakala ng lahat na wala naman itong ibubuga subalit noong kumanta na ito halos mawala sa sarili ang lahat ng manonood sa sobrang pagkahanga dito.

Minsan talaga dapat tayong maniwala sa kasabihan na dapat ay magbukas muna tayo ng libro bago tayo manghusga sa panlabas na anyo ng pabalat nito.

At syempre bakit nga ba maraming sumasali sa mga ganitong palabas? simple lang naman yung sagot ay dahil sa pangarap. Pangarap sa sarili sa iba’t ibang dahilan tulad ng maging sikat at yumaman…

Pero iba talaga ang Pinoy pagdating pangarap dahil laging kasama dito ang pangarap para sa Pamilya.

Kris: Anong pangarap mo?

Jovit: Simple lang po.

Kris: Ano.

Jovit: Bali po.. pangarap ko po makapagtapos po ng pag-aaral.

Kris: A part sa makapagtapos ng pag-aaral, hinagad mo bang maging isang sikat na singer?

Jovit: hinangad ko rin po yun kung matutupad po. Pero po, kahit po matalo ako dito, okay lang po. basta po napakita ko sa inyo kung ano ang tunay na Pinoy.

Napaisip tuloy ako dahil kay Jovit, akala ko kasi dati halos lahat na ng Pinoy ay sobrang ambisyoso na tulad ko na gustong maging sikat na manunulat.. maging reporter at kung anu-ano pa kahit kulang-kulang naman sa talento.

Puwede ka rin palang mangarap kahit maliit lang, at sa tulong ng maliit na pangarap na ‘yon puwede pa lang may makakuha ng malaking inspirasyon mula sayo.

Para kay Jovit, ihanay mo na ako sa mga fans mo Idol!🙂

28 thoughts on “ANG PANGARAP NI JOVIT BALDIVINO”

  1. magaling xa… parang arnel pineda lang…pero magaling din yung Ezra Band, yung may girl na vocalist at differently abled na pianist…

    ang galing talaga ng Pilipinas Got Talent…ang daming nadidiscover nila…

  2. ilan beses ko binalik-balikan ko ito sa youtube at akin narin na download. galing ng boses niya. lalo na kapag ma train na siya…

  3. bumilib din ako sa boses ni jovit.. sobrang nakakailabot ng boses niya.. haha!!! sa youtube ko na nga lang nakita eh..😀 pero nakaka amaze..

    pero ang mas nakaka amze… yung humilty na ipinakita niya…🙂 gogogo jovit!!! hahaha!!!

    wait?… nanalo ba siya?… hindi ko ata alam… kase hindi naman ako nkapanonood ng tv,,,

  4. “Habang buhay ka mangarap ka… at habang nangangarap ka pagbutihin mo para maabot mo ang iyong pangarap. Magsumikap ka, magaral ng mabuti, gawin ang lahat ng walang naapakang ibang tao.” Yan ang sabi sakin ng ermats ko…

    akala ko walang kwenta ang mga bagay na ito. Walang kwenta ang mangarap… ngunit ngayon alam ko nagkamali ako. ngayong nagkaroon ako ng sariling pamilya nalaman ko kung gano kahalaga ang salitang “Pangarap”. Kaya para kay Jovit, Thumbs Up sayo pre.. Isa kang Dangal ng <a href=alaehpagkasarap.wordpress.com<Batangas.

    Naisip ko lang hindi kaya’t ang sinabi sa akin ng ermats ko ay pangarap niya para sa akin?

  5. honga, napanuod ko batang yun, anlaki ng boses langya inaabangan ko na nga susunod na kakantahin niya eh. kamuha siya ni yael ng spongecola. hano? ahehehe. oi tol padaan. patambay ba din.

  6. attitude talaga dapat ang mas malakas kesa sa talento…kahit average lang ang talent kung maganda ang ugali aangat ka ng aangat.
    swerto mo na kung meron sa iyo ang dalawa na kagaya ni jovit…

    go jovit…

  7. paano mo maiipakitang tunay kang pinoy kung ala ka namang talent? Wag mag alala dahil lahat ay pinagkalooban ng talento. Hindi totoong may taong walang talent, pero may taong tamad lang talaga.

    1. Prinsipe ng pangarap na bago mong pangalan?..🙂 cool!!!🙂 hehe… hindi ako mahilig sa journey songs till this one… galing niya…🙂 musta otep?… may bagong tahanan ang mga maskara…🙂 na way mabisita mo… at mailagay mo rin sa blogroll mo…🙂 at isa pa: gusto ko din ng ganyang avatar oh(sabay turo sa kapangarap ngayong buwan): wala lang…🙂 hehe,… padaan lang…

  8. hmmm hindi ako nanonood ng mga reality shows dahil na rin sa paniniwalang pare parehong drama lang ang mga yan…

    pero dahil sa kwento ng batang yan, naniniwala na akong hindi lahat ng sumasali ay nagiinarte at nagddrama lang…

    ang pangarap ay kadalasan nagsisimula lang talaga sa maliit na bagay at mula sa maliit na bagay na iyon magbubunga ito ng mas higit pa sa inaakala natin. thou ok lang mangarap ng higher level, pero kadalasan nagiging dahilan lang ito ng frustration natin kung hindi natin ito ma achieve…

    ayun lang, hehe… oist otep, la lang… hehe mwahugs!

  9. magaling talaga sya…at naniniwala akong kahit di sya manalo,sa pinakita nyang talento,madami ng ngaabang para makuha sya…keep it up jovit!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s