MAHIRAP MAGING MASAYA


Ito na naman ako, back to emo? hindi naman, minsan kailangan din natin magsulat ng ganito para hindi ka sumabog.

Yup, magwawalong buwan na akong nagpapanggap na masaya pero sa kaloob-looban ko nakatago pa rin ang kalungkutan. Ewan ko ba, ayokong nakikita ako ng ibang tao na nasasaktan ako…, na puno ako ng kadramahan sa buhay.

Pero masakit pa rin kahit anong tago ko. In short walang naitutulong sa’kin ang pagkikimkim ng nararamdaman.

Ito na naman tayo -Happiness Is A State Of Mind! ewan ko ba kung paano ipaliwanag yang kasabihang ‘yan, pero sa loob ng maraming buwan hindi pa rin ako lubusang nagiging masaya.

Nasa katanungan pa rin kung ano ba ang magpapasaya sa’kin. Maniwala’t sa hindi nadadagdaagan pa nga ang kalungkutan sa pagdaan ng araw.

Tulad kagabi, nabawasan na naman ako ng isang kaibigan na binuno namin ng dalawang taon, at nakakasiguro na akong hindi ko na matutupad ang isa sa mga dream list ko ngayong taon -ang pag treasure ng kaibigan.

Pero tao din naman ako, marunong din naman ako mag-analisa kung kailangan ko pa bang pagkatiwalaan at pahalagahan ang taong nanaksak pala pag nakatalikod ka, o sa ibang paraan lilihiman ka ng mga bagay-bagay na dapat ay ikaw ang unang nakakaalam.

Hindi ko makuha ang punto n’ya dahil alam kong wala din naman s’yang balak magpaliwanag.

Wala na talaga akong mahugutan sa mundo, bukod dito sa imbakan ng saloobin ko. May magbasa man o wala, may magkomento man o wala, nakakakuha ako ng totoong kaibigang handang makinig at makiramay.

Ang hirap humugot ng mga bagay na pagpapasaya sa’yo ganoong wala na. Para na akong nabubuhay para sa wala. Magkakaroon nga ng inspirasyon tulad ng pangarap pero mawawala din makalipas ang ilang sandali, dahil ang totoo imposible naman talagang magkatotoo.

Hindi ko rin alam kung para saan ba ang tema ng blog na ito kung ang sariling may akda ay kulang na sa kakayahang maniwala sa kahalagan ng pangarap.

Ang hirap maging masaya ganoong walang mga taong nasa tabi mo para i-cheer up ka na kayang magsabi ng “Kaya mo ‘yan adik” , “kukutusan kita pag di mo nagawa” yung tipong kahit ganoon sila magsalita alam kong may nakakasama ako sa katawa-tawang pamamaraan.

Ang hirap maging masaya, ganoong alam mong may tao pa rin  d’yan sa puso mo na hindi makawala, dahil na irehas mo ito at hindi mo alam kung saan mo itinago yung susi. O sa kabilang banda kahit alam mo kung saan nakatago nagpapatay malisya kang naiwala mo ito.

Ginawa ko na lahat at alam kong gumawa na rin sya ng paraan pero patuloy ko pa rin itong kinukulob… siguro dahil hindi nya akong nagawang palayain sa maayos na paraan kaya nagpapaulit ulit ang senaryo sa pag-iisip ko.

Ang hirap maging masaya lalo na kung ang nag-iisang bagay na puwede mong pagkuhaan ng lakas ng loob -ang pamilya ay hindi mo makuhaan at kakitaan ng pag-aalala sayo, bagkus mas nakikita nila ang negative side mo.

Walang wala na naman ako sa mga oras na ‘to.😦 Pero kung tutuusin parang wala din pala akong pagkakaiba sa mga kaibigan ko.

Biruin mo, magsusulat lang ako dito pag kailangan ko ng makakausap..

Hindi ko na naisip may isa pa pala akong kaibigan -ang blog na ito.

Pasensya ka na kung hindi na ako makapagkuwento ng masasaya dito kasi wala naman talaga.

Balik ako agad.

15 thoughts on “MAHIRAP MAGING MASAYA”

  1. hmm😦 ………………
    bkt blanko ang utak q s pagsulat ng comment q?!
    hmm cguro kc ndma q ang klungkutan d pagkksulat u..

    watever it is.. malalagpasan at mkkya u din e2! gaya ng pagkaya q sa ilng bwang kalungkutan n nsa akin 2lad u dhl s paghhnap ng happiness🙂

    tama ka pde nating ituring na kaibigan e2ng blog dhl nalalabasan ntin ng saloobin to release d toxic!! hehheh…

  2. *mancry

    dude the same thing happened to me last monday… nabawasan din ako ng kaibigan… we both agreed na iwasan muna namin ang isa’t isa… well, ayokong magdrama dito kaya wala munang details.

    anyway, okay din yung ginagawa natin na magblog para ilabas yung problema natin…pero pare, minsan, iba pa rin kung tao yung makikinig o dadamay sa atin… nung tuesday, sa sobrang bigat ng feeling ko, nagpa-hug ako sa bestfriend ko (girl xa, take note)… at mejo naging okay ang pakiramdam ko after that kahit less than 5 seconds yun…

    ikaw ba? gusto mo ba ng hug? hehe

  3. naranasan ko na rin itong nararamdaman mo sa ibang sitwasyon nga lang. kaya alam ko kung anu ung eksaktong nararamdaman mo.

    nakakalungkot lang kasi mejo matagal akong hindi nakadaaan sa blog mo, tapos malungkot yung bagong post mo,,, kaya mo yan….malalampasan mo din yan….

    sangayon ako dun sa sinabi mo na itinuturing mong kaibigan itong blog mo dahil kahit ako ganun din ang turing ko sa blog ko…

    daan lang……..

  4. oteeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!!! gisiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggggggg!!!hahahaha.

    isipin mo masya ka na. isipin mo mga bagay na nakakapgpasaya sa panahong nallungkot ka. kung patuloy mong iisipin yang mga kalungkutan mo sa katawan. lalo ka lang mahihirapan. alalahanin mo ang isip natin ang pinakamakapangyarihang nilikha sa lahat ng bagay. kaya mo yan. kaya mo yan.

  5. Hmm… Susubukan kong tumulong. Sana may maitulong.

    Una. Wag kang mahiya sa blog mo, siguro yun ang talagang purpose niya, ang makinig sayo kung wala kang mahanap na makikinig sayo. Wag kang mag-alala, hindi ka niya babackstabbin. Yun lang, hindi rin siya makakapagbigay ng komento o abiso.

    Pangalawa. Sorry pero, sa tingin ko hindi talaga “kaibigan” ang taong gagawa ng masama sayo lalo na sa likod mo. Sa tingin ko rin, kaya wala siyang balak magpaliwanag e nahiya siguro siya sa ginawa niya. Which is good, dahil nung ako yung binakstab, ako pa yung siniraan at pinariringgan na masama.🙂

    Pangatlo. Wag kang tumigil sa pangangarap. Siguro nga may mga bagay na hindi madaling makuha natin, na nawawala, pero parte talaga yun ng paglaban para sa pangarap. Sabi nga, no pain, no gain. At sabi rin, God will bless the work of your hands.

    Sana makahanap ka ng tunay na kaibigan, maging ako man ay walang mahanap. Pero hindi kita dinidiscourage ha! Hehe. Take it easy lang. At least, habang wala pa, blog mo muna ang magiging labasan mo ng sama ng loob.🙂

    Babasahin kita ulit ha.😀

  6. May pagkakahawig ka Esmina ang maskara na meron ka…

    Nagtatago sa Saya…

    Pero ayaw tanggapin na maraming bahagi ng kanyang katauhan ay nagluluksa..

    Hahahaha!!! Otep! pinakaba mo talaga ako.. akala ko … kilala mo na kung sino ako…😀 hahahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s