ABS-CBN’S HARAPAN: LOREN VS. MAR


Palakpakan muna!!!😀

Ito ang maganda sa pulitika ng ating bansa -napakaingay. Tila isang piyestang punong-puno ng kulay at bukod doon tila may iba’t ibang paligsahan tulad ng mga buksingero sa plaza na nagsasagupaan. Aminin na natin, maituturing ng entertainment ang kampanyahan sa nalalapit na eleksyon at tila suwak na suwak naman ito sa ating mga panlasa -ang mga nakikita at naririnig natin… talagang NAKAKATUWA!

Kagabi, mapalad akong makasaksi at makapanood ng isang boxing match, este debate pala sa tulong ng ABS-CBN (gusto ko palang gamitin ang pagkakataon na ito para pasalamatan sila sa napakagandang programa, sana nga ganito din ang format na ginamit nila sa mga presidentiable candidates, yung tipong may opinyon agad ang bayan) -ang HARAPAN. Harapan sa pamamagitan ng mga vice presidentiable candidates na sila BINAY, BAYANI, LEGARDA, ROXAS, SONZA at YASAY.

Pero tila naging highlights talaga ang harapan nila LOREN at MAR.

Sa unang round ng boxing.. etse debate pala. uli. Maghaharap ang mga presidentiable alphabetically.. ibig sabihin BINAY vs. BAYANI; BAYANI vs. LOREN.. etc.

At dahil aphabetical nga ang pagtatanong nagkaroon ng pagkakataong magharap sila LEGARDA at ROXAS.

Kayo na lang humusga sa naging sagot ni Mar sa tanong ni Loren. Sayang hindi nagawang magtanong ni Mar kay Loren sa pagkakatong ito.

Sa round two ng harapan, maghaharap naman ang mga kandidatong nangunguna sa mga Surveys.. sa round na ito.. malaya ng makakapagtanong sa isa’t isa ang mga kandidato.

at syempre nagharap ang no. 1 at no. 2 sa survey na sina Mar at Loren

sa Harapang Video na iyan, narito kung sino ang mas naging kapani-paniwala.

Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako kay Loren, wala daw personalan pero puro patama lahat kay Mar ang mga tanong at pasaring n’ya.

Mas natawa ako sa naging tanong n’ya tungkol sa sa di umanoy paiba-ibang partidong pinabibilangan ni Mar ganoong dapat ay sarili n’ya iyon itinatanong.

At Mas natawa pa ako noong sumagot si Mar sa sagot nitong “pag-iiyak iyak sa senado” Hahahaha😀 nakakatawa talaga.

Sa lahat ng mga debate ito lang talaga ang tinutukan ko hindi nga na yata ako kumurap. Hindi ko na rin nagawang hawakan pa ang remote ng TV namin.

Kasiya-siyang may mga laman talaga ang lahat ng mga sinasabi nila, kung papipiliin nga ako sa kanilang anim apat ang ihahalal ko sa kanila. (pero hindi naman puwede yun dapat isa lang).

Sana iyong apat na iyon ay naging iisang tao lang at kung mangyari man iyon siguro meron na tayong tiyak na mabuting pangalawang pangulo.

Yung tipong hindi na kailangang makipagbatuhan ng putik sa kapwa kandidato, Yung tipong may sapat na kakayahan o experience sa kanyang paglilingkuran, Yung tipong pinapangako palang ng iba nagawa na n’ya, Yung Tipong may magandang hangarin para sa ekonomiya ng bayan. Hindi yung puro pagbatikos lang sa kapwa at hindi marunong tumayo na lang sa sariling plataporma, o baka isa rin sa plataporma n’ya ang manira.

Sana nga, sana ay makapaghalal tayong bubuno sa mga kakulangan ng mga nakaraang naupo sa puwesto. At sana, sa tulad ng mga ganitong debate ay nalinawan tayo sa mga narinig na’tin at nakita. Siguro ang pinaka magandang nakita ko sa programang ito ay yaong tunay na kulay ng isang kandidato.

Malapit na ang botohan, para sa’kin sapat na ang debateng iyan para makapili ng pangalawang pangulo.

Basta ako, Sigurado na ako sa boboto ko! sana kayo din..

Sarap mangarap para sa bayan no?

20 thoughts on “ABS-CBN’S HARAPAN: LOREN VS. MAR”

  1. pashowbiz na talaga ang mga pulitiko ngayon. sa totoo lang, wala dyan sa kanila ang may purong intensyon na maging public servant. lahat may agenda. correct me if im wrong, pero wala talagang matinong pulitiko ngayon. either greed for power, dominance, or money. last na yata sa listahan yung vision na kagaya ng kay Magsaysay na tulungang umahon ang sambayanan…

    reak reak lang.

  2. Malayo man ako at di ko na alam ang mga pangyayari sa bugbugan na yan ni Mar at Loren ey sa tingin ko bahagi na ng kultura ng ating elecksiyon ang pagpapasama sa katunggali. Tapos pag tapos naman na ang halalan eh magbabatibati yan tapos parang tupperware ang mga yan….ang hiling ko lang naman eh kung sino man ang manalo o mahalal ay dapat gawin ang ikaaangat at ikagagaling ng ating kawawawang bayan….hayan at marami-rami na naman tayong mga gradyets malamang ang pagsasabihin ng mga yan eh ” I WILL CREATE JOBS FOR THE NEW GRADUATES” sana nga gawin nila….kundi madami na namang tambay sa mga mall yan….PAKIUSAP KO LANG NAMAN SA MGA NAG-AAMBISYON SA UPUAN EH GAWIN NYO ANG DAPAT GAWIN SA BAYAN NI JUAN….

  3. BASTA AKO LOREN LEGARDA FOREVER!

    marami nang napatunayan si Loren sa serbisyong publiko.

    NICANOR PERLAS FOR PRESIDENT AND LOREN LEGARDA FOR VICE PRESIDENT. TIYAK UUNLAD ANG PILIPINAS!

  4. ‘Lam mo, Otep, I’ve never liked Loren Legarda. There’s just something about her na di ko ma gets. Ewan anong appeal nya, and I know she’s smart ha. Pero, whenever I see her, I only see kaplastikan. I don’t even know why I feel this way. Parang instant reaction lang.

    Ehm, pwede ba ganitong comments? LOL. Di masyadong about politics. Sorry ha.😦

  5. Loren …siguro panahon na po para umatras kayo…you’ll not gonna win in this election…nakita na nmin kung anong klaseng tao ka….

  6. basta isa lang masasabi ko jan otep… wag padadala sa mga nababalitaan… minsan tsimis lang yan… hehe…

    ang mahalaga mapaninindigan mo ang kandidatong iboboto mo… na in d end dmo pagsisisihan na siya ang binoto mo…

    MAGISIP BAGO BUMOTO….

  7. hindi ko napanood ito.sayang.

    sa ngayon, wala pa akong iboboto sa pagkapresidente. wala pa akong mapili e. pero sa vice meron na.kung sino…diko sasabihin. secret muna.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s