ASAR SA MGA POSTERS NI LITO ATIENZA


Opisyal na talagang nag umpisa ang pangangampanya para sa mga lokal na posisyon para sa nalalapit na halalan.

At kung noon ay madumi na ang Maynila dahil sa mga mala bandiritas na mga campaign materials, mas lalo pa itong dumumi ngayon.

Kanina, nanggaling ako sa Cavite at dumaan ang sinasakyan kong bus sa kahabaan ng Osmeña high way at Quirino Avenue sa Maynila.

Nakakalungkot makita, na dahil sa kampanyahang iyan nadudungisan ng sobra ang ating kapaligiran.

Mas lalo pang nakakainis dahil sa napakarami at namumukod tanging mga posters ni Atienza. ‘di bali na sana kung paisa-isa lang at magkakalayo, ang kaso pinagdikit dikit pa ito, na kulang na lang pati gitna na kalsada at dikitan nila. (sayang hindi ko nakuhaan ng picture)

Pati mga lugar na hindi dapat dikitan ay dinikitan nila, pati na rin yung mga magagandang pader at harang na may desenyo. Mayroon pa nga akong nakita na bakas pa ang pinagdikitan ng poster ni Atieza na dinikitan muli. Haaaaaaaaaay. ayaw talagang paawat.

Ano kaya masasabi dito ng mga pulitiko lalung-lalo na si Atienza sa pulang-pula nyang poster? -Hindi s’ya nagdikit nito? Malamang hindi siya nagdikit ng personal nito, pero sana sinasabihan nya ang mga staff nya sa tamang dikitan at lalagyan ng pagmumukha nya.

Nakakatawa lang na ang dating DENR Secretary na nangangalaga sa kalikasan ay s’ya pang promotor ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa mata ng karamihan.

Noong nakaraan nagkaroon ng isyu sa baklasan ng pagmumukha ni Atienza sa lansangan, tinanggi naman ito ni Lim, pero kung sino man yun, nagpapasalamat ako sa kanya dahil ang sagwa sagwa talaga.

Binibigyan lang ng dahilan ni Atienza ang mamamayang manileño para hindi na s’ya iluklok sa puwesto, dahil saganang akin, sobrang na turned off na ako sa kanya.

Madami pa namang pagpipilian dyan, na may puso at mas nararapat sa katagang buhayin ang m\Maynila na hindi dapat dinudungisan ang kapaligiran bagkus ay kayang Linisin at Ikarangal ang Maynila.

Pangarap kong makapagluklok tayo ng Alkaldeng tutupad sa pangarap natin para sa Bayan at Kalikasan!

10 thoughts on “ASAR SA MGA POSTERS NI LITO ATIENZA”

  1. Isama mo na rin dito si Bayani Fernando, ang dating MMDA chairman na conscious na conscious sa anyo ng lungsod, pero ngayon tingnan mo, puno ng mukha niya ang kahabaan ng EDSA.

  2. This is one of the things that I hate most come election time. I don’t even know if politicians really think that posting their faces everywhere ACTUALLY helps with the votes, or if it helps them to win by a huge margin. I’d like to think people are more intelligent and discerning than that. It’s just an eyesore, really.

  3. I think dina dapat nila ipinapaskil ang mga mukha nila sa daan at kung saan saan. Kasi kung ang isang kandidato ay mayroong ginagawa eh hndi na nya dapat ipangalandakan pa ang kanyang mukha. Dahil sa ayaw at sa gusto nila, eh matatandaan sila ng mga taong bobot.

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunter

  4. D ako for atienza. Kaso d rin ako bboto dito sa manila. hehehe Sa probinsya ako! Pero tama ka sna lahat ng kandidato mailuluklok natin eh talagang tutupad sa salita nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s