SAMPLE BALLOT 2010


Mga kapangarap! Mahigit dalawang linggo na lang at maghahalal na tayo ng mga bagong pinuno. Alam kong nahihirapan din kayo sa pagpili tulad ko. Hayaan n’yong ipakilala ko sa inyo ang mga natatangi kong kandidato. Malay n’yo magustuhan nyo din sila🙂

Siyempre dahil tuluyan na akong naturned off sa pakikipagbatuhan ng putik ni Noynoy kay Villar, mas pinili ko na lang ang Pambato ng adminisyon na si Gibo Teodoro para sa pagka-presidente kahit lagi pang ibuntot sa kanya ang nunal ni Arroyo. Mas naniniwala din kasi akong may sapat na kakayahan si Gibo kumpara sa mga sinasabing nangunguna sa survey na si Noynoy.

At dahil naman ayaw na ayaw ko kay Loren noon pa man, mas pinili ko pa rin si Mar Roxas para sa pangalawang pangulo. Nood na lang kayo ng Harapan sa Youtube🙂. hehehe

Narito naman ang labing dalawa (12) kong senador.

Group A

Bibihira na lang ang pulitikong may pagpapahalaga sa SPORTS kaya naman magandang halimbawa si PIA para sa karamihan, bukod doon para din s’ya sa YOUTH ng ating bayan.

Nakilala naman si Devenecia sa kanyang pagbubulgar sa di umano’y tiwaling gawain ng pamahalaang arroyo. Naniniwala akong puwede pa nyang panagutin ang may kagagawan sa katiwaliaang yan. Bukod doon gusto ko din ang Adbokasiya n’ya ukol sa kahalagan ng TEKNOLOHIYA sa panahon ngayon.

Siguro kung nagkataon lang na iisang senador lang ang puwedeng iboto tulad sa partylist malamang si Miriam lang talaga ang ititira ko.

Sa lahat yata ng nagdaan at mga senador si Miriam talaga ang hinahangan ko. Kung tumatakbo nga lang siyang presidente sya talaga ang pipiliin ko.

Hindi ko na ipapaliwanag alam nyo na yun🙂

Group B

Sila naman ang mga batikan na senador at batikan na sa paggawa ng mga batas. Hindi ko na ipapaliwanag ang mga nagawa nila at pagtutol.

sa pangkalahatan, subok na!

Group C

Nakakatuwa pero tinagurian ko silang Group C. Silang tatlo kasi ay pawang mga representante sa Kamara at mga aktibista din. Iniisip ko lang sakaling manalo si Gloria sa pagka kongresista sa Distrito n’ya sa Pampanga at maging House Speaker, Malamang itulak nya ang Chacha at pagnagkataon maaari syang maging prime minister. At least sa ganitong senaryo may mga Senador tayong maaring pumigil sa ganitong sitwasyon.

Bukod doon Hindi lang sila basta aktibista na puro rally lang ang alam. Nagsusulong din sila na mga batas at karapatan ukol sa mga KABABAIHAN, KABATAAN at PAGSASAKA.

Group D

Sila naman yung mga kandidatong sa oras na manalo ay perstaym  magiging senador. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay  perstaym nila sa pulitika.

Si Remulla ay dating reporter ng ABS-CBN bata pa lang ay kinakitaan na ng galing kaya hindi na nakakabigla kung pumasok din sya sa pulitika bilang kongresista sa lalawigan ng Cavite. At ngayon tumatakbo sya bilang senador. Hindi na rin ako mabibigla kung palarin sya.🙂

Si Tamano naman ay taga Mindanao, matagal ng walang senador na kumakatawan sa mga muslim kaya ito na ang pagkakataon. Bukod doon isa rin syang batikang abogado. Presidente din sya ng mga local na universidad. At bukod doon may magandang pinag-aralan. Naniniwala akong kaya nyang IPAGTANGGOL tayo.

Noong first time kong bumoto noong 2007, (19 ako noon) binoto ko si Sonia Roco s’ya yung asawa ng yumaong former DECS secretary na si Raul Roco. Kaso hindi s’ya pinalad manalo. Ngayong 2010 iboboto ko s’ya muli kasi naniniwala pa din ako sa plataporma niya para sa EDUKASYON tulad ng kanyang asawa.

21 thoughts on “SAMPLE BALLOT 2010”

  1. 2 tumbs up! kasama pati mga paa para kay G1BO at Roxas.

    sa senador, di pa ko nakakagawa ng listahan..halos andyan din sila..salamat sa guide Otep.🙂

    1. Partylist…………… ladlad? toinks. Nyahahahahha solid ako sa PBA.. gusto ko makita si Manny sa kongreso, ang kewl nun. sa PBA tayo ha! apir*

  2. Nice, nice, nice… Namiss ko rin ang magkoment dito kapatid na Otep…🙂

    Pareho tayo ng pres at vp… Sa mga senators, hindi pa complete ang line up ko, but we have some similarities there… Pareho tayo ng paniniwala sa kakayahan ni Miriam Santiago…🙂

    Tamano is also one of my favorites… I still have to review the line-up of Ang Kapatiran and those of Bro Eddie…🙂 Maaring hindi kilala ang mga nandun, but I am very confident that in them, more worthy people exist for the senatorial slate…🙂

    1. Hahaha oo nga namiss kita dito. mang crooks.

      yeah apir tayo* G1BO tayo.🙂

      hindi ko sila feel e. mas gusto ko pa rin yung mga aktibista. hehehehe😛

      1. second choice ko si Gibo kaso nag-aalinlangan ako kasi kapartido niya si Gloria. Sana kung manalo man siya huwag siyang magpadikta sa pandak. hehehe

        1. toink yun naman ang mali parekoy, wag nating laging ibuntot yung nunal ni Gloria sa kanya (paulit ulit ko na lang sinasabi). si Gibo lang ang totooong qualified para maging presidente ng bansa.. naniniwala akong kaya ngang palakarin ang bansa.

          sige sabihin nating wala sa itsura ni bro. eddie na mangungurakot pero wala pa syang experience sa pagpapalakad ng ating bansa, kahit pa sabihin nating kinaya nyang pamunuan yung grupo nya. iba pa rin yung may malawak ng kakayahan🙂
          kay Gibo tayo. nyahahahah🙂

  3. Pareng Otep may tanong lamang ako, Bakit kasama sa mga napupusuan mong kandidato sina Maza at Ocampo na kilalang dating lider ng makakaliwang grupo?

    Para sa akin kahit sino ang maupo sa Malacañang, kung patuloy na tutuligsain ng mga makakaliwang grupo walang magnyayari sa sambayanang Pilipino. Kahit sinong maupo, at patuloy na babatuhin ng mga mapanirang puring intriga sa tingin ba ninyo may pagasa pa?

    Hanga’t hindi ko naiintindihan bakit kailangang iboto ang isang taong may nagawang mali sa publiko, hinding hindi ko sila iboboto. Kailanman ang isang pagkakamali ay hindi maitatama ng isa pang pagkakamali. Sinadya ba nilang magkamali upang ng sa ganon ay sumikat? O sadyang inaakala nila na ang kanilang mga nagawa ay tama? katulad na lamang ng mga dating lider ng Magdalo Group na sumikat dahil sa ginawang Coup… Mali hindi ba? ngunit sila’y sumikat dahil sa mga pagkakamaling ito… Nagsimula ito kay Honasan at Ramos hindi ba… di yata’t paulit ulit ang pangyayari… Hindi parin nagigising ang taumbayan sa mga ganitong kaganapan. Patuloy paring nabubulag sa idelohiyang baluktot.

    Kung pagbibigyan natin ang mga ganitong tao, parang binigyan ninyo na rin ng pondo ang mga makakaliwang grupo. Lumalabas sa isang pagaaral na pangatlo si Trillanes sa top spender ng gobyerno? Habang nakakulong ang senador na ito (na hindi ko alam kung ano ang nagawa hangang sa mga panahong ito), nagawa pa niyang gamitin ang kanyang pork barell. Saan kaya niya ibinigay ang mga ito?

    Ito lamang po ay opinyon ko… Salamat

    1. amp.. ang haba ng comment.

      kanya kanyang opinyon lang yan. lahat naman tayo para sa pagbabago.. majority wins😛

      si Trillanes? oo nga e sana palayain na nya. tito ko yun e. heheheheheh

    1. HETO ANG SA AKIN:

      PRESIDENT: PERLAS
      VICE PRESIDENT: LEGARDA

      SENATORS:

      CAYETANO
      HONTIVEROS
      ROCO
      SANTIAGO
      REMULLA
      REVILLA
      ENRILE
      TAMANO
      MARCOS, JR.
      ESTRADA
      TINSAY
      LIM, DANILO

        1. noon asar ako kay Legarda pero simula nang ma-meet ko siya noong 2007 hanggang ngayon eh minahal ko na siya. Mabait siya sa personal. Madali ring lapitan. naging volunteer niya ako since January 2010.

          second choice ko si Mar Roxas. Sa totoo lang kung hindi pa sila kasal ni Korina baka siya pa ang iboto ko. Asar na asar ako kay Korina dahil nakasama ko siya noon bilang staff niya sa Rated K. Heto lang ang masasabi ko: Buwisit siya. Ilang beses akong pinaliguan ng mura ng babaeng iyan. hayz… kaugali niya si Marian Rivera.

        1. payo ko sa iyo, sundin mo ang puso/konsensiya/ o kung ano man iyon. Manalo o matalo, iboto mo ang kandidato na sa tingin mo ang dapat iboto.

        2. paanong maaksaya? alam mo bumoto ka lang ng sa tingin mo ay tama ke matalo o manalo man yun, at least pinanindigan mo yung pinaglalaban at pinaniniwalaan mo. At pag nagawa mo yun puwede mong itaas ang noo mo dahil nakiisa ka sa pagpili para sa pagbabago🙂

  4. Aside from Perlas and Teodoro, option ko rin si Jamby Madrigal. Gusto ko yung plataporma niya na sugpuin ang kurapsyon. Pwede rin si Bro. Eddie.

    no offense pero kahit anong mangyari, hindi makakatikim ng boto sa akin sina Noynoy, Villar at Erap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s