MABILISAN LANG ‘TO


Ito dapat ang unang post ko ngayong buwan ng Abril kaso inamag na sa burador ko, mabilisan lang ‘to gusto ko lang ikuwento yung mga bagay sa mga nagdaang araw na umabsent ako dito.

Btw, nasa side bar ko na pala ang Kapangarap ngayong buwan ng Abril, si Jhunice at si Goyo. Check nyo din mga blog nila.

NORTE ‘O YEAH

Nitong Holy Week sinamantala ng mga officemates ko ang mahabang bakasyon para makapag lagalag. Mapalad naman akong nakasama sa kabila ng masamang pangyayari sa parte ng buhay ng isang matalik na kaibigan.

Sa pangalawang pagkakataon, muli kaming pupunta sa Pangasinan at Baguio, nakakatuwa lang dahil nadagdagan pa ito ng La Union at Ilocos Sur.

Ito lang ang masaklap pag bumabiyahe ka, kapag wala kang dalang personal na kamera. Sayang yung mga tanawin na hindi mo nagawang kuhaan ng mga larawan.

Ganun pa man may advantage din naman ito dahil hindi ka na ang kumukuha sa kanila, ikaw na ang kinukuhaan ng mga kasama mo. hehehe.😛

Kinabahan nga ako e, kala ko mapapadpad kami sa wild mills saka sa Vigan ng Ilocos kundi malaking pag sisisi talaga dahil hindi ako gumawa ng paraan para makapagdala ng camera.

Yung mga naunang larawan na iyan, kuha yan sa Ilocos, sa Candon city naman yung simbahan.

Sobrang nakakapagod ang biyahe dahil nililibot nga namin ang Norte.

Pawi naman ang lahat ng init noong nakarating na kami sa Baguio City. Hindi ko nga malimutan yung mga umagang gigising kami na umuusok yung bibig namin sa lamig🙂

Nakakamiss din yung picnic namin sa Camp John Hay. At pamamangka sa Burn Ham park.

Nagpunta din kami sa Palengke na sobrang dami kang mabibiling pasalubong. magagandang bulaklak, mga fresh na gulay at iba pa.

Kung bibigyan nga lang ako ng pagkakataong makahanap doon ng trabaho mas gugustuhin ko ng tumira doon sa sobrang ayos ng klima🙂

Para sakin madali lang naman mabuhay sa Baguio City kahit malayo sa Maynila basta may panggastos ka hehehehe (gusto ko na agad bumalik)

Yun nga lang medyo nilagnat ako at nag ka sipon, mabuti na lang kumpleto ang Baguio city sa mga tindahan kaya makakakita ka na agad ng pharmacy sa kanto.

Medyo madami pa sana akong kuwento kaso sabi ko nga mabilisan lang ‘to.

Siguro, kailangan ko na talagang magmadali para makabili ng DSLR.. Nakaka pressure din pala ang pangarap hehehe..

Sana this Ber month.. makapunta na rin ako sa Sagada🙂

BYE BYE HAMSTER

Minsan talaga pag masyado kang masaya, asahan mo ng may kabuntot agad na kalungkutan, Naiwan ko pala si Chino sa kulungan ng walang makakain bukod sa tubig. Kaya yun, iniwan na din nya ako. Naabutan ko na lang na nilalanggam si Chino.

Namiss ko na hamster ko😦 totoo pala yung kasabihan na kapag pinangalanan mo ang pet mo masasaktan ka pag nawala na ito, tinuring mo na kasi syang tao.

Kasalanan ko kung bakit nawala hamster ko😦 Hug* everyone

12 thoughts on “MABILISAN LANG ‘TO”

  1. buti ka pa nakapg-enjoy sa baguio. unang beses ko pa namang nagpunta sa baguio nung fieldtrip namin, di naman ako nag-enjoy. :((

    may naalala ako sa daga, dati nung bata pa ako, mahilig ako mag-alaga ng dagang costa, ako pa mismo gumagawa ng kwarto at bahay nila. kaya lang ninakaw. umiyak ako. hehe. love ko din kasi sila..

  2. O goyo tara bAlik tayo sa bAGuio. Hehehe ilang araw ka bA DUN? Di ka talaga mag eEnjoy kung sandali ka lang, panu biyahe palang sakit agad ng uTak mO.

    NamimisS mO din bA daga mO? Huhuhuhu hug*😦

  3. Ahaha. how enjoy naman. sana makapunta din ako jan (sigh)
    Gusto ko pala ng LLm tshirt wala ako sa topic i swear. hehe. mwahhhh. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s