DOUBLE CELEBRATION


Kategorya: PANGARAP SA BAYAN

Maaga akong gumising kanina, dali-dali akong pumasok sa opisina dahil may mga layout akong dapat tapusin na deadline na. Sa aking paglalakad, kapansin-pansin ang mga kulay na dilaw, puti, bughaw at pula -watawat. Noon ko naalala na National Flag Day pala ngayong araw.

Kung ganoon, nalalapit na rin pala ang ika-112 taon na pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas laban sa mga mapanakop noon na mga dayuhan.

Pagkadating ko sa opisina, naupo ako agad sa harap ng computer ko at tiyempo namang may nabasang artikulo ukol pa rin sa paghahanda ng pamahalaan sa nasabing Pagdiriwang.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa nabasa ko,  ayon sa artikulo maglalaan daw ang pamahalaang Arroyo ng 10 milyong piso para sa pagdiriwang ng ating kasarinlan.

Sa bagay, kung ang ibang bansa nga nagagawang paggastusan ang napaka-importanteng araw para sa isang nasyon bakit tayo hindi?. Isa pa, minsan lang naman ito sa isang taon.

Ang kaso, magmimistulan daw kasi  itong grand exit party para sa out-going president na si Gng. Arroyo.

Biruin nyo, di lang pala i-isang kalayaan ang dapat na ipagdiwang natin sa nalalapit na Araw ng Kalayaan. Isama na rin pala na’tin ang kalayaan natin sa papaalis na administrasyon. –double celebration ika nga.

Sana, magandang simbolo ang hatid ng pagdiriwang ng kalayaan ngayong taon na may temang “Kalayaan 2010, Tagumpay ng Bayan”.

Sa kabilang banda, Inaasahan na rin ang tagumpay nila apparent president Ninoy Aquino at apparent vice-president Jejomar Binay.

Kasakuyan nang nagbibilang sa Kongreso ang mga miyembro ng National Board of Canvasser (NBoC) at inaasahang bago ang nasabing pagdiriwang at magkakaroon na tayo ng President at Vice President-elected.

Hindi man nanalo ang pambato ko noon na si Gibo Teodoro sa eleksyon, hindi man ako kandidato pero nag-concede na rin ako kay Noynoy. Sana magawa na ring tanggapin ng mga nagtunggalian sa pulitika ang kanilang pagkatalo.

Makalaya na rin nawa tayo, sa mga mapanira at mga mapagbintang na mga espekulasyon sa nakaraang automated election gaanoong wala namang ebidensya at pawang sabi-sabi lang.

Bakit ba ganito ang pulitika sa bansa? kapag natalo ka -nadaya, kapag nanalo ka naman, nandaya ka naman daw. tsk tsk..

Hirap kasi sa iba nating kalahi, mahirap tumanggap ng pagkatalo. Kaya pati ang mag ahensya ng pamahalaan na dapat ay pinagkakatiwaan ay s’ya pang lumalabas na kontrabida ng bansa.

Saganang akin, gusto ko sanang bigyan ng parangal ang Commission on Election (COMELEC) dahil masasabi kong naging matagumpay naman ang naganap na Halalan nitong Mayo 10, 2010 sa pinaka bagong pamamaraan. Puno man ng kontrobersya, naniniwala pa rin ako sa mga masugid at masisipag na umalalay at nagpatupad nito. Para kay James Jimenes, Gregorio Lardizabal at iba pa. Saludo po ako sa inyo!

Ika nga, ang pagpasok ng bagong administrasyon ay isang bagong pag-asa na naman para sa ating bansa. Mga bagong pangarap na naman na bubunuin at pangarap na susubukan at susubakan pa ring kamitin.

Masarap mangarap para sa bansa, lalo na kapag may halong pabong pag-asa.🙂

Maligayang Araw ng Kalayaan!!

32 thoughts on “DOUBLE CELEBRATION”

      1. muka kang magsasaka sa picture. ahahaha…
        teka matinong comment na nga… parang mas na-excite ako sa bagong administrasyon na papasok kesa sa Independence day. hatid nga naman nun e bagong pag-asa sa lahat🙂
        holiday sa June 14 di ba? Yehey!😀

        1. hahaha seryoso ka na n’yan, magsasaka ako ikaw? mukha kang scarecrow lols.

          bakit sino ba binoto mo? villar ka di ba?

          oo walang pasok sa 14 saka sa 24.. Manila day.🙂

  1. welcome back otep.😀
    kailan kaya magbabago ang pulitika sa bansa!? magbabago pa kaya!? Hehe.
    Tama ka, tagumpay nga ang automation.

  2. sana wag nalang gumastos ng gnun kalaki administrsyon.lakilaki n nga utang pilipinas..wawa nmn mga anak nga anak natin,aabutan pa nila mga utang na un hayzzzz…..😦 sana nga sa pagpasok ng bago administrasyon,me magbago na…

  3. Wow..ganda ng mobile site view website mo ah..base ako..
    IPAGDIWANG ANG Kalayaan!!..SNA NGA MAY Pagbabago sa next administration.

  4. Pare ipagdiwang natin ang pagbabalik mo! Wala na ‘ko pakielam sa pagdiriwang na yan, pukinangyan, pramis, lahat na lang binibigyan ng ibang kahulugan, kung may gugustuhin man akong holiday sana magtalaga sila ng “Dikit Day”, isang araw na walang kontrahan, lahat bati, lahat tropang dikit, lahat umaayon sa sabihin ng bawat isa, pag sinabi ng isang kongresista “gago ka shatap!” sasagot yung isa “oo gago ako yes i will eto na oh!”
    buong bansa magsasang-ayunan, ang lumihis magcommunity service, at striktong pamamalakad. May masabi lang, ayos ba otep? Hahaha. Maligayang pagbabalik. Muah.

  5. perstaym ko din dito kuya otep, Joseph ba name mo? ako kasi yun ang name ko.

    enihaw, tama ka kagaya mo, hindi din nanalo si bro eddie ko, pero susuportahan ko yung maipoproklama ng kongreso. kaya naman natin eh.

    kahit dito sa OAV ay manwal ang naging halalan (dito sa bansang kinalalagyan ko) ay saludo din ako sa COMELEC sa bilis ng resulta ng nakaraang halalan. Wag lamang magbagu-bago ng desisyon ang 2nd Division.

    Gusto natin ng pagbabago di ba? Tanggapin at yakapin natin ang simula ng pagbabago. Paniguradong sa mga pagbabago ay may aayon at babalikwas, maging mapanuri, kumontra kung kinakailangan sa mabuting paraan.

    Mahal natin ang bayang Pilipinas. Sabi nga ng isang show sa TFC, “Filipino ka, Sabihin mo!”
    May ginawa akong tulo dati para sa bandila, ma-irepost nga para sa Araw ng Kalayaan.

    Sa nalalapit ng buwan ng kalayaan. Ating ipagbunyi ang bawat wagayway ng bandilang Pilipino…saan man sa mundo.

    pwede ka po bang ma-add sa link? parang post ang koment ko, nakakahiya.

    1. nice pareng pong. very well said. pang ms. u ang sagot mo! lols.

      wala na akong ibang madaragrag kundi MABUHAY KA AT MGA TULAD MO!

      MABUHAY ANG PILIPINO!🙂

  6. Araw ng Kalayaan. Ginugunita natin ang paglaya natin sa mga Kastila. Ngunit hindi natin makita na ang ating bansa ay bilanggo pa rin sa kamay ng Kapwa natin Pilipino.

    Ano nga ba ang mas masakit. Ang apihin ka ng dayuhan. o ang apihin ka mismo ng mga tinuturing mo kalahi at inaasahan mong magtatanggol sayo?

    Kaawa awa ka Pilipinas.

    1. syempre parekoy mas masakit ang ang apihin ka mismo ng mga tinuturing mo kalahi at inaasahan mong magtatanggol sayo.

      pero gaya nga ng sabi ko may pag-asa na parekoy.

      nagbalik ka pala parekoy namiss kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s