LAKWATSA SA LUCENA


Biyernes palang natatamad na agad ako para sa dadating na sabado at linggo. Para kasi sa isang tulad ko, kasumpa sumpa ang mga araw na wala kang magawa. nakakapagod ang tumunganga.

Salamat na lang sa pagyayaya sakin ng isang kaibigan sa galaan. Ang kaso nagulintang ako noong sinabi nya kung saan. -Luneca City. Apat na oras lang naman ang layo mula sa Maynila.

Pero dahil tao lang ako na sabik sa galaan -umu-o ako. Sa tulong naman ng isa pang kaibigan nakautang naman ako ng pamasahe. hahaha (pulubi).

Maaaga akong nakarating sa Jac Liner sa Gil Puyat, kaso sobrang late na ng makarating ang kasama ko. Hindi naman ako nagalit siguro sanayan lang talaga, saka always expected the unexpected para hindi sumakit ulo mo.

Sa bus hindi ko alam kung anong puwesto ang gagawin ko ang hirap makatulog. wala naman akong ma-sight na tanawin maliban sa napakalayong karagatan. kaya pinilit ko na lang pumikit para iwas hilo.

Hapon na ng makarating kami sa SM City Lucena at dumeretso sa Diamond Hotel and Resort (susyal).

Gusto ko agad matulog ang kaso gusto kong lasapit ang aircon ng kuwarto habang gising ako. haha. (wala kasing aircon sa opisina namin at mas lalong wala sa bahay).

Haaaaaaaaaaaaay sarap buhay talaga.. gusto kong matulog ng mulat. toinks.

Noong unang gabi pumunta kami sa Bayan sakto kasing Pasayahan Festival doon. Napakaraming tao. (wala lang naglakad lang kami)

Sa tatlong araw na pamamalagi ko doon wala akong ibang ginawa kundi kain -> nood TV -> swimming -tulog -> gising haha.

The best talaga ang weekends ko kahit tamang resort lang kami. at least malayo sa nakakatoxic na Maynila at nakaka-emo na kuwarto ko. Sana pag weekend laging ganito.

Biruin mo nadagdagan na naman ang mga lugar na napuntahan ko sa Maynila palayo na ako ng palayo.

Marami pa akong di napupuntahan na lugar at napakarami ko pang pangarap na mapuntahan.

saan kaya next stop ko?

44 thoughts on “LAKWATSA SA LUCENA”

  1. huwaw ako din marami kong gustong puntahan as in… sobrang dami… kaso wala kong pera hahahaha! dapat pag ipunan!

    1. ay oo nga pala taga lucena ka. sayang dito na ako uli manila.

      san ka ba doon? doon ako sa Diamond Hotel & Resort tumuloy alam mo yun?

      1. ay nakadaan na ako sa SCTEX ang bilis.. kaso kulay itim pa rin ang kalsada.. hehehe pero malinis naman.

        alam ko ganun yung mga kalsadang nababakbak e.

    1. wow talaga invited ako. lols.

      gusto ko ng kafiestahan.. kailan ba piyesta sa inyo?

      si Yhen saka si Pareng Eli taga NE din ha🙂

  2. ayun o! dis is teh layp! sarap ng buhay lakwatsero eh no? ano bang magandang pasyalan diyan sa lucena parekoi bukod s bitches, ahm…beaches pala?

    1. oo nga e. kaso Lucban daw yun sa Lucena lang kami.

      fiesta din naman sa Lucena Pasayahan festival.

      btw, taga doon ka ba?

      ayos naman si otep🙂

  3. dito sa bulakan ka mag next stop! an hour away from manila. wag nga lang ngayong tag-ulan kasi tagbaha din ang maraming lugar dito.

    at sino naman ang kasama mo sa lucena?

    1. mga taga-tabi tabi lang mga parekoy ko na rin hahaha..

      ayos pa nga ako Batangas e kasi madagat sa lucena kahit bundok wala akong matanaw

  4. Anong ginawa mo sa Lucena? Nadaanan mo yung bahay namin, oo. Lol ano gagawen namin jan sa mapang yan? – ibig kong sabihin wala man lang pics, pictyur-piktyur? sus hehe oy Otepski musta?

    1. wala nga e. kasi biglaan yung flight hahaha.

      yung mapa para yun sa mga taong hindi alam yung san banda ang lucena sa pilipinas.

      ako kasi pumunta doon pero hindi ako alam kung saan banda yun haha.

      1. Hmmm… Pero di ba may mga night shots ka na posts dati? Akala ko kasi sa ‘yo yun…

        At mukhang ang sigasig mo nang magreply sa mga comments ngayon ah? hehehe…
        Buti naman at nang hindi ka na masabihang isnabero…😆

        1. nakow isnabero na ba ako? toinks.. ganado lang sa bagong template ko.

          parekoy nasira na kasi yung cam ko na ginagamit lahat ng nakita mong pic dito dati kuha ko yun lahat..

          hindi pa ako nakakabili ng bago e.🙂

  5. pumunta k ng Davao City para bonggang bongga ang layo hehehehe…I’ve been sa Lucena din isang beses pero bandang hapon umuwi agad kami…nkkpagod ung trip n iyon pero masaya ksama ang mga kaibigan…Makati din kasi paa ko hehehehe…

    1. oo pupuntahan ko din yan balang araw.

      ang layo sobra sa Lucena wala ka namang viewng makita. kung sana sa baguio ayaw ko ikurap mata ko habang bumabiyahe.🙂

      okay lang makati ang paa. wag lang kamay pare. Nyahahahhaha😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s