GENIE IN A BOTE


“Sinong tao ang wala ng mahihiling pa?” -sus ginagamit lang yang pangungusap na ‘yan kapag inlove ka sa isang tao yung tila sinalo mo na lahat ng kasiyahan dahil sa minamahal mo.

Pero ang totoo napaka-ambisyoso ng mga tao. Lahat may kani-kanilang kahilingan na inaasam-asam.

naaalala nyo pa ba ang joke ukol kay Pedro at si Genie sa bote?

Habang naglalakad di umano si Pedro sa dalampasigan may natisod s’yang bote at hinimas n’ya ito, nang biglang may lumabas na usok kasama nga  dito si Genie. Sa sobrang gulat nito nabitawan ito ni Pedro sa buhanginan.

GENIE: Dahil pinalaya mo ako sa loob ng bote sa mahabang panahon… tatlong kahiligan!

PEDRO: Wow talaga po!?

GENIE: OO bilisan mo..

PEDRO: Gusto ko pong gumuwapo! Gusto ko pong maging kamukha si Coco Martin!!😀

GENIE. Sige kuhain mo ang bote.

PERDRO: Bakit po gagandang lalake na ako?

GENIE: Hindi! babalik na lang ako sa loob.

Ang korni no? haha.😛

Minsan may mga bagay tayong hinihiling na di na katanggap-tanggap sa sarili at sa lahat, kaya sa ayaw at gusto natin hindi na natin ito  kayang matupad pa. -hanggang pangarap na lang ika nga.

Parang tulad sa simpleng panalangin. Madalas puro hiling na lang tayo ng hiling. Hindi na natin naiisip na sa bawat pagdarasan kailangan nandoon pa rin ang maraming bahagi tulad ng pasasalamat, pagbibigay papuri at paghingi na tawad at syempre hindi nawawala ang paghiling.

Minsan sumasama ang loob natin kapag hindi tayo napagbibigyan. Tulad ko minsan na akong nagtampo.

Pero kung tutuusin wala naman pala akong dapat ikatampo dahil ako rin pala ang gumagawa ng paraan para makamtan ito.

Siguro nagkulang lang ako sa pagsusumikap at siguro nagkulang ako sa pagtitiwala sa kanya at inspirasyon na rin.

Tulad sa isang bagay, pag sobra tayong nag expect na makukuha natin ito.. sa huli pag nabigo tayo napaka sakit tanggapin ang resulta.

Natutuhan ko noon, huwag dapat maging masyadong kampante.

Oo, dapat laging nandoon ang pag-asa pero huwag yung “sigurong*” tila ikaw na ang pinaka magaling na tayo para makuha ito.

Lagi kong sinasabi dito na hindi lahat ng pag-asa laging positibo ang dala nito, minsan ang pag-asa ay siya pang nagdadala sa’tin para maging malungkot tayo.

***

Bakit ba nauso ang salitang “sana”? -ito yung salitang lagi na ‘ting inuunay kapag may mga bagay tayong nais makuha subalit walang kasiguraduhan.

Pero sa “sanang” iyon, sinusundan ito lagi ng “pangarap” na siyang magiging daan para sa sinasabi nating “pag-asa” para makamtan.

Pero hindi lahat ng pangarap ay may katuparan, kaya ang pangarap kadalasan ay nagiging imahinasyon na lang. “imahinasyon” na nagiging katuparan para sa lahat ng ating kahilingan. “Kahilingan” na nagbibigay ng katuparan kahit sa mga katang-isip lamang.

Pero naisip mo ba yung joke kanina sa taas? Imahinasyon din iyon, pero nagagawa tayong pangitiin kahit sa simpleng paraan.

At tulad sa pangarap na mahirap makamtam na nabibigyan natin ng katuparan kahit sa di kapani-paniwalang paraan ay nagagawa nating ngumiti kahit nanaginip na gising ka lang🙂

85 thoughts on “GENIE IN A BOTE”

  1. Tama ka dyan. Minsan nalilimutan na nating magpasalamat. Minsan na-o-overlook natin yung kung ano ang meron tayo.

    Well, guilty din naman ako dyan sa hiling ng hiling. Pero kung hindi talaga para sa akin, then hindi. God knows what’s best for us.🙂

    1. may tama ka kuya rowj.

      hiling lang tayo ng hiling puwede na man yun wala lang ng samaan ng loob. haha.

      minsan lang talaga pag nakuha na natin doon lang tayo magpapasalamat puwede nmang thank you in advance haha. lols.

  2. iba pa rin talaga kung matututo kang mangarap at patuloy na umaasa, nagdadala kasi yun ng kasiguraduhan sa sarili mo na kahit papano, magkakatotoo ang bagay na yun kahit na kung minsan, una itong naisasakatuparan sa isip lang natin.

    Ngayon lang yata ulit ako nakabalik dito.. haha!


    Join Emerging Influential Blogs 2010 and support my entertainment blog: http://www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com! Click here for more details: http://www.myfjordz.com/2010/05/top-10-emerging-influential-blogs-for.html

    1. hahaha oo kulang kulang dalawang buwan din akong nawala noon..

      hehehe tama ka sa lahat ng sinabi mo

      btw, hindi na ako puwede sumali dyan sa TOP 10 EIB 2010🙂

      1. o? bakit naman di ka na pwedeng sumali? Pwede ka namang mag-nominate e ng sarili mong Top 10.

        nga pala, ang Tagalog pala ng email e Sulatroniko? haha! ngayon ko lang nalaman! Tagalog kasi ang blog mo haha!

      1. tanghaling tapat na dito parekoy,
        nga pala sasali ako sa LLM asahan mo antry ko ha kahit hindi manalo.

        hindi pa rin ako maniniwala sa swerte, pinagpala o mapalad yun ang pinaniniwalaan ko.

        kumusta parekoy?
        kumusta na kayo ni __________?
        eheheh

        1. Ahhh kami ni ano… ayos naman… hahaha kayo ni ma’am? lols

          hahahaha . kaw mapalad ako makalyo haha.

          sige asahan ko yan.

          ikaw yung aasan kong sumali sa June 12 hehehe🙂

          sana tagalog lols.

    1. alam ko nga sa takore e. hahahhahaa naalala mo pa yung time quest?

      ganun talaga kailangan hihimasin pa sila.. parang mindsturbation para labasan sila.. este lumabas sila haha

  3. hindi lahat ng bagay na pinapangarap natin dapat matupad… kasi merong mga bagay na di talaga ukol para sa atin… ang importante, marunong tayong magpasalamat kay God sa kung anuman ang meron tayo… (“,)

    (pero God, pwede ba xa na lang? please…)

    1. hahaha naalala ko tuloy yung bruce almighty parekoy..

      lahat nag pray na manalo sa lotto.. ayun nanalo nga..

      at ang resulta?…..

      kaya totoo yang sabi mong di lahat ng pinapangarap ay natutupad.

      1. ako ? hmm seryoso ba tayo ngaun ? (d pa ata ksi kita nakakausap ng seryoso haha)
        madami ako pangarap, pero mula pa ksi nun sanay na ko na d ko un naaabot kaya d ko narin inaasahan na makukuha ko un ,, sanay na ko mabuhay sa regrets, frustrations and disappointments kaya parang ayos lang ..

          1. kaibigang otep .. “the world could offer you lots of things, it could even satisfy your dreams but then you couldn’t expect life to be so beautiful nor amazing if you would have everything .. yet GOD is missing”
            — hangad ko ang katuparan ng iyong mga pangarap
            kung sakali hiling kong balitaan mu ako ha ?:)

              1. hahahah ! imposibleng ma nosebleed ka kasi sa pulso lang nalabas ang dugo ng mga taong emo haha .🙂
                balita lang ? d mo man lang ako aambunan ng biyaya ?

                isa lang nama talaga pangarap ko e .. “ikaw” hahaha

                1. hahahaha adik ka talaga…

                  sige pano yan babae pangarap ko.. ambunan kita? sige tag isa tayong babae lols… ano bang tipo mong babae? haha

                  1. tipo ko ? uhmm chinita tapos un mejo chubby .. hindi naman un mataba, basta lang may laman (wag puro sabaw) haha
                    tapos maputi .. aw . tapos chubby un cheek . sarap pisilin🙂
                    aw! kinikilig ako . haha

                    1. siguro ginitang biik ang hinahanap mo…

                      wag ka masyadong mahilig at kumain ng mataba.. baka ma alta presyon ka..

                      hahaha… maputi? tama baboy nga..

      1. oo nga parekoy
        maiba nga pala

        ako naman gusto sa babae yung maintindihan niya na mas una ang Diyos sa kanya
        tapos magaling maggitara
        engineer
        magdrive

        yun lang po bow!

        ikaw parekoy?

            1. nakow parekoy baka pag inopen ko yan baka tuluyang hindi na ako maka moved on.. nasa 11 months na ako.. konti na lang.. babang luksa ko na😛

  4. @ kua pong – yep yep , teka teka po ha ? magbabasa muna ko

    @ otep – hahahaha ! pede pag natalo ako may kiss sayo ? hahahaha
    bah! luge pa nga ako dun e . hahahahah

    — > ang kulit nyo, mag fflood email ko pag nawala ako, pero ive to go muna
    magpapanggap akong nagttrabaho , may darating na boss^^

    alam ko mimis nyo ko . hahaha

          1. sino ba naman ang hindi🙂
            lagot otep. lagot otep . tama tama !

            beri gud talaga yan si kuya pong .. “maraming nahuhulog sa salita”

            buti pa mga pipi . ipinadadama nalang😀

  5. Magandang umaga parekoy
    dahan dahan
    hinay hinay
    parang slow down school zone
    alam mo sinasabi ko parekoy
    madaming nahuhulog sa salita

    kumusta parekoy?

  6. awww… nakakatama naman ang entry na ito… hehe

    SANA di mo na lang ipinost ito…

    hehehehe…

    nwei, alam nmn natin ang hangganan natin eh kaya tama ka d masamang mangarap pero kung dahil sa pangarap na yan mcra mo ang buhay mo, aba eh ibang usapan na yan…

  7. nice essay otep.

    napag isip mo ako nang mga bagay sa buhay.ang sarap magbasa ng ganitong post.parang self reflection na din at pagtitimbang nang mga nangyayari araw araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s