KAMALAYANG MALAYA: ANG BUWAN SA ARAW


Maaaring I-klik

Nagmamadali.. Katumbas ng tatlong hakbang bawat segundo. Walang anu-ano kung may paa kang maapakang hindi mo naman kaanu-ano.

“Ano bang hinahabol mo?” “Ang kasiyahang karugtong ng pangarap mo? o mga senaryo sa bawat araw na nagpapahirap sayo?”

Sa wakas, nagbunga din ang pagmamadali ko, hindi man ako nakita, nasulyapan ko naman ang taong bumubuo ng bawat araw ko.

Nagmamadali… walang pinagkaiba sa nangyari kahapon, pero ang bawat araw na nagdaraan katumbas ng buwan sa araw, Sa gabi’y makikita mong nakangiti, subalit kabaliktaran naman sa araw. “Nakita mo na ba?” O sadyang ako lang talaga ang nakakakita noong ako’y tumingala para hindi tumulo ang pinanghihinayan kong luha. Kasabay ng paghingi ng awa sa sang-kaulapan na nawa’y tubusin na ang pinagdadaana kong sigwa.

“Ilang buwan na ba?” “Ano bang binibilang mo? mga buwan bang dapat ay magkasama pa kayo? o mga buwang patuloy na nagpapahirap pa rin sayo? o baka naman ang pinakahihintay mo kung kailan matitigil ang pagtibok nito?”

Noon, nakikita ko pa ang repleksyon ko sa tubig dagat kahit gabi pa ito.

Noon, kasing ganda pa ng repleksyon ng buwan sa dagat ang nararamdaman ko. At kawangis ng linaw ng brilyante ang ningning ng tubig habang panatag at kumikislap ang mga ito.

Pero ngayon? nagtataka ako kung bakit kasing liwanag pa rin ng buwan, ang mga ningning ng tubig sa karagatan tulad ng pag-ibig ko.  Subalit di na kasing ganda ng pisikal na nakikita ang nararamdaman ko.

Ang liwanag? katumbas ng isang sangang nakadantay sa dalampasigan may iisang dahon na lang rin na maaari pang hanginin at malaglag.

Ang ningning? katumbas na ng luhang kumikislap subalit di na naaaninag sa dilim ng kapaligiran at patuloy na nalulunod sa sobrang kalungkutan.

Ang payapang tubig? katumbas naman ng mga hikbi sa unan at mga panaginip na nais mong pasukin upang mabigyan ng katuparan ang pangarap mong mayakap s’ya at mahagkan man lang, at doon ay makakaramdam ka ng kahit katiting na pagkakuntento.

Ang tanong, nakakalimot ba ang pagibig?

Ngayon napatunayan ko na ang taong tunay na umiibig kailan man ay hindi mo madadaya ang sarili. At kahit ano pang waksi mo dito, kailan man ay hindi ka lulubayan nito.

Ang kalayaan sa nararamdaman at kaisipan? Hindi tulad sa isang paligsahan sa paunahan at palayuan ng malalangoy, na kung gugustuhin mo ay puwede mong lagpasan lahat ng mga kalaban.

Hindi lahat ng natatalo sa pag-ibig ay nauuwi sa luhaan. Sadya lang talagang may mas nasasaktan. At tulad nga sa isang pelikula na mas mapalad daw ang mas nasasaktan dahil sila ang mas nagmamahal.

At tulad din sa isang kasabihang…

Wala namang maling pagmamahal, hindi mo naman mamahalin ang isang tao kung walang dahilan.  Sadyang may mali lang talagang sitwasyon na kahit anong gawin mong paraan ay kailan man ay hindi mo na ito mapapasakamay”

-Otep

***________________***_________________****_________________****________________

Ang posteng ito ay lahok sa patimpalak ni Ginoong J. kulisap na may temang Kamalayang Malaya.

58 thoughts on “KAMALAYANG MALAYA: ANG BUWAN SA ARAW”

  1. Maaari po bang pakikompleto ang inyong lahok Ginoo?
    Pangalan: Ote
    Lokasyon:
    Ugnay/Link: nandon na sa bahay ko
    Sino ang iyong blogger referral para madalaw ko, yong blogger na wala pa sa bahay ko.
    Maraming salamat po sa pakikilahok.
    Bilang ganti, magpapakawala din ako ng aking akda para sa iyong patimpalak. Hanggang Hulyo pa naman hindi ba?

  2. ehem. hanggang kamalayang malaya ay dala dala mo ang ganitong paksa. wahaha. tama na yan kuya otep. mwah mwah!! :p
    btw, nice entry . gudluck!!🙂

  3. tama ka otep!”Hindi lahat ng natatalo sa pag-ibig ay nauuwi sa luhaan. Sadya lang talagang may mas nasasaktan.” okey nko pero pag nkkbasa ako ng mga ganito npapabuntong hininga ako! ehehe..

    nga pla ang ganda ng kasabihan na cnb mo… at uber agree sayo!😉

    ganda!

  4. dapat pantay ang pagmamahal
    naalala ko yung movie nina JL at SG yung a very special love at yung isa pa

    kumusta naman yung lablayp natin parekoy?

    1. oo naman.. yung bhe bhe ko.. at ang sun dance? hehehe..

      nagawa ko na rin yun. parang kailangan mong mag give-up ng isang bagay para sa kanya…

      kaso ang masakit hindi nagiging worth it.

          1. di bale parekoy ang mga hitsura natin ang hinahabol talaga ahahahahahah

            date nalang tayong dalawa kapag umuwi ako diyan at nanalo ako sa pakontes mo

            hayaan muna natin ang mga J sa buhay ahahah

            1. loko ka ha. parang sinabi mong halimaw talaga ako nandamay ka pa. hahaha

              oo ba.. basta libre mo hahahaha..

              makakapaghintay naman ang J ko.. kaya mag jj na lang muna ako mag isa., Nyahahhaa

  5. otep . adeek! hahaha wala ako masabi, sana may kontes pasayahn ng entry haha
    ikaw ang gusto kong sumali dun.😀

    sa totoo lang? no one notice even if im sad, so might as well be happy and do myself a favor, live a life free from all heartaches and pain haha yan pinanghawakan ko nun nasa panahong pinaikot ko ang mundo ko sa iba😀

    gow gow otep! kaya mu yan^^

    1. hahaha kung pasayahang contest? mukhang talo ako nun…

      pero itatry ko pa rin sumali para sayo.

      naks.

      may ganun talagang tao.. maski naman ako sa personal kala ng ibang tao ang saya saya ko pero alam mo yun deep in side hindi.

      gow gow gow din geylii.

      1. di naman masyado nakarelate lng ako kc parang ganyan din ang pinagdadaanan ko ngayon:-)

        tagay na lng tayo tol! kampai!!!

  6. pag-ibig nga naman oh. hehehe. isang panibagong mahusay na akda. hindi naman natin kailangan ng dahilan sa pag-ibig eh basta ang alam mo lang mahal mo siya. kaya mo yan otep…. go… go… go….

  7. Naka naman daw yun oh! Lab is in the hair! Nyahahah! Galing nung kasabihan mo! Belated Happy Father’s Day pala sa’yo tol! Heheheh

  8. Wala namang maling pagmamahal, hindi mo naman mamahalin ang isang tao kung walang dahilan. Sadyang may mali lang talagang sitwasyon na kahit anong gawin mong paraan ay kailan man ay hindi mo na ito mapapasakamay

    <<<< ganda nito otep… ang galing talaga.

    salamat sa pagsali sa Pasiklaban.

  9. Naks naman. Ngayon na lang ako ulit nakabisita sa lungga mo. May bago nga pala akong pinagkakaabalahan ngayon. Kung may oras ka, bisitahin mo na lang ah.🙂

    Ganda mo talaga magsulat!

  10. Naks naman. Ngayon na lang ako ulit nakabisita sa lungga mo. May bago nga pala akong pinagkakaabalahan ngayon. Kung may oras ka, bisitahin mo na lang ah.🙂

    Ganda mo talaga magsulat!🙂

  11. siyang tunay! minsan di ko rin maintindihan na yaring mga totoong ngmamahal ang laging nasasaktan… bakit hindi ito matumbasan ng mga taong pinaglalaanan…

    ang ganda nito otep, sigurado maraming nakarelate.

  12. habang binabasa ko ito tila bang mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. marami ngang bagay ang di mo kontrolado lalo nat pagdating sa pag-ibig.

    nakaka inis lang kasi na kadalasan ang saya laging may katumbas na lungkot. di pa nangyari na puro saya lang. hindi ko alam, pero sa pagdaan ng panahon kahit gaano pa kasinag at katatag ang tayo ng buwan tila ba nagiging malabo na rin ito sa pakiramdam.

    habang tumatagal na nakikita ko ito mas sumasakit ang idinudulot nito. kelan ba magiging patas ang pag ibig sa tao? haaay…

  13. Maraming nakarelate sa akda mong ito.
    Medyo napahaba pero isang maganda at makabuluhang pagsasatitik ng laman ng isip tungkol sa buhay pag-ibig, matagumpay o bigo man ito.

    hi Otep

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s