WELCOME AND GOODBYE


Natatawa na natutuwa talaga ako sa mga Pinoy, biruin mo kada taon na lang may innovation ang mga paputok . Parang mga gadgets lang! Kung ang cellphone may iphone, 2, 3 at 4; ang paputok naman ay may Goodbye Philippines, Goodbye Earth at Goodbye Universe. Ano pa ba susunod sa Universe? haha.

Bagong taon na! Kasabay ng mga nasunog ng pera na pinambili ng paputok. hehe yaan mo na minsan lang naman sa isang taon ang new year celebration, walang wala  sa kasiyahang hatid nito lalo na kung kasing dami ng fireworks sa MOA ang binili mo. haha.

Pero alam mo kung anong maganda sa bagong taon? maliban doon sa sama-sama kayo ng pamilya mo at maraming kainan. napakarami kasing tao ang nabibigyan ng bagong pag-asa. Katulad ko, hindi man gaano ka-perpekto ang pagdiriwang ng taon namin, kahit na nagpapa-uto pa rin akong tatangkad ako sakaling tumalon ako sa pagpatak ng alas-dose, napaka-positibo pa rin ang hatid sakin ng pagpasok ng bagong taon.

Hindi man natutupad lagi ang new year’s resolution ko, pero ang sarap pa ring mangarap para sa bubunuin mo na namang isang buong taon.

Ayaw ko nang mangakong hindi na ako magiging magastos, ayaw ko nang mangakong hindi na ako male-late sa opisina, ayaw ko ng mangakong hindi na ako magiging matampuhin at emo, pero gusto ko pa ring subukan M3! (MALAY MO MAG-WORK!) haha.

GOODBYE:

Hindi ko masasabing worst year ang 2010 para sa’kin, sa totoo lang mas malala pa rin ang 2009. Pero sa pagtatapos ng bagong taon, maganda pa ring isipin natin ang lahat ng mga hindi kagandahang naganap noong mga nakaraang buwan at mga araw na iyon. Simple lang naman kung bakit, nagiging gabay at aral na kasi ito sa’tin kung paano natin ito panghahawakan sakaling mangyari uli. tamah!? thamaaaaaaaaaaah!! haha

WELCOME o REWELCOME?

Dahil sa gusto ko nang magsimula, hayaan n’yong ire-welcome ko ang sarili ko dito. Sa Totoo lang sobrang nangangati na ang mga daliri ko, gusto nang magbulaslas nito. Gusto ko muling mag tala ng mga anik-anik sa buhay ko. Hindi man kayo interesado sa buhay ko, pero ang sarap-sarap kasi ng pakiramdam kapag nakakapag kuwento.

Tuloy pa rin ang pangangarap mga Ka-Pangarap!🙂

18 thoughts on “WELCOME AND GOODBYE”

    1. Wow unang una ka! paano mo naman nalaman agad

      stalker ka talaga. charot lang haha..

      oi. penge ako ng pic natin sa SBA. ang liit kasi ng pic natin dun.

  1. How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. We, WordPressers must have this on our blog.

    Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging {[your blog URL]

  2. Hey hey hey! Welcome back. Matagal-tagal ka ring nawala ah. & we thought, di ka na babalik. Asus, namiss mo ang blogging ‘no.

    Happy 2011 to you!

  3. o eh kumusta naman ang new year mo, otep? ilang beses kang nagpaputok? lol!

    sabi na’t babalik ka rin. mabuti na lang at hindi ko tinanggal ang link mo sa datkom. welkam back parekoi! \m/

    1. HAhaha😀

      minsan parekoi kailangan din natin ng kadramahan sa buhay..

      na miss ko lang ang blog, mag ha-haitus din ako sooner lols.

      salamat parehoy Happy New Year!!

      btw, nagpaputok ako, kaso supot. haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s