TAGONG KULANGOT


Habang isinusulat ko ito, kasalukuyan din akong nangungulangot.. teka lang ha…

ayaw pa din e!

hahaha.๐Ÿ˜›

Imaginin n’yo na lang ako habang ginagawa ko yun —tingin dito ————–>

Ang totoo n’yan, may naaalala lang talaga akong banat:

Boy: Miss Kulangot ka ba?

Girl: Tse! Bakit naman?

Boy: you lili lili hard to get kasi! (korni๐Ÿ˜€ )

WINDOW SHOPING

Habang naglalakad ako sa loob ng mall nakita ko nga yung tidi ber na nasa taas. Ewan ko ba! pero nung nakita ko yun may naalala akong tao, nagkataon lang na may laman wallet ko kaya iyon! nabili ko sya ng de oras.

Ang totoo n’yan wala naman talaga akong balak ipamigay yun, kaso noong araw na yun napag-alaman ko na libre lang pala ang gift wrap sa SM kaya iyon pinabalot ko may kasama pang kard. -sayang kasi!

Noong gabing iyon pilit na nagsusumiksik sa utak ko yung taong naalala ko nung nakita ko si tidi ber. Ewan ko ba! hindi ko naman gusto yung tao pero naiisip ko s’ya.

Ilang araw ding nasa bahay yung regalong yun. Sa tuwing nakikita ko yun naaalala ko na naman sya.

Hindi ko na kinaya yung paulit-ulit na senaryo kaya ginawa ko binigay ko na lang sa taong ‘yun.

Pero bago iyon, sampung beses muna ko nagpatambling-tabling kakaisip kung paano ko yun ibibigay sa kanya. Buti na lang may common friend kami kaya iyon pinabigay ko sa kanya. Alam kong magtataka yun kung bakit ko bibigyan ng gift friend n’ya. Kaya iyon napasubo ako binilan ko din ng regalo ang mokong. Sabi ko na lang “Lahat kayo may regalo sakin” kaso kaeplingan lang yun. Silang dalawa lang ang meron.

Matapos nun, natahimik na ako kaso yung mga common friend naman namin ang hindi nanahimik. Na isyu tuloy ako na may gusto talaga sa kanya. Ayoko pa naman sa lahat yung na bu-bully!

Dahil doon di ko na s’ya pinansin.

Ang ewan ko no? tatlong beses na nga s’ya nag thank you sa text pero hindi ko pa rin nare-replayan. nahihiya talaga kasi ako. Alam ko iniisip nya na gusto ko s’ya.. Pero ang totoo ngayon…? ewan.

Hindi ko pa pinapangarap ang mainlab sa ngayon. Natatakot kasi ako baka umatake na naman ang kaemohan ko.

Okey na yung ganito, pinapasakit man n’ya ang utak ko sa ngayon,ย  hindi naman nya magagawang masaktan ang puso ko.

Tadtad yata ako ng shield kaya walang dapat makapasok๐Ÿ˜›

29 thoughts on “TAGONG KULANGOT”

    1. hindi ako inlove! hinding hindi!

      hohoho..

      puwede namang maging silent lover o kaya magka hidden love.. pero hindi ako inlove!๐Ÿ˜› (galit?) toinks!

  1. Wow pare it’s nice of u to give her a tidiber! THe best ginawa mo and i dont see anything wrong with it. Say a simple welcome sa text ng binigyan mo. Nothing wrong with it. Sana maging masaya kung saan man mag ending ang kwento mong ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s