‘SANG BANDILA.. WHOAA HO HO HO..


Intro muna ako: …whoaa ho ho ho..

Nalulungkot na ewan ako, di na kasi ako nakakapanood ng Bandila -favorite news program ko. Kaya napapa -whoaa hu hu hu na lang ako.. mula nang mangibang-bahay na ‘ko. Wala kasing TV sa tinutuluyan ko.

Ikukwento ko na lang kung bakit gustung-gusto ko ‘to.

Mula ng magsimulang bumandila sa telesbisyon ang tinutukoy kong news program tila napako na ako sa pagsubaybay dito. Bukod kasi sa hindi naman talaga ako nakakapanood ng primetime news dahil nasa opisina ako sa mga ganoong oras, napakagaan kasi nitong panoorin sa paghahatid ng balita. Hindi tulad sa balitang napakaseryoso kahelera ng mga primetime telenovela’t teleserye.

Noong unang format ng Bandila, halos wala din namang pagkakaiba sa  TV Patrol. Kung meron mang pagkakaiba, ito ung opening theme nila na: Whoaa ho ho ho :)  na sa unang pagkakaton gumamit ang isang news program ng isang opening theme mula sa isang banda. -Astigin kung baga.

Sa unang format din ng Bandila, halatang scripted naman ang kunwaring pagku-kuwentuhan nila Henry at Ces sa intro ng ibinabalita nila, Keri naman nilang dalawa.

Malaki na ang pagkakaiba sa unang format ng Bandila sa format ngayon. malaya nang mag-usap at magbahagi ng simpleng opinyon sina Karen, Julius at Ces. Malaki na rin ang naibabahagi ng mga viewers sa pagbabandila dahil napaka interactive na. Sa simpleng twit lang magkakaroon ka na rin ng instant na boses o opinyon tungkol sa kasalukuyang isyu., sa buong mundo.

Anila, ang tatlong anchors daw sa Bandila ang sumagisag sa tatlong bituin sa watawat -malawak na pagbabandila.

Sa pagbabalita naman tila ang Text, Tweeter at Facebook na ang mga bagong sumasagisag sa pagbabalita. Napaka bilis na kasing sagutin ang mga katanunganng; ano, sino, saan, kailan at bakit may karagdagan pang -opinyon.

Pero kung may kinakainggitan man ako sa programang ito, ito yung mga gadgets nilang tatlo. Gusto ko na rin magkaroon ng MacBook at ipads hahaha. Gusto ko rin makapag twit ng ganoong oras at makasali sa discussion nila, baka sakaling mabasa.

Kaso sa ilang taon kong pangangarap na magkaroon ng ganoon mukang napakalabo pa rin ngayon. hahaha.

Bukod sa pangangarap ko magkaroon ng ganoon, pangarap ko na rin silang makatrabaho. Sooooooooooo Astig!

24 thoughts on “‘SANG BANDILA.. WHOAA HO HO HO..”

  1. Hahaha. Natawa naman ako dun. Gusto mo na silang maka-trabaho? Pero sabi mo nga, libre naman ang mangarap!😄

    Pero love ko talaga ang mga news programs. Ewan.

  2. hmn.. maganda nga ang bandila… favorite ko rin si karendavila..😀 hahahaa… medyo nao oa -ahn lang ako kay julius… pero.. astig ung mga banat nila sa mga networking sites.. heee.. ibang batak.. hmn..

    ang ganda meron ka na ring sariling bahay…

    *lingon lingon*

  3. naku yang si henry na yan, kilala ko yan. kung maka sigarilyo yan nagmamakawa lungs nyan. hihi. para sa akin ayoko naman ng bandila, lame kasi at hindi ako masyadong nagkakainteres sa opinyon nilang tatlo lalo na kay ces. hindi ko alam kung bakit. saksi pa rin talaga ang pinapanood ko. kapuso kasi ako. hahaha. pero okey na rin. yun lang.

  4. di ko pa napanood ang new format ng bandila, kasi dito ang live news lang ay ang tv patrol which is around 1:30pm onwards RUH Time, pero pag-uwi yung recorded ipinapalabas naman bandang 7pm yata. di ko alam kungumeere ang bandila ng recorded sa TFC.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s