pnr-ticket2

DAANG BAKAL


Ayokong pag-usapan ang badnews dito sa blog ko, pero iinisin ko muna kayo ng kaunti hahaha.

Hindi na naman lingid sa inyo na mag tataas na ang pamasahe sa LRT at MRT.

Mula sa dating pamasaheng 15-20 pesos, asahan na daw natin ang 50-100 porsyentong pagtaas nito. Sa pinakamadaling paliwanag dodoble na ang 15 pesos sa 30 pesos. aw.

Pero hindi naman talaga yun ang ikukuwento ko ngayon. Hindi na naman kasi ako madalas gumamit na ng LRT at MRT mula noong sa Maynila na ako nagtrabaho mula sa dating opisina ko sa Makati.

Pero aminin na natin na isa ka sa apektado at syempre apektado din ako no,  sasakay at sasakay pa din naman kasi ako ng LRT at MRT sa ibang pagkakataon.

Anila, ang mga tren daw ay isa mga sumisimbolo na umaangat ang isang bansa, napapabilis kasi nito ang transportasyon na higit na kinakailangan para sa mabilis na pagtakbo ng ekonomiya. Syempre tao din naman ang kumikilos para sa ekonomiya. At bilang tao, tao din naman ang gumagamit nito. Ano daw? hahaha nagulumihanan ako.

Sa ibang banda, importante ang mga tren tapos.

Kamakailan, umuwi ako sa Cavite, syempre dahil uuwi ako ng Cavite dadaan at daan ako sa Alabang.

hindi naman ito ang una kong sakay pero buhat noong natuklasan ko ‘to, isa na ako sa tumatangkilik dito.

Mula sa España sa Sampaloc Maynila, naisipan kong mag PNR (Philippine National Railway) wala lang gusto ko lang ma-try uli.

Nakakatuwa, Kasi mga bago ang tren (de-aircon). malayung-malayo na sa mga bulok at tila basurahan, dahil trip itong tapunan ng nakaplastik na basura ng mga nakatira sa illegal settlement noon.

Ayun. Isa pa pala yun! Wala nang squatter area sa paligid. Ito na yata ang pinaka nagustuhan ko sa proyekto ng nakaraang administrasyon.

Kumportable ang biyahe, hindi nagtatagan ng maraming minuto ang tigil ng tren sa bawat istasyon. Bukod doon, kumportable pa sa bulsa🙂

Mula sa Alabang (sa likod ng Starmall) hanggang EDSA station 10 pesos lang.

Mula naman sa Alabang hanggang San Andres station 15 pesos lang.

At Mula sa Alabang Hanggang España 20 pesos lang, yun pa lang mga nasasakyan at nabababaan kong stations kaya yun lang alam kong eksaktong pasahe.

Wala na mang balita na kasama ang PNR sa magtataas kaya isang malakas na tawa! BWuahahahaha!😀

Pero kung tutuusin napaka-laking tipid talaga. Imaginin mo ang pamasahe sa bus mula Taft (Pedro Gil) pag sumakay ako ng bus doon papuntang Alabang 35 pesos na agad. Ang laking tipid talaga.

Pero ang kinakatuwa ko doon, napakabilis ng biyahe. Ang dating nilalakbay ko na humigit kumulang isa’t kalahating oras papuntang alabang (depende pa kung magpapapuno pa ang bus o matatrapik) ngayon ay mahigit kalahating oras na lang.

Wala kasing traffic at toll way sa daang bakal. hehe

Pero napansin ko lang sa mga tren, marami ngang security sa loob ng tren at bawat istasyon pero hindi naman ganoon kahigpit ang seguridad. Sa ticket palang, kung gugustuhin ko ngang bumaba sa ibang istasyon hindi ako mahahalata sa na ganun ang halaga ng ticket ko, dahil hindi naman madalas ang inspeksyon ng mga ticket (parang bus ticket lang). Hindi rin ini-inspeksyon ang mga bagahe, kung may mga inspeksyon man, pahapyaw lang.

Malaki ang tiwala ng tagapangasiwa ng PNR sa mga pasahero nito.

Iniisip ko din na sana ginawa na lang nilang magnetic card ang PNR.

Sana marami pang makatuklas ng PNR lalung-lalo na doon sa laging bumabiyahe papunta at palabas ng Maynila -ang laking tulong kasi!.

Alam n’yo may matayog akong pangarap para sa mga tren ng bansa… yung mala tren ng Japan -pinakamatulin na tren sa buong mundo. astigin yun mga parekoy. haha ambisyoso lang.

Kung sisimplehan ko naman ang pangarap ko para sa mga tren, sana hindi na lang magtaas😦 at kung magtaas man sana mas gumanda ang serbisyo.

Yung tipong walang bumabagsak na pinto (may naalala tuloy ako haha, ibang kuwento na yun), ‘yung… hindi na nagiging siksikan dahil panay naman ang dating ng Tren… May mas mahigpit na securidad.. may mga xray machine (ba tawag dun? ) para sa mga baghahe ang lahat ng istasyon.

Ayos ang mga speaker ng tren -mga buzzer para hindi nakakarinde sa tenga. May mga maayos na palikuran, hindi yung ilang istasyon lang.. yung tipong kapag natae ako hindi na ako pupunta sa mall.

at kung anu-ano pa! sana nga maging worth it ang magiging karagdagang bayad ng mga mamamayan na tumatangkilik sa pinaka mabilis at pinaka abot kayang transportasyon sa mga siyudad ng Kamaynilaan.

41 thoughts on “DAANG BAKAL”

  1. Yan ang hindi ko pa nasasakyan. Kelan kaya ako magkakaroon nang pagkakataoon na makakasakay dyan. LRT and una ko nasakyan. Token pa ang gamit noon. Ngayon hindi ko alam ang logic kung bakit kailangan itaas ang presyo. Umuuland nga ba tayo or sila lamang nag papatakbo nito ang umuumlad. Malaking bagay para sa akin ang transportasyon sana kahit dito makatipid tayo.

    1. talaga? tara minsan isasakay kita dun🙂

      sabi kasi nila men, malaki na daw ang sina-subsidies ng gobyerno.

      ibig sabihin malaki na adaw ang inaabono ng pamahalaan sa gastos ng LRT at MRT..

      parang Bigas.. kunwari (kunwari lang ha) ang halaga ng NFA na bigas ay 14 na sa pamilihan. pero ang totoo 16 pesos ang bili ng pamahalaan sa mga magsasaka. Inaabonohan ng pamahalaan ang 2 pesos kada kilo para maging abot kaya sa mga mamimili.. abot kaya pa nga ba?

      Ganoon din sa pasahe at LRT.. kung 15 pesos ang bawat ticket sa LRT hindi iyon ang tunay na halaga nun dahil si-subsidies ng pamahaan ang iba.

      Isa daw sa nakikitang paraan ng pamahalaan, ang mabawasan ng sabsidiya ang isang partikular na serbisyo sa mamayan para mabigyan naman ng ibang pansin ang ibang pang aspetong pangangailangan.

      yun ang pagkakaintindi ko ha. haha.. nagulumihan ako uli.😛 haha

  2. ako pangarap kung magkaroon ng railway ang buong mindanao, mas convenient samin, lalo na pala sakin na madalas umuuwi sa probinsya, mas tipid nga rin sa pamasahe, at malamang na instead na 9 to 10 hours ang travel baka bababa sa 4 to 5 hous..haaays!

    1. ay oo nga no…

      sana ang riles kunektado na sa buong pilipinas. may tatayog pa pala sa pangarap kong mala-japan na tren.

      tapos men mas astig kung under water yung tren. astig!

  3. Walang kinalaman ang koment kong ito sa post mo. May baranggay sa Los Banos, ang pangalan ay Daang Bakal, kapag pumunta ka dun semento naman ang daan. Nakakatanga much.🙂

  4. may picture talaga yung ticket ng PNR. hehe
    wish ko lang may PNR din from Manila to Cabanatuan para hassle free.😀

    1. oo wish ko din yan.. sana may tren na sa lahat ng lugar.. lalo na yung malalayo.. san pala ang cabanatuan? hahaha..

      ang kewl kasi ng ticket ng tren, parang ticket lang ng bus. hahaha

  5. hello. mahigit 20 years ko nang pangarap makasakay dyan, hanggang ngayon di pa natutuloy. :-

    maigi’t na-feature mo ‘to. tama ka, subsidized ang cost ng pagsakay sa tren at pati presyo ng koryente sa dating admin. politics, baga? para pangontra sa negative popularity rating.

    kung singganda nga ng sabi mo ang PNR [aircon]at 30 lang hanggang alabang e, ano pang ginagawa ko’t di ko subukan? :s

    pero, ano nga palang gagawin ko sa alabang?😀

    1. naku men.. 20 lang ang pinka mataas ng pasahe sa PNR.. yung 30 pesos… ayun yung posibleng maging patong sa pasahe sa MRT at LRT.. hindi naman daw magtatas ang PNR.

      try mo! hahaha

      san ka ba nanggagaling pag pumupunta ka ng Alabang?

      hahaha marami naman mall sa alabang.. puwedeng mamasyal.. sa STARMALL laging sale…🙂

  6. di pa ako nakasakay ng tren (PNR Operated) sa atin. dito ang mga train station parang airport lang, dadaan lahat ng mag bagahe sa xray machine at kung anu-ano pang security measures (even pala sa mga bus stations nila ganun din) eniwey, sana nga irevive ang mga trains, sa pampanga stretch going to north ay may mga riles ng tren kaso di na sila nag-ooperate cut na yata ang riles.

    1. pero men pagkakaalam ko inaayos na din yung tren na biyaheng bicol express.. gusto kong makapunta ng BICOL gamit ang tren.. sana puwede na sa lahat ng lugar, para kahit san puwede makagala. haha

  7. may byahe din sila dati na provincial.mula binan sa laguna hanggang bicol yata pero sa ngayon wala muna dahil sa mga renovation na ginagawa. ninanakaw kasi yung mga bakal sa riles.sayang….mura pa naman at mabilis.

  8. Naku Otep pangarap ko rin ang pangarap mo para sa mga tren natin. Sa Balintawak kasi ako nakatira tapos sa Mandaluyong nagtatrabaho kaya napakalaking tulong talaga ng tren (MRT sa lagay ko). Hindi ako pabor sa pagtataas ng presyo dahil naniniwala ako na isa ang transportasyon sa dapat binibigyan ng subsidy ng gobyerno (kasama na ang edukasyon, kalusugan, at agrikultura). Tingin ko talaga may kumita/nagbulsa na naman ng pera kaya magtataas ng presyo ang MRT at LRT.

    Never ko pa na-try ang PNR. Although nakita ko yung estasyon sa may Laong Laan eh mukhang maayos nga🙂

    1. tama katherine makibaka! huwag matakot! hohoho

      tama ka sa mga sinasabi mo..

      try mo ang PNR sobrang gandang experience.. try mo lang kahit wala ka namang pupuntahan hoho.. sama mo na rin friend mo para may kasama ka. hehe..🙂

  9. otep! bigyan mo kami ng praktikal tips about PNR ha? medyo promotion pa ito eh. hahaha! (request mode lang)

    cute yung layout mo ngayon, wag mo na palitan,toink!

  10. di pa ko nakasakay ng PNR. huli kong nasubukan ay sa luma pa nung college days. hehehe… gusto ko sana subukan kaso parang may sched yata ang pagdating/alis ng tren, hindi sya tuluy-tuloy. tama ba?

    1. uu men.. every 1 hour po ata.. minsan sa isat kalahati pa.

      kasi nung nasa alabang ako.. 12pm, tapos 1pm tapos yung next train 2:30 na,..

      try mo pa din..

      sana nga meron na hanggang bicol🙂

  11. nagpunta kami sa isang family event dun sa may malolos, bulacan. may ginagawang PNR dun. base dun sa itsura ng painting/picture depiction ng future ng project, parang bullet train e.

    just sharing. welcome back. again.

  12. Sana mag expand ang PNR. Pero marami pa rin akong nakikitang mga illegal settler sa mga daan. Itong Tren ang kailangan ng ating nasa na maimprove to the max para mapaenganyong sumakay ang mga tao. Para na rin mabawasan ang mga jeep at mga bus na nagdudulot ng sobrang perwisyo sa daan. maituloy sana maayos ang mga bus system natin. Para kasing mga langam at kanya kanya silang mga lusot kung saan saan. Kung matuloy sana yung Philtrak, malaking tulong ito sa pagresolve ng ating mga traffic. panoorin mo sa youtube type mo “philtrak infrastructure & bus rapid system”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s