MOMMY SELVER


<—- picture namin yan ni Mama, wala pa daw akong isang taon dyan.

Ilang beses ko na nakwento dito si Mama . Ewan ko lang kung naaalala pa ng ibang readers ko yung kwento tungkol sa TV commercial ng Clear Shampoo.

Ginaya ko kasi noon si Rain sabi ko.. “my name is Rain… “

maya-maya narinig ko na lang si mama noon … “my name is Nicole” haha.😀 lumagpak ako nun sa kakatawa. haha..

Nakuwento ko na rin dito yung tungkol sa mga nareregalo ko sa kanya tuwing pasko, silver na hikaw, silver na relo.. kaya natawa na lang ako noon nung binigkas nya ang “puro selver na lang, mukha na akong selver” haha..😀

Ang totoo n’yan hindi naman talaga nakakatawa ang ikukuwento ko ngayon. medyo nagi-guilty kasi ako sa mga pangyayari.

Noong pasko, nakaligtaan kong bigyan ng regalo Mama ko, inisip ko kasi na okay lang naman, kung siya ‘yung huli kong bibigyan, dahil maiintindihan nya naman ako.

Ayun, lately ko na lang nabigyan ng regalo Mama ko -isang pink na jacket mula sa BUM Equipment para bagets ang dating.

Alam n’yo, sobra akong na guilty.. sobra kasing na excite Mama ko, naisip ko na kahit anong bagay pala ang ibigay sa isang Ina basta mula sa isang anak, wala pala iyong katumbas.. ewan ko ba basta ganun yung naramdaman ko habang nasa kamay n’ya iyon. Mas lalo na nung nakatulugan n’ya iyon habang suot na may label at sticker pa.

Noong gabing iyon, napaisip ako sana pala si Mama na lang ang inuna kong bigyan.😦

– o – o – o – o – o – o –

Hindi na ako nakatira sa mama ko ngayon, pinilit kong mapag-isa at kung saan na lang tumira. Natatakot kasi ako sa sitwasyong, iiwan na ako ni Mama tapos hindi ko magawang tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko naman -sa pinaghahandaan, gusto ko lang talagang matuto at huwag magpaalaga na.

Ganoon pala ang pakiramdam pag malayo sa nagiisa kong magulang, yung tipong mas nararamdaman mo ang kalinga ng isang ina kahit hindi ka nya pisikal na naalagaan.

Mas nadadama mo ang pangaral sa text kaysa sa personal.

tulad noong nakaraan nag text s’ya sa’kin:

reply ‘to ni Mama tungkol sa text ko sa kanya, na kaya ko na sarili ko kaya wag na s’yang mag-alala. -na kaya ko na ang lahat.

Alam ko ‘di ka makakatapos kung bobo ka, ang akin lang, habang nabubuhay pa ako, ipapaalala ko sayo ang dapat. Di ba kasi kapag nag uusap tayo galit ka kaagad parang lumalabas na wala akong kuwentang Ina. Di kita kayang pagsabihan. Grade 6 lang ako, hindi ako nakapag High School, mahina ang diskarte ng maglang ko. Ako kahit ganito, gusto ko makatapos kayo kahit maglabada, kasi kapag walang alam sa ngayon kawawa ka di ba?. Di ka makakakilala nang mga mataas na may pinag aralan. Isa ako sa mahirap na nilalang, pambili lang nang papel ako pa ang naghahanap pero kayo ni minsan di ninyo pa naranasan ‘yan. Ngayong kumikita ka na, napupunta lang sa wala. Pagdating nang araw baka magsisi ka, ang mga araw na dumadaan di na bumabalik pero ang tao tumatanda at nanghihina. Nagpapaalala lang ako sayo  baka sakaling maisip mo na “kahit ganyan si Mama, tama rin pala” Goodnight. Sweet dream.. Paalala sa tao naliligaw nang landas di na maalala ang Diyos. Bye

-Isang malaking Aw!

Aktwual na text yan ni Mama, short cut yan.. binuo ko lang yung mga words.

Ayako na nga. tatapusin ko na ‘to naiiyak na ko. :(  (seryoso)

Basta masasabi ko lang, wala din namang anak na hindi nangarap para sa magulang nang kaginhawaan.😦

22 thoughts on “MOMMY SELVER”

  1. Naiyak ako😥

    May sakit kasi ako ngayon, gusto ko ng sinagang… Pero dahil malayo ako sa pamilya… Itutulog ko na lang ung mainit na sabaw😦

    Sundin mo ung pangaral ng mama mo… Mamimiss mo yan pagwala na sila sa tabi mo

  2. maswerte ka pala at nariyan pa ang mama mo. alam mo habang buhay pa sya. alagaan mo sya, iparamdam mong mahal na mahal mo sya. walang katumbas yun magulang lalo na sa mga mangungulila.

    magiging magulang ka rin balang araw, at yun ang isa sa mga ayaw mong mangyari…ang makalimutan at mapabayaan ng mga anak mo. simpleng i love you, at simpleng yakap. masayang masaya na ang mga magulang dito.

    magulang din ako, at pinagsisihan ko na minsan di ko naibigkas ang salitang iloveyou sa mama ko.

    its a good read. i reminisce something in my past.

    1. tama ka.. yung simpleng i love you lang hindi ko pa masabi.. pero kung may pagkakataon, nababanggit ko din naman yung sa text.

      minsan, parang nakakatakot na rin maging magulang baka bumalik sakin lahat ng pinaggagawa ko sa magulang ko nun. -karma ba.

      sabi nga nila walang unang pagsisisi ito’y laging nasa huli..

  3. kuya otep
    lam mu ba
    ung unang gabi pagkatapos nung kasal namin
    tumira na agad kami sa sarili naming bahay.
    tapos, iyak ako ng iyak pagkatapos namin magbukas ng mga regalo…
    kasi namimiss ko na agad ung bahay namin.
    namimiss ko na agad ung mga kapatid at magulang ku.
    sobra.
    kasi lagi nila akong inaalagaan.
    nakakarelate tuloy ako.
    nakakaiyak.
    kainis.
    love na love ka ng mama mu.
    love mo rin sya ha.🙂

    1. maka kuya ka naman ate Zrya… 17 pa lang ako lols.

      ganun talaga., hindi habang buhay kailangan nating dumipende sa mga mahal na ‘tin sa buhay kasi hindi naman sa lahat ng panahon katabi na’tin sila.

      kung hindi naman natin tatanggapin ang lahat paano tayo matototo di ba?

      mahal ka din ng mama at mga kapatid mo ate Zyra..

      at alam kong mahal na mahal mo din sila.. ♥♥♥

      lab lab lab.

  4. bigla ko tuloy naisip ang mommy ko sa probinsiya. madalas din kaming nagtatalo ng ermat ko dati. konting maliliit na bagay lang naman. ilang beses ko na rin siyang napaiyak, suwail kasi akong anak. pero, at the end of the day, hindi mo pa rin naman maikakatuwang ina mo ang kaharap mo at siya ang nagpalaki sa’yo. at mangingibabaw ang pagmamahal kesa sa kung anupamang shit na nararamdaman mo para sa kaniya.

    haaist…napaka-seryoso tuloy ng comment ko. ang seryoso kasi ng post mo, otep. lol!

    1. amp. once ko lang nawaga sa mama ko yun.. iyak talaga, nag away kasi sila papa at mama dahil sakin..

      maikuwento ko nga dito sa susunod..

      basta talaga usapang ina maraming nakakelate.

  5. Matagal na akong nagsarili mamuhay, mula noong nagtrabaho na ako. At feel na feel ko ang text ng mudra mo. Ang mga nanay talaga parang nobela kung makapagtext. Otep naman! Sa ganyang pangaral hindi lang dapat jacket ang iregalo mo!

  6. nakarelate ako… hahaha.. naiyak ako at natawa ako sa mga sinabi ng nanay mo. naiyak kasi naramdaman ko ang pagmamahal ng nanay mo sayo. Nakita ko ang pangungulila niya sa isang anak niya at ikaw yun. Natawa ako dito

    “bumabalik pero ang tao tumatanda at nanghihina. Nagpapaalala lang ako sayo baka sakaling maisip mo na “kahit ganyan si Mama, tama rin pala” Goodnight. Sweet dream.. Paalala sa tao naliligaw nang landas di na maalala ang Diyos. Bye”

    kasi kala ko kami lang ang nakapansin pati nanay mo pala. Sabi nga Mother always knows best. Minsan may point at may mali din sila pero mas marami ang tama sila.

    Isa sa kinakatakot ko talaga ang mawala ang nanay ko. Kasi siya ang talaga ang unang GF ko. hehehe.. Unang babaeng sobrang minahal ko… Parehas tayong lumayo kasi katulad mo takot din ako. Hayss… Tama ang ibang nagcomment at kahit ako yun din ang sasabihin ko. “Enjoy the days na makakasama mo ang mga magulang mo kasi pagwala na sila hahanap hanapin mo bawat segundo na magkasama kayo…”

    Ako mis ko na ang dati kasi mas sweet kami sa isat isa pero ngayon kasi busy ako at busy din siya + may bagong bf na ang nanay ko…. huhuhuhu😦

  7. Nakakarelate ako. Ganyan din kasi ang Nanay ko, maraming paalala at bilin.. Tapos tayo namang mga anak, mahilig sumagot sa magulang at ayaw ng pinagsasabihan.😦

    Hindi ko pa nabibigyan ng kahit anong regalo ang nanay ko, sana makatapos na talaga ako ng pag-aaral. Gusto ko siyang I-treat sa kahit saan pang resto at pasyalan…

    1. wow yun na man e.

      lahat naman tayo may pangarap sa mga magulang natin..

      na balang araw magagantihan din natin lahat ng kabutihang ipinagkakaloob nila satin..

      Mahalin mo ang ina mo!
      Mahalin ko ina ko!
      Mahalin nyo mga ina nyo! yeah \m/
      Mahalin natin ang mga ina natin!🙂

  8. Kung noon, inis na inis ako kapag nagbubunganga si Mama, ngayon mas natuto na akong i-appreciate lahat ng sinasabi niya. Nag-eenjoy ako kapag nagbubunganga siya. Alam ko din naman kasi na hindi siya palaging nandyan kaya habang kasama ko siya, gusto ko lagi siyang Masaya.

    Salamat sa post na ito. I love it.

    At dahil dyan, pwede bang tambayan na ito palagi? Add kita sa blogroll ko ha.

    Thanks!

    1. Naku men, kahit dito ka na tumira.. !🙂

      Maraming salamat sa pagdaan dito..

      yun naman ang misyon ng blog post na iyo maappreciate natin lahat ng ginagawa ng magulang sa kanilang mga anak🙂

  9. napaka importante talaga ng nanay ‘no? hanggang ngayon, dependent pa rin ako sa nanay ko. ni minsan, di ko naman narinig na nagreklamo man lang. lagi silang may paraan ng pagpapaliwanag na maiintindihan natin simula nung halos hindi pa tayo nakakaintindi at hanggang ngayong kala natin eh alam na natin ang lahat at ayaw nang umintindi.

    napaka buti mong anak at kaibigan sa lahat ng readers dahil sa pagbabahagi mong ito ng kwento ninyo ng mommy mo.

    all the best sa inyo!

    1. nice naman duking… kinilig naman ako sa comment mo.
      salamat sa pag appreciate sa post ko..

      madami talagang nakakrelate sa usaping ina.

      maswerte ang mga iinang sobrang nagkakaunawaan.

      ang maganda lang sa mga mag ina kahit anong bungangaan ang nagaganap hindi nababawasan ang pagmamahal🙂

  10. oshet! mabuti pala’t nag-backread ako! nadurog naman ang puso ko sa nabasa ko. Naalala ko tuloy ang mama ko na lagi na lang akong pinagsasabihan na piliting gumradweyt! lagi kong sagot, gusto ko silang tulungang mag-ipon para hindi na sila tumagal sa pagiging OFW sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko para minus 1 anak na lang ang susustentuhan nila. kalungkot kasi lagi nauuwi sa tampuhan ang usapan namin kaya tumigil na siya sa mga pasabi niya.

    kalungkot lang isipin.😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s