COIN ENVELOPE


Ang sakit pala talaga sa bangs mag budget ng mga gastusin. Partida wala pa akong obligasyon n’yan.

Lalo na kung pakiramdam mo sa bawat paglipas ng mga araw patuloy na nadaragdagan pa mga paglalaanan mo ng kinikita mo.

Tulad nitong makalipas na tatlong buwan, naglalaan na ako ng budget para sa renta ng tinutuluyan ko ngayon.

Minsan nga parang gusto ko na lang tumigil kasi wala namang pagbabago, araw-araw na lang pare-pareho.

Kung sana, kung may inspirasyon ako lols😛

Ano pa ba magagawa ko? wala. kaya ito humanap ng paraan para maka survive.. -sa kung anong kuku ba tinatawag ang Maynila.

Sa totoo lang, tatlo ATM ko lahat naman walang laman, kahit naman kasi sampung libo pa ihulog ko dun, mawi-widraw at mawiwidraw ko pa rin kapag nangati kamay ko, lalo pag nasa SM, nagkalat pa naman mga ATM dun.. ayaw ko naman iwan sa bahay.

Matagal nang sina-suggest sakin ‘to: Mga tips kung paano makakatipid/mag budget.

  • Bumili ako ng Coin Envelope sa National BookStore yung pinaka maliit. 8 pesos lang may 25 coin envelopes ka na.
  • Bawat Coin Envelope nilagyan ko ng mga date. hanggang bago ang sahod.
  • Sa bawat coin Envelope doon ko nilagay ang budget ko sa isang araw.
  • Mayroon ding Coin Envelope sa bawat bayarin ko. (a) renta ng boarding house (b) Phone bill (c) personal needs tulad ng sabon shampoo etc, pero ang mas nakakatuwa may envelope (d) na para savings.
  • Yung mga coin envelope na iyon iniiwan ko sa safe na lugar, para mas malayo sa tukso na magalaw ko iyon.

Medyo gumagana pa naman ang Coin Envelope Theory sakin.

Minsan natatawa na rin ako, kasi napaparanoid na ako sa mga bibilhin ko. Kailangan kasing sumakto ang budget ko lalo na sa pang-Lunch at pang-Dinner.

Wala sa budget ko ang pamasahe kung may kailangan o biglaang pupuntahan.

Kaya minsan yung budget a day ko, kailangan ko pang tipirin para sa mga gusto kong bilhin at ibang paggagamitan.

Iba kasi ang gusto at sa kailangan. Lahat ng budget ko naka-focus lang sa lahat ng kailangan.

Sa kalagayan ko ngayon parang daig ko pa ang isang Ina na sobrang ang higpit sa pagkakabudget.

Ito na ba talaga ang aral ng mapag-isa?

puro challenges.. infairness nacha-challenge naman talaga ako.

Kaya ko ‘to!

Pangarap ko sana …., na sana dumating na yung araw na hindi ko na kailangang mag budget, yung tipong sa bawat pagkakataon at oras may madudugot ako.

Sa bagay, sa mga pagkakataong ito mas nararamdaman ko ang paghihirap sa isang bagay bago makuha. Mas nauunawaan ko ang mga importante sa mas importanteng bagay.

20 thoughts on “COIN ENVELOPE”

  1. aysus! hindi uubra ito sa akin! antakaw ko pa naman. mapadaan lang ako sa tindahan at makakita ng pagkain.. bibili ako. tapos ang hilig ko pang mag-taxi kung saan man ako mapunta. ang ginagawa ko, per day, may set allowance ako. Savings ko, fixed pwedeng tumaas pero hindi pwedeng bumaba. After saving, dun iikot ang allowance ko for a day. Kung konti lang ang sweldo, matutong mag-jeep and/or bus. kung wala kasi akong pressure mag-save, wala akong mapapala. masasayang lang ang lahat ng hirap ko sa trabaho sa wala. pero ayos ito ah, subukan ko nga, pero daily lang muna.

    1. Ako din e.. pero akala ko hindi uubra.. so far effective pa naman.. medyo sablay konti pero na babawi naman agad kinabukasan..

      iwan na ako sa taxi ngayon, nagmahal na kasi soo kung kailangan na kailangan lang.

      salamat sa uli sa pagdaan.. yung tshirt mo inaamag na🙂

      1. hmmn, paano ko ba makukuha? sa SBA? or pakontes ka ulet or gawa ka ng blog awards hehehe. paki-tabi na lamang po muna pramis, kukunin ko rin yan… sana lang, kasya pa sa akin kasi baka maging balyena na ako in a few months!

        1. hahaha sige sige.. tabi ko muna,

          btw, bakit naman nasa ang SBA hoho.. hindi ko po pakontes yun.

          hoho sali tayo uli SBA sa susunod, mas malaki daw yun. mas inggandre.

  2. Tanda mo si Essy? Yung kapatid kong kupal? Hehe Magkapareho kayo ng way ng pag-iipon, naka-coin envelop ang pera. Minsan nasa mall kami, uutang ako dahil tinatamad akong mag-widraw. Nilabas nya ang kanyang mga coin envelop at sabi,

    “Saan mo gustong umutang? Sa pambayad ko bg boarding house o sa budget para sa pagkain ko next week?”

    nakakakonsensya much kaya nag-widraw na lang ako! Lech.

    1. hahaha natawa ako dun. baka ako kapatid mo? nyahahaha..

      kakatuwa na impluwensyahan sya ng coin envelop teory hoho..

      nakakakunsensya talaga kahit ako nakokonsyehang galawin yung wala naman sa budget.🙂

  3. nakakakonsensya naman, nabasa ko yong koment mong nasa internet shop ka nagbabasa ng blog ko. ibig sabihin nalagasan ka ng kinse – bente pesos nang dahil sa akin. pasensya.

    effective sa akin yang pagtitipid na yan. sa akin naman jar. pero dati pa yon, nung nag aaral pa ako sa kolehiyo. tapos pag napuno na saka ko dadalhin sa banco filipino. o kaya sa sa bpi family.

    nakaipon din ako noon ng medyo may kalakihan. nakakatuwa lang kasi totoong totoo pala yong pag kelangan mo ng pera may madudukot ka.

    -mang poldo

    1. may banco filipino pa ba ngayon? parang naalala ko yung coin bank na commercial tapos ipapalit sa bangko.🙂

      libangan ko na lang ang pagbabasa mang poldo kaya ayos lang yun🙂

  4. ngayon ko lang nalaman ang theory na toh.. nge pero hindi ko maaaply ngayon kase wala naman malalagay sa coin envelop.. napadaan lang.. galing Ublog fb

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s