ANG SAKIT SA BANGS


Napakabilis ng mga pangyayari, parang kailan lang.. halos magkadapa-dapa ako kakatakbo huwag lang malate sa opisina.

Walang pagkakataon pag nasa loob ako ng Jeep, na hindi mapapalingon sa bintana, para matanaw yung orasan ng City Hall kung late na ba ako?

Parang kailan lang din Disyembre lang.. mga panahon kung kailan nag-iisip na tayo kung ano bang puwedeng new year’s resolution ang puwedeng pang uto sa sarili na kaya nating tuparin sa pagpasok ng taon.

Ngayon, Pebrero na!

ngisi muna ko.

hehehe..๐Ÿ˜€

Natupad ko kasi yung new year’s resolution ko na hindi na ako male-late at magtitipid na, kahit sa buong buwan lang ng January.


Na-late ako nung January 21 (friday) ng 22 minutes. May humarang kasi sakin sa baba ng office, pero ayos lang nabawi ko naman siya ng OT nung kinabukasan.

Nakakapagsave na rin ako ng 1,200 a month puwede na yun, sumali kasi ako ng paluwagan parang money market. Sa December ko makukuha.. mga 15,000.00 din yun.. depende kung tutubo pa. Malaking savings na yun sa isang tulad kong gusgusin.

Malaking tulong din ang blog sa tulad ko. Nababalikan ko yung mga panahon kung saan makikita ko kung panalo o talo ba ako sa pagkakataon.

Maraming salamat pala sa mga unti-unting nakikiliti at napapataas ng kilay sa mga pinag-gagawa ko.

Ang dami kong gustong maka close na mga blogger, ayaw ko naman maging feeling close. Ayoko maging judgemental pero parang may attitude yung iba nababakas ko kasi sa tipa ng mga letra nila. Hmm… sabi ko nga ayaw ko maging mapanghusga, walang wala naman talaga kasi ako sa mga naisusulat nila.

Nakakatakot lang ako mang approach, kasi baka ma reject ka.

ayun ay feeling ko lang naman..๐Ÿ˜›

Mabuti na lang nagbalik ako sa Blog, ang dami kong mga bagong natututuhan at naitatala.. iniisip ko palang -ang bawat araw ay kuwento, ang kuwento ay ang araw kaya walang katapusan at hindi ka talaga mauubusan ng ma-ibablog. Maglilimang taon na ako sa Hunyo dito.. at mukhang forever na ‘to.

Natutuwa ako sa mga nag ba-backread sa mga post ko nitong January, nag backread na din tuloy ako sa mga pangarap ko.

WELCOME AND GOODBYE 01/04/11

  • Hindi man natutupad lagi ang new yearโ€™s resolution ko, pero ang sarap pa ring mangarap para sa bubunuin mo na namang isang buong taon.

TAGONG KULANGOT 01/05/11

  • Hindi ko pa pinapangarap ang mainlab sa ngayon. Natatakot kasi ako baka umatake na naman ang kaemohan ko.

‘SANG BANDILA WHOAA HO HO HO 01/10/11

  • Kaso sa ilang taon kong papangarapin na magkaroon ng ganoon mukang napakalabo pa rin hanggang ngayon. hahaha.

PUMAKYAW TAYO NG PANGARAP 01/14/11

  • wala akong swerte sa ganito, pero dahil libre mangarap malay mo di ba? :) hoho.

DAANG BAKAL 01/17/11

  • Kung sisimplehan ko naman ang pangarap ko para sa mga tren, sana hindi na lang magtaas :( at kung magtaas man sana mas gumanda ang serbisyo.

MOMMY SELVER 01/22/11

  • Basta masasabi ko lang, wala din namang anak na hindi nangarap para sa magulang nang kaginhawaan. :(

COIN ENVELOPE. 01/28/11

  • Pangarap ko sana โ€ฆ., na sana dumating na yung araw na hindi ko na kailangang mag budget, yung tipong sa bawat pagkakataon at oras may madudugot ako.

Wow.. biruin mo yun naka 7 posts ako nitong January, isa ata sa pinaka-masipag ng buwan sakin dito sa Blogospiro.

meron na rin akong 277,370+ hits, sana maka 300K ako bago matapos ang taon.

Teka baka nagtatanong kayo kung bakit ganun ang title sa taas?

Wala lang, natatawa lang ako hahaha.๐Ÿ˜€

22 thoughts on “ANG SAKIT SA BANGS”

  1. Yun naman ang importante diba? sa bawat araw-araw na kinakaharap mo, may natutunan ka.. may naikukwento ka.. hindi para sa iba, kundi para sa sarili mo.. ;))

    late na yata ako.. lol

    1. hindi ka late laging on time hoho..

      yun nga e, huwag nating palagpasin ang bawat araw sa walang ka kuwenta-kuwentang bagay.. sayang ang buhay kapag nag finish line na walang napala๐Ÿ™‚

  2. am so sorry otep if act so rude lately. i dont know hot to make it up to you. it was too blatant for you to ask those heck question. and am really sorry for that.

    btw, i wonder that giant clock operates? may malaking baterya ba yan sa loob? haha. one of these days ill go to luneta para tignan ulit yan.

    whats with the title eh?

  3. APIR!!!

    Natupad ko din ang new year resolution ko sa buong buwan ng January, 11 months to go, kaya natin to!

    Otep, gusto kitang maka-close, ako ba itong pinaparinggan mo? Ma-attitude ako! Kung hindi ako, pakibulong naman sa akin kung sino. Hehe!

    1. hahaha ikaw na tsismoso te salbe.. wala yun pa epling lang gusto ko ma isyu uli hoho.. alam mo naman ako kahit hindi warfreak nagiging warfreak sa iba hoho..

      ano ba new res. mo te salbe? pakibulong din๐Ÿ™‚

  4. Sabi nga ni bob ong. lahat tayo may kanya kanyang paraan upang kurutin, pisilin at kilitiin ang bawat puso ng mga taong babasa sa mga ginawa natin. ang mahalaga sabi niya ay maipakita mo ang natatanging talentong meron ka. tulad ng buhay ang pagsusulat ay isang mumunting alon ng umaagos sa lupain natin.

    Nice 7 post sa isang buwan. PANALO…

  5. mejo tagal ko an ding di bumisita dito ah ahe..,naks ako met naun palaging late 7am kasi class eh katamad bumangon tapos boring pa sa boring ang instructor mo naku aantukin ka lang lalo….wow naman laki ng hulog sa paluwagan ah ahe.. ako tag 20php ay nagshre ba? ahe…padaan po :p

    1. salamat naman po sa muling pagbisita๐Ÿ™‚

      ang 20 pesos men kapag inipon malaking saving yan.. kung 20pesos a day x 30 = 600; 600×12 = 7,200.. o di ba? ang laki ng savings sa isang taon!! hoho

  6. ayuz! congrats sana mapagpatuloy mo yan! oh san na next post mo? hehehe… ako din may sinalihang paluwagan, it’s a good investment actually lalo na kapag magastos ka talaga, nagiging savings mo na rin siya kahit papano. at sana, sana, matupad lahat ng wish mo ngayon taon lalo na ang nakatagong kulangot.๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s