LOVANDERA ♥


Perstaym ko magpalaba kanina sa laundry shop at mukhang ganun na ang gagawin ko parati.

At dahil ganun na nga, mukhang kailangan ko na ng extra coin envelope para sa bayarin sa labahin.

Hindi naman kasi ako marunong gaanong magkusot, umaasa lang ako sa washing-washing.. i mean washing machine.😛

Biruin mo nagdadala pa ako ng dalawang bags na labahin para dalhin sa Cavite at doon labahan at patuyuin. Tapos ang masaklap pa pagsasabihan ka pa ng kuya mo “Mag share ka naman sa kuryente at Tubig!”.

Helow! dalawang beses lang ako umuwi sa isang buwan minsan isa nga lang, tapos pagbabayarin mo pa ako, kung silang-mag-anak kaya ang siningil ko sa bahay!? nakikitira lang sila sa malaking bahagi ng lupa na pagmamay-ari ko! hahaha.

Jokeness lang naiintindihan ko naman si Kuya.

Ayun, ayaw ko naman labahan ang mga damit ko sa boarding house, kung sa paliligo ko nga lang o kaya pagtae sa isa sa mga CR doon nahihiya na ako, maglaba pa kaya? kaya dinadala ko na lang sa Cavite.

Since napapagod na ako kakabuhat ng malaking bag at nagiging istorbo na ito sa PNR, siguro mabuti nang wakasan ko na ang pag-uwi ng labahin sa bahay.

Kaya ito magpapalaba na lang ako.

At dahil perstaym ko magpalaba, buti na lang may mga boardmates akong puwedeng pagtanungan kung ano ba ang kalakaran sa pagpapalaba.

  • Huwag na daw isama ang maliliit na damit tulad ng medyas at brief (buti na lang nalaman ko agad yun, kasi isasama ko dapat talaga haha🙂 Napaka personal na daw kasing gamit yun -sagrado kung baga. Imagine mo na lang hinahawakan ng iba ang brief mo na sumasalo sa tutoot* mo. -can’t imagine di ba? haha
  • Siguraduhin ko daw ang saktong bilang ng mga pinapalaba ko. (a) ilan ang tshirt, (b) ilan ang pantalon (c) ilan ang short (d) ilan ang jacket (e) ilan ang polo/longsleeve. Para sakaling may mawala madaling maidentify kung anong klaseng damit ang nawawala.
  • Bilangin din daw ang damit pagkakuha, minsan kung hindi daw kulang, meron din daw nawawala.

Bigla ko tuloy naalala si Mommy Selver😦 . Alam nyo hindi talaga ako pinahawak ng labahin nun. Minsan kahit galing sa trabaho yun, sinisigurado ni Mama na may malinis akong masusuot na uniporme sa eskwela kinabukasan.

Miski naman kahit nagtatrabaho na’ko , kapag nakita n’yang tambak na ang labahin ko sa kuwarto nilalabahan n’ya na.

Kaya napakapalad ko sa Mama ko. Ngayong pinili ko na lang umalis sa puder n’ya, damang dama ko na kung gaano kahirap maglaba, magsampay, magpatuyo at mag plantsa ng sarili kong damit.

Mabuti na lang may laudry shop, ito na yung sinasabi ng mama ko na “Wala kang malinis na maisusuot kung hindi ka magsisikap”

Kumbaga sa ginagawa ko ngayon, hindi ako makakapagpalaba kung wala akong pambayad lols.😀

Baka dumating ang panahon na hindi ko mapagsilbihan sa mapaglalaba ang Mama ko kasi nga hindi marunong. Kaya pangarap kong mag hired ng mga kasambahay hindi lang para sa’kin kundi para din syempre sa Mama ko.

16 thoughts on “LOVANDERA ♥”

  1. natawa ako sa “malaking bahagi ng lupa na pagmamay-ari ko” ikaw na ang haciendero! hehehe

    less hassle din kasi ang pagpapalaundry, wala ka ng iintindihin. hihintayin mo na a ng ang takdang araw ng pagkuha ng laundry mo or kung idedeliver, eh di ang pagdating.. kesa sa inuuwi mo pa.. hassle much kase bitbitin mo pa un😀

    1. ayun. hannah nakuha ko na.. monday morning ko na nakuha.. nakakatuwa kasi sobrang ayos ang pagkakatupi..
      kaso walang kaamoy-amoy parang binanlawan lang.. pero mas ayos daw yun kaysa amoy engeng..

  2. dapat pala ako mamasukan sayo, kikita pa ako, hobby ko ang paglalaba, alila pa ng mga kapatid ko twing uuwi sila, >.<
    padala mo na sakin yan, extra income ko, schedule ng paglalaba ko ang wednesday, saturday at sunday, gabi lang hanggang madaling araw, may pasok kasi sa umaga. haha

  3. gaanu kalaki yung pag-aari mong lupa pwd makitira ahe…joke! bakit ka naman makhihiyang mailgo at tumae eh nagbabayad ka naman ng bording fee? ahe..soxal naman ako ksai kahit wala ng sampayan laba padin ng laba ahehehe…..nice post po🙂

    1. mga kasing laki ng MOA haciendero ako haha..

      ang hirap kasi pumila.. iniisip ko lagi kapag naliligo ako may gagamit ng CR hindi ako nag eenjoy maligo at tumae.

      1. ahahaha ganun…pwede makitira???? lol naman ako din kun minsan ganun kakapasok mo palng may biglang kakatok tapos sasabhin na natatae na daw sya at lahat lahat agaw eksena hahahah :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s