PATULOY ANG PANGARAP -ANGELINE QUINTO


Sabik na sabik akong umuwi ng Cavite nitong weekends hindi para makita ang mga pasaway kong nakakatandang kapatid, kundi para manawa ako kakapanood ng TV.

Wala kasing TV sa boarding house kaya ganun na lang ang sabik ko manood.😛

Pagkauwing-pagkauwi ko palang ng sabado ng gabi naupo na ako agad sa malambot naming sofa at doon nanood na ng jessica soho, tv patrol, talentadong pinoy at kung anu-ano pa. Noon ko nga napagtanto na nahihilo na pala ang TV sakin. hoho

Hanggang nakatulog na lang ako sa upuan namin.

Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko pa lang binuksan ko na agad ang TV, tamang-tama basagan ng panga ang naabutan ko Montiel vs. Donaire. Ayun panalo agad si Donaire sa second round, kitang-kita ko kung paano nangisay yung kalaban ni Donaire. kewl.

Hanggang gabi na akong nagpatuloy kakapanood ng TV. (sawaan talaga)

Syempre inantabayanan ko ang Star Power, hindi ko man nasubaybayan ito sa TV nasusubaybayan ko naman ito sa Internet.

Ang totoo n’yan bet ko talagang manalo si Monica noong una., nakuha n’ya kasi ako sa kakangiti n’ya kahit umiiyak nakangiti pa din hoho. Pero nitong huli, naging bet ko na talaga si Angeline astig kasi ang talent n’ya, makabasag speaker ng TV set namin lols. -iyon ay technical difficulty lang naman daw ng programa. Pero kahit ganun ang nangyari astig talaga ang unang n’yang performance na “What kind of fool I’am”.

Sinunod namang kantahin ni Angeline ang Judges’ Song Choice “I dont wanna miss a thing”.. waaaaaaaaaa galing talaga! nakikita kong sumasapi sa kanya ang katawang lupa si Regine Velasquez. Naka-showdown s’ya si Monica n’on na bet ko nga.

kaso sabi ni Billy mas nanaig daw si Angeline kaysa kay Monica. hmmm okay. judge s’ay e (puwede namang wag na sabihin yun. finals naman).

Ay syempre nung tatlo na lang sila ni Angeline, Monica at Krissel sa final round, kinanta ni Angeline ang “Patuloy Ang Pangarap”.

Alam n’yo bagay na bagay talaga sa kanya ang kanta, kung paano sya nagsimula.., kung paano s’ya nangarap. Kaya naman ito ang nagpanalo sa kanya.

Isa na namang kungkretong patunay kung anong hiwaga meron ang pangarap basta maniniwala ka.

Kung aalamin nyo lang kung paano nagsimula sa Angeline sa buhay, kung anong pamumuhay meron s’ya, kung anong mga napagdaanan n’ya at kung paano s’ya nagtiyaga, hindi lang talento n’ya ang hahangaan mo sa kanya kundi ang buo n’yang pagkatao.

Kaya nga noong nalaman ko kung bakit maraming taong may gusto sa kanya hindi na ako nagtanong at naki-gusto na rin ako hoho..

Kung gusto n’yo palang mag download ng kanta nya lalung-lalo na ang “Patuloy Ang Pangarap” punta lang kayo sa http://www.starrecords.ph

o kung gusto n’yo ng sampol.. click n’yo ‘to.

|

|

v

Patuloy Ang Pangarap

Kungrats Angeline!🙂

ITO YUNG LYRICS (lamlamin nyo ang nilalaman)

“Patuloy ang Pangarap” Lyrics
Composer: Jonathan Manalo
Performed by Angeline Quinto

‘Di pa rin makapaniwala Sa lahat ng nangyari
Pangarap parang kailan lang Sa panaginip ko’y nakita
Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay
Di naubusan ng pagasa ako’y nanalis sa…

Chorus:

Isang Pangarap, ako’y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako’y naniniwala
Hindi ako titigil hangga’t aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko’y makikita
Patuloy ang pangarap pangarap…

‘Di pa makapaniwala sa aking nakikita
Lahat ng panalangin ko, ngayon may kasagutan
Lahat ng pinagdaanan at pinaghirapan
Nagbigay ng kalakasan upang marating ang..

Repeat Chorus

Kahit saan, kahit kailan
Alam kong ako’y patungo
Sa marami pang tagumpay

Repeat Chorus

Patuloy ang Pangarap…

47 thoughts on “PATULOY ANG PANGARAP -ANGELINE QUINTO”

    1. haha.. kung iba siguro ako iba iisipin nila, literal mong sinasabi ng nakakatakot mukha ni regine. hoho..

      sana maging kasing tingkad nya si regine now a days🙂

  1. Bet ko din si Angeline. Tama ang sabi ni Zyra, kamukha nya si Regine, pero mas magaling si Angeline, may pangalan na nga lang si Regine. Pero sounds like naman ang pangalan nila. I. Am. Ranting. Nonsense.

  2. pareho tayo parekoy… si Monica din bet sa amin kasi taga-Leyte siya…pero nitong bandang huli Angeline at Krissel naging pustahan sa bahay. pero nung Sunday, bumaliktad kaming lahat sa ginawa ni Angeline. sirain ba daw ang mic? hehe download nga ako ng song niya…

    1. oi parekoy! napadaan ka🙂

      pareho tayo ng bet astig! kaso nanaig talaga ang boses ni Angeline! kewl.

      kala ko nga sabutahe e. hehehe

  3. Nasa naga ako noong gabing iyon. kala ko may sira ang cable nila tapos noong sabihin ni christian na ncra ang mic, sbi ko grabeng boses meron siya. idodownload ko nalang music niya sa site. restricted ako eh…. not allowed…

  4. bet ko din angeline! hope naman sana magsulat ka ng maraming article sa mga bagong talented na artist dito sa pinas. akala ko din eh nasira speaker namin but due respect sa ganda at powerful ng boses ni angeline eh sa sound system lang pala…yup, magkahaig sila ni regine pero di magkalayo boses nila….kk…tnx sa article

  5. bagong teamsong ng blog mo yan tep.. Ang patuloy ang pangarap parang libre lang maganrap…
    Di ko bet yan si angeline pero nung kinanta niya yan kantang yan para naging bet ko na sya kasi galing ng pagkakanta niya… pero bakit ganun sa kanya lang maganda ang kanta sa dalawa panget? wala bang dayaan na naganap o sa simula plang alam na kung sinu mananalo..?

  6. a college student kasi ako..alam nyo…marami ang humahanga sa kanya dahil napakagaling nya..idol na idol ko rin kasi sya..gusto ko nga na makaduet si angeline quinto ng personal…hehehehehe……..talagang bilib na bilib ajo sa kanya…..iiiiiiiiiiddddolllllllllll love you angeline.have a nice carrer….baka, soon maging kagaya rin kita….misy..
    sana hindi ka magbago sa ugali mong maganda,…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s