GOOBYE KOREAN HAIRSTYLE, HELLO MONKEY STYLE UNGGA! -UNGGA!!


Anong Buhok ang sumasabog!?

-BANGS!” -kornik hoho😛

Maagang nagsimula ang araw ko kanina, medyo sumakit kasi ang bangs ko kagabi kung paano  ko ku-kompyutin ang budget ko ngayong Febuary 23 hanggang March 7 (susunod na sahod).

Medyo nag expect kasi ako sa sasahurin ko, kaso yun nga unexpected na medyo maliit ang kinalabasan. Kaltasan nga pala ng SSS, Pag-Ibig at Philheath pati na rin ang Gift Certificate ng Mang Inasal na kinuha ko sa opisina.

Sumatutal P4,900.00 lang ang sinahod ko malayo sa P5,600.00 na budget ko at expected na sasahurin.

Pagkatapos ko mag jogging sa Roxas Boulevard kanina. Dumerecho na ako sa SM Manila. Dahil wala pang 10am sarado pa kaya hinintay ko magbukas.

Para wala ng bangs na sumasakit sa’kin, ipapaputol ko na! hoho

♠ Noong nakapasok na ako, yung David’s Salon naman ang sarado. toinks.
Sakto namang katabi lang ng David’s ang Straight Salon, kaya doon na lang ako nagpagupit.

Tinanong ako syempre ng manggugupit kung ano gusto ko. Hindi tulad sa David’s, na hindi kana tatanungin kasi nga kilala na ako ng hairstylist ko kung ano ang gusto ko.

Sabi ko sa bading: “Teh,  hairstylist po ba kayo?” (joke lang walang “teh”) hoho.

Sabi nya: “Ano bang gusto mo?”

“gusto ko…. yung maiba lang sa dati kong buhok, yung parang bahala na kayo para maiba” sabi ko.

sumagot siya: (medyo moody) “marami kasing style”

binigyan nya ako ng clear folder na may mga picture model ng gupit.

bukas-bukas ako ng folder. Sabi ko sa isip ko. ‘kaya nga sa mga kilalang salon ako nagpapagupit para matulungan ako dahil sa hindi ko nga alam ang gagawin ko sa buhok ko’, .. -wala din parang ako din nag-isip sa sarili ko.

Sinara ko ang clear folder ” sige po, bawasan n’yo na lang”

Ayun, wala na ang korean hairstyle ko, ang bawas sa kanila ay clean haircut aw!

sobrang na-dissapointed ako.

pero kahit ganoon, nagagawa ko pa rin talaga magbigay ng tip. -naghirap din naman kasi ang tao sa kapal ng buhok ko.

Kung meron man akong kinatuwa ay nabawasan ng P120.00 ang P 300.00 budget ko sa haircut.

♠ Pumunta agad ako sa SM Supermarket para namili ng mga kailangan ko at dahil nakatipid nga ako sa pagpapagupit ko, ang 300 budget sa grocery ay naging 400 na. ayos!

♠ Nakapagbayad na rin ako sa Globe Postpaid ko.

♠ Pagkauwi ko nagpalaba na rin ako.

♠ Tinabi ko na rin ang pambayad ng renta sa Boarding House.

♠ Nakapag hulog na rin ako sa paluwagan na s’ya namang “savings” ko

At para mapagkasya ko ang kinapos kong budget ngayong cut off, kailangan kong tipirin ang 150 a day allowance ko, siguro kailangan kong gawing 120 na lang.

may turu-turo naman para sa lunch at Jollibee 39ers sa gabi hoho.

Ang hirap mag budget sobra!

Kailangan kong maka-raket sa mga susunod na araw para buhay mayaman na naman ako. hoho.

Kailan ko kaya mabibili ang pinapangarap kong sapatos?

next post ko yun. abangan🙂

9 thoughts on “GOOBYE KOREAN HAIRSTYLE, HELLO MONKEY STYLE UNGGA! -UNGGA!!”

  1. Pinapanindigan ang pagtitipid! Ingget me much! Dun ka sa hairstylist ko, P100 lang ang gupit, laging pang Koreanobela pa ang style. Ang catch? Sa Laguna sya nakadestino! =)

    1. kailangan talaga yun teh salbe🙂
      hahanapin ko yan now a days..

      kapag nagustuhan ko yan, gagawin ko yang hairstylist ko.. sya na lang papaluwasin ko sa manila hoho

  2. waaaah!!! pareho tayo! pinagkaiba lang naten eh, isang linggo bago magsweldo, short na ko agad! heheehhehe…. summer pa naman, dame out of town nya, kelangan mag tipif tipid ng makagala. good lak saten. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s