NEWS TO GO


Sabi nga nila ang bawat oras ay balita at ang balita ay hindi lang sa TV, radyo o dyaryo makikita, kundi sa sarili din nating buhay. Bawat pangyayari puwede nating ibahagi. Bawat sitwasyon puwede din nating ikuwento, sa nakatutuwa man o sa seryoso, malay mo may kakaiba silang balitang mapulot sayo.

Ano ba balita tungkol sakin?🙂

Katapusan na ng Febrero! at masaya kong ibinabalita na sa loob ng dalawang magkasunod na buwan ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng kahit ilang minutong late sa opisina. hoho🙂

Achievement ito para sakin, ganung naisasakatuparan ko pa rin ang new year’s resolution ko na hindi na male-late pang muli.

Inspirasyon ko kasi ang kumpletong sweldo! haha

***

Ito ang balita: Kanina, opisyal nang nagbukas ang GMA NEWS TV sa Channel 11. Wala man akong TV sa Boarding House, pero dahil may internet naman napanood ko ang kauna-unahang programang naisalang nila -ang NEWS TO GO. Hosts nito sina Howie Severino at Kara David na host din ng paborito kong documentary program na I-witness.


Astig ang graphics, astig ang studio at ang inaakala kong magiging english ang format ay naging maka-masa. Malayo sa inaakala kong mala-ANC na nakaka nosebleed haha.

Mapapanood ang News to go ng 9:00 am, at maari ring panoorin sa kanilang website NewsToGo.

Isa ito sa napakalaking pangarap na natupad ng GMA Network di lang sa aspetong pang negosyo kundi ang pangarap na makapaghatid ng napapanahon at oras-oras na pagbabalita para sa mamamayang Pilipino.

***

Siyam na walang ka-kuwenta-kuwentang posts, kabilang na ‘to ang na blogpost ko ngayong buwan.

At dahil sa mga posts na yan na tadtad ng typos (sabi ng isang anonymous reader ko) na kinasama ng loob ko ( haha jokeness lang totoo naman kasi na puno ng typos tagalog na nga lang) nangungana na ang Libre Lang Mangarap! sa tagalog mode ng WordPress yahooo!! thank you.🙂

Patuloy ang mga kuwentong pangarap sa pagpasok ng Marso.

6 thoughts on “NEWS TO GO”

  1. Akala ko din parang ANC yang balita network ng Channel 7, buti hindi pala. Paktay ngayon ang ANC, baka dumugin ng mababang rating. =)

    Marami talagang pakialamera/o, huwag mo na lang pansinin. Mas importante ang pagbabalik mo. Relaks lang kasi nasa iyo pa din ang huling halakhak. Ikaw na ang may leading blog sa WP! Congrats!

    1. maraming program ang GMA NEWS TV.. sana mas marami ang news.

      hoho.. hindi na ako leading… minsan lang mangyari yun kaya natutuwa ako hoho..

      nakakainis lang talaga pag may ganun nakikibasa na nga lang hoho.

  2. wow kaw na ang sikat!!!! berger!!!!

    good thing GMA-7 thought of launching its own NEWS TV, the “makamasa” concept is a brilliant idea. Not everyone can cope up with the “english concept” and making the news tv to be in filipino can reach out to a lot of viewers especially those people who are inferior of using and understanding the english tongue. hahaha sori npaingles lng..

    congrats cant wait to see u in the top.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s