FILIPINO IDOLS


Noong dumating sa Pilipinas ang world’s biggest talent show -ang IDOL, tinangkilik agad ito ng mga Pinoy lalo na’t noong season 3 sa American Idol, dalawang pinoy ang pumasok sa Top 24, Sina Camille Velasco (Top 9) at Jasmine Trias na nakapasok naman sa Top 3.

Wala man sa kanilang dalawa ang nakakuha ng titulo bilang American Idol noong panahon na iyon, hindi lang ang mga Hawaiian ang naging proud sa kanila kundi pati na rin ang buong Pilipinas dahil sila ay may dugong Pinoy🙂

Taong 2006 nang magkaroon ng franchise ang IDOL sa Pilipinas (ABC 5). Nagtaka lang ako kung bakit Philippine Idol ang tinitulo dito, samantalang Filipino/Pilipino ang tawag sa mga tao dito. (nangenge-elam lang “MEMA” me- masabi lang hoho). Kung sa ibang bansa kasi Indonesian Idol, Canadian Idol, Indian Idol ang titulo, bakit sa Pilipinas, Philippine Idol? puwede namang Filipino Idol etc. haha

Noong nagsara ang ABC5, hindi na natuloy ang season 2 ng Philippine Idol.

Nakuha naman ng GMA7 ang franchise ng IDOL noong 2008 at ginawa ng Pinoy Idol. Sa wakas katanggap-tanggap na ang titulo (para sakin.)

Kaso mas di hamak na may kalidad ang pagkakagawa ng Philippine Idol kaysa sa Pinoy idol.

(Saganang akin lang) hindi nakuha ng Pinoy Idol ang expectation ng mga manonood nito. Ang host malanya, kumpara kay Ryan Agoncillo. Ang mga judges hindi din katanggap tanggap maliban kay Wyngard Tracy. Ang entablado, ang  tunog at ang galaw ng mga kamera palpak kaya hindi maiwasang ikumpara sa Philippine Idol.

Mas lalo na noong nanalo si Gretchen Espina maraming napataas ang kilay -ewan ko lang, hindi ko naman kasi gaanong napanood maliban sa mga napapakinggan ko tungkol dito.

Kaya hindi na ako nagtaka bakit hindi pa nasusundan ang naunag season sa GMA7.

Sa ibang banda, hindi naman talaga usaping franchise ng Idol o paghahambing sa magkaibang franchise ang nais kong isulat dito kundi ang mga dugong-Pinoy na sinubok na ang pangarap sa American Idol.

Maliban kay Camille Velasco at Jasmine Trias, isa pang pinoy ang nakapasok sa top 24 American Idol matapos ang anim na season -si AJ Tabaldo, kaso isa s’ya sa mga naunang natanggal. Ganoon pa man naging laman din ng balita ang pagiging Pinoy n’ya.

Matapos ang isa pang season, isa na namang Pinay ang nakapasok sa top 24 at umabot pa sa Top 9 siya ay si Remiele Malubay na masasabi kong pinaka-pinay sa lahat.

Nakuha nya kasing maipag-malaki ng lubusan na siya ay mula sa Pilipinas.

Sa isa sa mga episode ng AI noong season 7 nagawa pa nyang magtagalog ng tanungin ni Ryan kung paano sasabihin ang “how are you?” sa wika n’ya -“Kamusta ka?”.

Sa isa din sa mga interview n’ya, sinabi n’yang pangarap nyang maging first asian-american na makakakuha ng tituto.

At ngayong season 10 na American Idol hindi lang isa ang nakapasok sa top 24 kundi dalawa pang Pinoy, sina Clint Jun Gamboa at si Thia Megia na sinubukan na rin ang pangarap sa American Got Talent. Doon napasama s’ya sa isa sa mga finalists.

Napansin ko lang, sa tuwing may kababayan tayong nagiging kilala sa ibang bansa kahit ano pang larangan nagiging laman talaga ito ng balita.

Alam nyo kung bakit? simple lang naman e, nagiging proud kasi tayo sa kanila. Naiinspired tayo kapag may pangarap na natutupad. Lalo na’t kapag alam nating ‘di lang talento kundi pagsisikap ang kanilang mga naging puhunan.

Kaya hindi na nakabibigla kung isang araw isang dugong pinoy na ang susunod na tatanghaling American Idol🙂

11 thoughts on “FILIPINO IDOLS”

  1. Very informative. Ngayon ko lang nalaman ang history ng franchise ng American Idol dito sa Pinas. Gusto ko si Remiele Malubay lalo na nang kantahin nya ang Alone. Kuhang kuha nga ni Jasonhamster. Hahahaha!

    Basta Pinoy na sumisikat, ikinakabit natin ang pagiging Pilipino natin. Ewan ko kung social climber ito o talagang proud pinoy tayo. =)

    1. haha narativo ba ang aking pagkakasulat? hindi lubos maisip.

      si Remiele Malubay ang pinaka-favorite ko sa lahat.. ang cute nya kasi🙂 pero mas cute ka te salbe😛

  2. Minsan nakakasawa na din ang makita sa web na mga koment like :proud to be pinoy…or di kaya pinoy pride..

    pwde? nakakaumay na kasi.

    Pero happy parin ako na were getting our race in the international scene.

    1. sobrang tama ka..

      pagnanonood ko nga video ni Charice sa youtube, ang daming nagtatalo tungkol sa pagiging proud ng pinoy, minsan nakakarindi na rin kasi. haha

  3. Ang galing.. Pati pala si Clint Gamboa.. Kaya pala when i heard it, sabi ko parang pang Pinoy ang surname.
    Well, Filipinos are indeed born with extraordinary talents. Kudos to all Filipinos!

  4. hello, otep.

    tama, very informative ang pagkakasulat mo nito and fair ang observations and opinions mo about Idol in the phils [tingin ko].

    nakapanood pa ako live ng Phil. Idol dati. napanganga ako sa husay ni mao marcelo at na-cute-an ako kay miguel, haha. tsaka, yong isang girl na kumakanta sa singing contest ni cesar montano – si apple, yon, okey din yon.

    nanood rin kami buong family ng finals ng phil idol sa araneta, o, di ba? nagti-text din kami ng aming bets – talaga naman. nanalo si mao do’n but people say na she doesn’t have it daw, e. ‘yong paano sumakay sa routines and habits ng mundong showbiz – ma-ere daw.

    anyway, di nga maganda no’ng pinoy idol na. not the same. thanks for writing this post.😀

  5. may punto ka dyan. ako sa lahat ng sumikat na pinoy at namayagpag sa ibang bansa, kay apl.de.ap ako proud na proud. hindi kasi makasarili o basta maipagsabi lang na PInoy siya. gumagawa siya ng paraan to promote our music and to help other aspiring Filipino artists.

    mabuhay! I hope magdilang anghel ka na magkaroon ng American Idol na hindi lamang may dugong Pinoy kundi proud maging Pinoy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s