KIM TAK GU MABUTING TINAPAY


Naghihikab pa ako ngayon. Hindi ko na kasi nahintay ang ending ng Baker King kaya tinapos ko na ito sa DVD.

Huwag kang mag-alala hindi ko naman iku-kuwento ang ending dito.🙂

Sumatulan tatlong araw ko itong pinanood at halos abutin ako ng ala-6 ng umaga kakapanood dito, kaso noong pangatlong araw ko na, masyado akong nasabik sa bawat preview ng episode kaya tinuloy-tuloy ko na. Kaya inabot ako ng alas-dose ng tanghali. Sa kabuuan 30 episodes ang bumusog sa inaantok kong diwa.

Pungas-pungas akong pumasok sa opisina, aabsent sana ako sa sobrang antok kaso naalala ko bigla na malapit na ang anniversary ng company namin at sigurado akong tambak na ang mga ads.

Pero kahit antok na antok ako, maalala ko lang ang istorya ni Tag Gu, nangingiti na ako bigla sa sobrang dami ng itinuro sa’kin nito.

OA na kung OA pero halos apat na beses atang pinatulo ni Tak Gu luha ko.

May subtitle naman ang DVD pero kahit siguro walang subtitle ‘to maiintindihan at mararamdaman mo pa rin talaga ang sakit na nararamdaman nito.

Halos 12 years ding pinangarap ni Tak Gu na muling makita ang kanyang Ina, na kahit mapahamak s’ya, hindi pa rin s’ya sumuko. Ganoon n’ya ginawang inspirasyon ang kanyang magulang.

Ikaw paano mo ginagawang inspirasyon ang magulang mo?

Sabi nila makikita sa isang anak kung anong pagpapalaki ng ginawa ng magulang n’ya dito.

Kung ganoon, sakaling makita ako ng isang tao sa masipag, mabuti at matalinong pagkatao sa magulang ko pala ito magre-reflect.

Ganoon din ba pag makita akong buraot, garapal, burara at kung anu-ano?

Kung ganoon, hinding-hindi ko na hahayaang magkaroon ng negatibong pagkatao.

Ang pagmamahal ng anak sa ina -yan ang pumapang-ibabaw sakin habang pinapanood ko ito.

Tama nga ang sabi nila, na ang anak kapag binusog mula sa mabuting tinapay lalaki itong mabuting tao. Sa ibang banda, ang anak kapag pinalaki ng maayos at binusog ng pagmamahal magiging matagumpay ito hanggang sa dulo.

6 thoughts on “KIM TAK GU MABUTING TINAPAY”

  1. damang-dama ko nga ang epek ng baker king sa iyo sa pamamagitan ng post na ito ah!!! hehehe. naku-curios na ako sa series na ito na kahit ang mga lalaki ay naaadik. pati kasi kuya ko eh tumututok din.

    pero sa tingin ko factor lamang ang mga magulang para ma-build ang iyong prinsipyo sa buhay pero hindi pagkatao.may mga magulang na mabait pero may anak na suwail. at may pasaway na magulang na may kahanga-hangang anak.

    mabuhay!

  2. hello.

    sasabihin ko na sanang isa akong masamang anak pero nakita ko ang comment ni hoshi sa itaas, hehe…
    second the motion na lang me sa kanya.

    basta pakabait ka, otep. cheers😀

  3. bilang isang tao sa aking palagay ang sarili mismo ang may kalayaang pumili ng daan at ugaling kanyang nanaisin. Ang mga magulang at ang mga tao sa paligid ang magmumulat, gagabay at tutulong upang mabuo ang kapiraso ng iyong pagkatao ngunit ikaw ang magsasakatuparan ng mga natutunan mo. Gaya ng tinuran ni hiroshi may mga magulang na kahit lahat na ibinigay upang lumaking mabuting tao ang anak ngunit wala pa ding nangyari.(vice versa) Kung gusto mong maging mabuting tao kahit ano pa ang hirap at ginahawang iyong naranasan magiging mabuti ka pa rin dahil ito ang pinili mo… Madami akong kilala na nakapag-aral nga at may maayos na pamilya pero ang asal ay di ka nais nais… salamat sa pagbabahagi otep😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s