BANCO FILIPINO: SUBOK NA MATIBAY, SUBOK NA MATATAG… WEH?


Kapapasok palang ng summer sa Pilipinas at kasabay nito ang pagpasok ng naglilingas na balita sa di umano’y pagsasara ng Banco Filipino.

Wala ako sa lugar para magbigay ng opinyon hinggil dito dahil wala naman talaga akong alam sa dahilan ng nagbabadya o tuluyang pagbagsak ng naturang bangko. Ang tanging alam ko lang sabay-sabay nag init ang mga ulo ng  taong nag-impok dito.

Kanina nakapanood ako ng 24 oras. Sobrang napipihit paatas ang dibdib ko sa napapanood kong balita. Ang mga tao, tila naghihintay sa wala sa labas ng bangko. May isang Ale nga doon na humahagulgol at nagmamakaawang ibalik sana ang naitago n’yang pera habang iniinterview. Sobrang naaawa ako.😦

Meron ding isang Ale na kakadeposito palang, tapos malalaman n’ya na tumatagilid na pala ang bangko. Parang ang hirap tanggapin ng sitwasyon n’ya. Lalo na”t nasabi nya, na iyon na lang ang natitirang yaman ng pamilya nya. Kung hindi ako nagkakamali nasa siyam na libo iyon.

Wala pang kasiguraduhan kung makukuha pa nila ang mga naitago nila o kung ilang buwan pa maaring makuha.

Nakakainis din ang katotohanan na kung sino pa ang may mga naimpok na hindi kalakihan, sila pa yung napapag-iwanan.

Sobra akong naiinis! dahil ang dapat mong pagkatiwalaan ang s’ya pa palang ta-traydor sayo ng mabilisan.

Mas lalo akong nainis noong nabasa kong muli ang slogan nila “SUBOK NA MATIBAY. SUBOK NA MATATAG.” kakabanas. subok na daw, matibay pa. Parang gusto ko kayong kulitin na sabayan ako habang isinisigaw ng malakas ang “WEH!!” p&t@Ñ&8 #@* nyo!

Badtrip Men!!

Kaya ang hirap ng magtiwala, kailangan meron kapang isang kamay.

Kumbaga sa isang pantalon, huwag ka lang umasa sa babaw o lalim ng bulsa mo, dapat may “sekreta” ka din (yung maliit na bulsa sa itaas).

Naalala ko na naman tuloy ang karanasan ko sa isang bangko, itago na lang natin sa pangalang METROBANK.

ATM kasi ng Metrobank ang gamit ng company namin sa payroll. Ugali ko kasing hindi widrawin lahat ng sahod ko.

Sabi ko kasi ‘para pagnaholdap ako, makuha man nila buong laman ng wallet ko kasama ang katawan ko, magagawa ko pa ring mag over-the-counter’

So ayun nga, pauwi ako ng cavite noon walang wala akong pera sa bulsa (hindi ko napansin). At dahil may inaasahan akong ATM na puwedeng widrahin anytime, anywhere (kahit anong oras, kahit saan sa tagalog) nag widraw ako.

Anak ng Kambeng!! walang lumabas.. try ako sa BDO.. wala pa din. try ako sa UCPB wala pa din. Kaya tumawag na ako sa hotline nila ayun bankwide!! system down daw.. mangiyak ngiyak akong nagkalkal sa bag ko ng tagpipiso para makauwi.

Tinawag ko lahat ng santo noong mga oras na yun. “santa isabel! santo niño, san pablo, santa mesa! sta cruz! buti na lang naunawaan ako ng kunduktor ng bus kaya binigyan na lang ako ng discount plus mula pa sa student fare. Pagdating sa bayan namin, hindi na lang ako sumakay ng tricykol at naglakad na lang.

Noong araw na yun nagawa ko silang murahin sa isip ng paulit-ulit parang unlimited, pero nagawa ko  naman silang patawin. Sabi ko wala namang may gustong mangyari yun.

Kaso naulit uli ang pangyayari kaya isinumpa ko na sila (mas mahabang kuwento). Kaya sa tuwing sahod, widraw lahat at ipasok sa ibang banko.

Nakakatawa no? bakit? sabi kasi ng Slogan nila “You’re in Good Hand”… “Bad Hand” pala.

Noon ko gustong ipaliwanag sa kanila kung bakit may ATM at para saan ‘to?..  bukod kasi sa mapapabilis ang transaksyon mo sa isang tipikal na araw sa loob ng bangko, simple lang naman e para may madukot ka pag kailangan! tutal pera mo naman iyon,  Kaso kapag ang isang bagay hindi na umaayon sa gamit o sa kung anong dahilan kung bakit tinuklas ito, parang wala na ding kuwenta.

Balik tayo sa itaas.

Ang dami kong inis, ayokong isipin pero dahil sa iilan may mga pangarap na tila napipilayan dahil sa mga pangyayari.

Kaya ako pangarap kong magka account sa lahat ng bangko (puwede ba yun?) para pag may diperensya ang isa, meron ka pang ibang malalapitan.

Nakakapanlumo, pero aral para sa lahat na huwag aasa sa iisa. At maging maaalam sa pagpili ng pagkakatiwalaan, sa ibang banda, huwag nating ibuhos ang lahat at sa bawat desisyon laging isaalang-alang ang mga posibleng maganap o sa ibang deskripsyon lagi nating isipin ang pinakamalalang puwedeng mangyari.

bwisit!

8 thoughts on “BANCO FILIPINO: SUBOK NA MATIBAY, SUBOK NA MATATAG… WEH?”

    1. oo nga base nga.

      hindi ko ata nabasa kung meron ka ba o walang deposit sa banco filipino. pero yung post mo parang me isang milyon ka sa kanila hehe.

      nakakainis talaga yan. pinag hirapan mo tapos mawawala lang ng ganun. buti pa sa alkansya na lang mag ipon xD.

  1. uy anong branch ng metrobank yung sinasabi mo? ireport natin para maramdaman mong “YOUR IN GOOD HANDS” talaga. Kelan ba nangyari yun?

    at yung tungkol sa BANCO FILIPINO nakakalungkot na nangyari sa kanila iyon. Marahil dati napatunayan nila yung slogan nila pero sa dami ng bangkong nagsulputan siyempre napagiwanan na sila….

  2. naku sinabi mo,minsan kung kelan mo kailangan saka pa tatiming pumalya ang mga hinalibad na bangko na yan… dito sa dubai laging may bank charge/ service charge wala namang kwenta…

  3. thumbs up men…..hehe..natawa ako na sa kahit maliit na kwento nagawa mong bigyan ng buhay. naisalarawan ang isang eksena…at may natutunan pa ako, “sekreta”..hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s