HOWIE


Mahigit tatlong linggo din akong nawala sa sirkulasyon dito sa blog. Busing-busy kasi ako sa kakaraket at gumawa ng iba’t ibang kaek-ekan sa buhay.

Sobrang dami ko tuloy na missed ikuwento, pero ang kwento ko ngayon ay yung pinaka highlight lang ng tatlong linggo kong pananahimik dito🙂

Flat Screen:

Yeah! sa loob ng mahigit tatlong taong pananalagi ko sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, sa wakas! pinalitan din ang computer ko ng Flat screen. Hindi ko alam kung gaano kalaki basta malaki, kaya inspirado akong magtrabaho.

Parang ayaw ko pa tuloy mag resign, lulumain ko muna yung bago kong computer bago ko iwanan. hoho.

My|Phone QTV20

Matapos naman ng mahigit isang taon mula noong una akong nag-apply sa Sun Shop ng SM Manila at Sun Shop SM Sta Mesa ng postpaid line (na nadisapproved). Finally na approved na ito sa Sun Shop Robinson’s Ermita. (take note) isang linggo lang.

Tamang tama, hindi ko na kailangan bumili ng TV sa boarding house dahil may TV na ang phone ko sa halagang P250 a month with unli call and text sun to sun at 100 regular load to other network🙂

kaso, puro officemates palang naka phonebook sa sun ko. text text naman tayo sa sun ko. hoho 0923-7329028.

Huawei S7 Tablet

Nasira pala yung phone ko nitong nakalipas na dalawang linggo, wala tuloy ako magamit. Kaya kaysa bumili ako ng bago, kumuha na lang ako ng additional plan sa Globe.

Masyado akong na enganyo sa Tablet sa halagang Plan 999 a month kaya iyon na lang ang kinuha ko.

Nakakatuwa kasi ang babait ng mga tao sa Business Center ng Globe sa UN Avenue branch, talagang inasikaso nila ako at nireserba pa ng unit na napaka hirap hagilapin -Huawei S7 Tablet.

Medyo wierd ako nitong mga nakaraang araw, sobra kasi akong natuwa sa touch screen with 4 orientations at wi-fi na  ang bilis bilis!! nakadownload tuloy ako ng napakaraming kanta at porn (lols). 8Gb kasi ang internal nya tapos nilagyan ko pa ng 8Gb na SD card, kaya sobrangggggg dami kong puwedeng ilagay.🙂

nakakatuwa din pag may nagtetext, kasi parang nakikipag chat lang ako, yun nga lang pag may tumawag hindi mo sya puwedeng idikit sa tenga kaya dapat mong gamitan ng head set hahaha.. 7″ kasi.

Pinangalanan ko na nga tablet ko. sya si Howie S7 parang Howie Severino ng Channel 7 lang, kasi naman napaka teki talaga ng idol ko parang tablet lang hoho.

Ngayong taon, ang tablet ko na ang kauna-unahang pangarap na nakamit ko. ang saya saya🙂

sana bago matapos ang taon laptop naman🙂

15 thoughts on “HOWIE”

  1. kelangan talaga iplug ang number? hahaha..ako pangarap ko this year makabili ng isang black berry phone. gusto ko masubukan yong BBM at BIS ng bb. nagsisisi akong bakit di pa BB ang binili ko last xmas. pangarap ko talaga makabili nun. hehe.

    android ba yang tab mo? naku andami daming apps na pwedeng ilagay jan. hehe

    1. oo men wala kasing nagtetext sakin sa sun sayang naman.🙂

      mura na lang black berry ngayon plan 999 na lang din🙂

      android yung huawei🙂

  2. Gusto ko din ng s7 tablet sana😀 Kaso wula akong mapagtanungan na meron na kung maganda ba siya or panget. Nagsearch ako, at lumabas tong blog mo. :p Whew! Maganda ba siya?😀 Ilan text and minutes of call sa Plan 999 ng globe?? Tsaka ano pong kailangan pag nagapply ng postpaid sa globe? [Dami kong tanong😦 Pasensiya na po aah]

    1. elow. si otep ‘to hoho

      sa plan 999 consumable yun, meaning to say puwede mo magamit lahat yun. e.g. 999 texts.

      tapos sa globe pag kumuha ka ng plan, may freebies + 3 ka pa, puwede mo kuhain yung tatlong “A” 200 free texts saka 10 minutes call so kung tatlong A nga kukuhain mo 600 texts yun + 30 minutes call na yun.

      bali, magiging 999+600 texts at 30 minutes na magagamit mo sa plan 999.. yun naman ay sa gamit ko lang, marami ka pang options.

      Btw, regarding sa unit maganda sya interms na madami ka ng madadownload at mabilis ang wifi.

      ang kaso, mabigat sya at mabilis malowbat, para syang PC na kailangan nakasaksak para maenjoy mo.

      android sya kaya madami ka madadownload na adroid applications,

      kung tatanungin mo ako kung enjoy ko sya, oo kaso nanghihinyang ako sana hindi ko na kinuha, hahaha .

      salamat sa pagdaan sa blog ko🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s