SAKSI!


Buong araw akong mulat kahapon kaya antok na antok akong umuwi sa boarding house. Lagpak ako agad at agad ding nakatulog.

At dahil maaga ngang nakatulog, alas-4 palang ng umaga mulat na mulat na agad ang singkit at nagmumuta kong mga mata hoho.

Hindi na naman ako makatulog kaya naligo na lang ako at hinugasan ang naninigas at naglalagkit kong buhok dahil sa clay/wax hoho. Apat na beses akong nagshampoo ang hirap kasi matanggal.

Matapos noon naisipan ko na lang mag jogging sa Luneta, minsan lang ako magising ng maaga kaya grab na agad ng oportunidad para makapag jog. Isang ikot din na paglalakad ang ginawa ko sa buong Luneta, at dawang ikot na pagtakbo naman ang sa Quirino Grandstand ang ginawa ko. Mahirap yun ha! ayun wala namang nabago sa bilbil ko ganun pa din sya. hoho.

Matapos noon naisipan kong maglakad sa Roxas Boulevard, minsan lang din ako makakita ng dagat/bay sa umaga kaya pasalamat na din ako. Sarap ng hangin at sobrang nakaka relax.

Naupo ako sa rebulto ng nagtuturong si Ninoy sa kung saan at sa kasama nyang rebulto na nakalimutan ko ang pangalan. Nang may mag-asawang bumati sakin. Syempre smile naman at nag feeling close ako hoho.

Alam ko na ang susunod na magaganap kaya nakinig na lang ako.

Sobrang gaan nya makipag usap, yung babae yung tinutukoy ko. Samantalang yung asawa nya naman may iba ding kinausap.

Unang tanong sakin: “Naniniwala ka bang nasa lahat ng dako ang Diyos… sa lahat ng paligid?”

Otep: “Yes po. In a sense na tinitignan nya po tayo mula sa itaas” (nagulat ako bigla akong nagka halo) lols😛

Bigla syang may pinabasa sakin mula sa bibliya (nakalimutan ko ang verse) basta ang sabi doon nasa taas ang Diyos.

Pangalawang tanong: “Alam mo ba ang pangalan ni God?”

Otep: (syempre napatanong ako) “Oo nga, no?” (bigla naman akong nagkasungay) lols.😛

Pangatlong Tanong: “Anong bang relihiyon mo?”

Otep:“Sabi po ng magulang ko katoliko.. haha …pero po ngayon hindi ko po alam, kasi hindi na naman po ako nagsisimba, parang… I believe in God pero po ….parang wala na po akong relihiyon, sabi naman po kasi nila hindi naman kayo ililigtas ng relihiyon mo”

Pang-apat na tanong:“Alam mo ba ang tawag ng mga katoliko kay God?”

Otep: “Hmmm.. Ama?”

Doon na pumasok si Jehova.

*AKO NAMAN ANG NAGTANONG*

Unang Tanong: “Ano po bang pagkakapareho ng Jehova’s Witnesses sa Katoliko?”

Babae: ” Wala….” (ang haba ng paliwanag) basta ang natandaan ko ang Katoliko daw kasi Holy Trinity samantalang sila iisa lang si Jehova, pangalan ni God.

Iisa lang daw ang Diyos nila at yun nga si Jehova.

Kumpara sa mga katolikong maraming sinasanto, i mean.. maraming santo.

Otep: “Siguro po yung mga Saints ay para lang maging isang mabuting halimbawa o inspirasyon” (Nagulat ako nakarinig ako ng palakpakan ng mga angels.) hoho

Pangalawang Tanong: “E sino po si Yahweh?”

Babae: “Si Jehovah din yun.. kaso ang nakasulat kasi (sa panahon ni makopong) ay YHWH so walang consonant, samantalang ang Jehovah ay nakasulat na…, kahit yung mga nahuhukay pa nila noong panahon may mga nakaukit na Jehovah. (may pinabasa uli sakin)

Pangatlong Tanong:” Bakit parang hindi po nababanggit si Jehova sa Simbahang Katoliko kung iisa lang po ang bibliyang ginagamit?”

Babae: “Ama na nga kasi ang tawag nila, kami hindi namin binabago ang tawag sa kanya (may pinabasa uli sakin)

Pang-apat na Tanong” Bakit po parang lagi kayong pinupukol ng mga ibang relihiyon?”

Babae: “Iniisip kasi nila na may sarili kaming bibliya, …masamang magbago, magdagdag o magbawas sa bibliya, kasi mismong simpleng kuwit o tuldok sa bibliya kapag nabago, mababago na agad ang kahulugan nito” (may pinabasa uli sakin).

… Hindi rin kami sumasali sa pulitika, although may mga pulitiko na nag resign na at sumali samin, ang pulitika kasi ay madumi.

...Hindi rin kami sumasali sa parang ROTC yung irereserba ka ng pamahalaan para kapag nagka gera, ayaw ng Diyos na may nagpapatayan kaya kami ayaw rin naming makasakit, gusto ng Diyos na magmahalan tayo.

… Kaya noong nasa Bulgaria ang Jehovah at pinasok kami ng mga taong galit sa relihiyon namin, pinagsasapak ang mga lalaking miyembro pero hindi sila lumalaban kahit duguan na.

…Hindi rin kami nagpapasalin sa dugo, parang dinuguan din kasi yan, hindi kami kumakain nun dahil ang dugo ay buhay.

Pang limang Tanong: “Paano po kung sobrang needed na magpasalin ng dugo -naaksidente?”

Babae: “May mga natuklasan na naman ang mga scientist para hindi na kailangan salinan ng dugo, …o kailangan kapag naaksidente dapat mapigilan agad ang pagdurugo.”

“huh?” ( sabi lang sa isip ko)

napaisip ako sasabihin ko sana na” just in case nga lang po”, hindi ko na tinanong. Nakuha ko na naman sya, na parang… kung katapusan mo na katapusan mo na.

Mahaba pa ang pag-uusap namin ukol sa BUHAY NA WALANG HANGGAN, KWENTO NI JOB, PAGPAPATAWAD, DAGAT  DAGATANG APOY, SANTANAS, MGA ANGHEL, EVA’T ADAN at kung anu ano pa.

Pero sa lahat ng narinig ko sa kanya ang pinaka gusto ko ay ito:

“Ang Diyos ay pagpapatawad, hindi kami naniniwala sa Dagat dagatang apoy. Ang tao kapag gumawa ng mabuti pupunta sa kalangitan kasama nya, pero hindi ibig sabihin nun kapag hindi ka gumawa ng mabuti pahihirapan ka nya”

Yes! ligtas na ako hooho.. parang maglalaho na lang pala akong bigla sa katapusan. lols

Pero kung mabuti kang tagapakinig.. hindi naman ibig sabihin noon na hindi ka matututong humingi ng kapatawaran at hindi na magsisisi sa maling ginawa.

Mas higit ko ng pinaniniwalaan ngayon, na hindi ka naman talaga hahayaan ng Diyos na mahirapan pagdating ng panahon.

Natapos ng pag-uusap namin sa napaka haba dahil nadala ako ng mga katanungan ko. Sobrang nagpasalamat ako. Kasi natuto na akong mag-analisa sa pagkakaiba -iba ng mga paniniwala ng bawat relihiyon.

Pangarap ko rin namang makapunta sa Langit pero hindi pa ngayon ha. hoho.

*** gif photo: mga babasahin na bigay sakin, basahin ko daw.

10 thoughts on “SAKSI!”

  1. As for me, wala naman masama kung makinig tayo sa ibang relihiyon.

    Respeto lang yan. Paninwala nila yun, ako din naman may sariling paniniwala.

    ang mahalaga, alam natin na ang Diyos o kahit ano pa ang pangalan nya, e nagpapatawd sya at mahal nya tayo.

    at kung anu man kamalian ang nagagawa natin, e kelangan maging responsible tayo sa consequences.

    yun lan..

    Naaliw ako sa post.

    More! more! moooooooooooooooooooore!!!

  2. ayus ang post ah. baka sa susunod ikaw na yung lalapit sa mga nagjojog sa roxas at ikaw na magpepreach ah. hehehe
    nice men. galing ng post mo.indeed religions should be respected kasi it all boils down to one God.iba iba lang tawag.

  3. maraming salamat sa post Otep….

    napaka-ganda talaga ng pagasa na ibinibigay ng Diyos sa atin sa Revelation 21:4. Ang buhay na walang hanggan sa paraisong lupa ang nagpapanatili sa aming mga Saksi ni Jehova na magpatuloy sa aming gawain mangaral na iniutos naman ni Jesus sa Mateo 24:14. At ang pagpapatuloy na ito ay hindi tumitigil sa buong mundo… kahit na sa mga pagkakataong tinantanggihan, inaalipusta at sinasaktan pa nga sa ibang bansa.

    maraming salamat sa bukas mong pakikinig sa mga Saksi ni Jehova.
    Sana maipagpatuloy mo ang pakikinig sa iba pang mga Saksi na makikipag-usap sa iyo. Matutunan mong napakarami palang ibinibigay na paalala at tulong ng Diyos sa pamamagitan ng bibliya na talagang makakatulong sa iyo at makasasagot sa mga tanong mo, ngayon palang….

    Maraming salamat uli sa post…
    nakakagaan ng damdaming malaman ang ganitong mga post🙂

    Ang iyong tagasubaybay,
    Ruth🙂 (Baguio City)

  4. concerning this matter, i just notice one thing regarding all what was that woman taught you; i don’t believe that Jehovah’s Witnesses’s would teach about people who do good deeds would go with him in heaven,”. Paradise here in earth is what they believe.. But nice post anyway..

  5. Mga ganitong panahon din ako nakipag aral sa mga saksi. Nasagot ang mga katanungan ko. Nakakatuwa diba na di naman pala gusto ni Jehova na nasasaktan at nahihirapan tayo.
    Napatigil pala ako sa pakikipag aral sa kanila dahil sa maling desisyon ko, hinaharap ko yung consequence ng maling desisyon ko. Pero salamat sa post mo, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob na humingi ng tawad kay Jehova.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s