ISANG GABI SA LUNETA


Logical Question muna tayo:

(Q) May magkapatid na babae na sina April at Apple. Isang araw pumanaw ang kanilang Ina. Sa burol, may isang lalaking bumisita na hindi nila kilala o kaanu-ano. Nagkagusto si April dito. Matapos ang libing ng kanilang ina. Kinitil ni April si Apple. Bakit kaya?

Sa totoo lang sumakit ang bangs ko sa kakaisip sa tanong na ‘to. hoho

“Baka nalaman ni April na si Apple yung pumatay sa Nanay nila?” enggggk! -mali.

“Ahh baka magka Love Triangle kasi sa pagitan ng magkapatid hoho”… engggk mali uli! sayang.

(A) Para daw dumalaw uli yung lalaki. in short, para makita uli ni April yung lalaki.

Tila tampulan daw ng mga taong nalulumbay ang Luneta (Joke lang ako lang nagsabi nun) Pero ang katotohanan, marami pa ding mga taong hindi nakatutuntong sa pinaka kilalang parke sa Pilipinas. -Rizal Park.

Kaya nakatutuwa kapag nakakarinig ako ng mga salitang “first time ko dito”.

Noon pa man kapag nakadarama ako ng kalungkutan, nauupo lang ako sa lilim ng isa sa mga puno ng Luneta naiibsan na agad yung lungkot ko. Tila may nakikinig kasi sa bawat hinaing at sinasamo ng isipan ko. Doon, masusumpungan ko na lang na nababawasan nito ang bigat ng pakiramdam ng pag-iisa, yung tipong mga kuwentong hindi kayang ibulaslas sa mga kaibigan o kapamilya.

Nakabubusog sa mata ang mga bagong palamuti at liwanag dulot ng musical fountain ng Luneta. Tila nag iindakan ang mga tubig sa bawat saliw ng musika.

Ang mga kalsada malapit sa zero kilometer tila salamin dulot ng repleksyon ng liwanag ng mga ilaw mula sa mga sasakyan.

Ang Kalabaw at Tamaraw hindi pa rin nabubuwag sa orihinal nitong anyo buhat pa noong unang nakita ko ito noong nasa lima hanggang pitong gulang pa lang ako.

Masarap ibahagi ang konting kaalaman sa bawat sulok ng parke o kahit simpleng pangyayari na naging saksi sa paghubog na kasaysayan ng Pilipinas.

Pati si Jose Rizal naitatanong ko pa rin kung saan ba nakaharap kung sa kanluran o sa silangan ba?

Minsan sa pag-iisa natin o sa piling ng iba, unti unti nating nasasagot ang bawat katanungan na nais nating makuha ang kasagutan.

Pero sa bawat tanong, isang malaking kasagutan marahin ang pagiging MASAYA.

Sa pagiging masaya, mas madaling maunawaan ang bawat katanungan, mas madaling humugot ng inspirasyon o mas madaling makakuha ng hint o ideya sa isasagot.

Sa pagkakaroon ng tahimik o maliwanag na lugar mas nagiging mapayapa ang pag-iisip, nalalayo tayo sa totoong mundo na kung magpapaagos lang tayo sa pangyayari hindi magiging makabuluhan ang sarili nating mundo.

Hindi masamang magbahagi kung ano ang nasa isipan ng bawat isa, mas mainam pa ring sa kabila ng pakikipag usap sa kawalan dapat balanse pa rin sa pakikipag usap sa taong puwedeng sumagot at magbigay ng ibang depenisyon o opinyon ng iyong kalungkutan.

Tulad ng isang Logical Question minsan ang sagot hindi katanggap tanggap kung susuriin mo.

Sabi: kaya daw pinatay ni April yung kapatid nya ay para muling bumalik o masilayan yung lalaking minsan dumalaw sa burol ng kanilang Ina.

Hindi sya nag isip na sa pagpatay n’ya sa kanyang kapatid ay mabibilanggo sya. Paano nya masisilayan muli yung lalaki sakaling bumalik nga ito, ganoong nasa malamig na rehas na sya?

Hindi s’ya nag isip. :P hoho

Maraming paraan para hanapin ang sarili at sariling kaligayahan na hindi kailangang manakit para sa sariling kapakanan.

Hindi natin kayang ipilit ang isang bagay kung walang nagdudugtong o walang pagsang ayon ng dalawang panig.

Minsan ang kaligayahan nakukuha din sa panalangin.

hahaha naguguluhan na ko sa sinusulat ko ngayon. nalalaliman na rin ako.😛

Sa kabuuan, sa pagiging masaya lang naman tayo kumukuha ng lakas para maabot natin ang pangarap🙂

3 thoughts on “ISANG GABI SA LUNETA”

  1. naks, senti mo men ah. ocean deep sa lalim tong post mo.pero may sense naman. isa to sa pinakamatalinong post na nabasa ko so far. keep it up.🙂

  2. Gusto ko yun part na ‘to:

    “Hindi natin kayang ipilit ang isang bagay kung walang nagdudugtong o walang pagsang ayon ng dalawang panig.”

    May natutunan ako, dahil dun masaya na ako.

    Nga pala, sa susunod na tumambay ka sa Luneta, pwede isama mo ko?

    — para hindi ka nag iisa. Gusto ko din mag isip e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s