LFS


Mapalad akong nai-libre ng isang bagong kaibigan noon sa sinehan. Syempre sino ba naman ako para tanggihan? Hilig ko rin naman ang manood ng sine, kaso may mga pagkakataon na halos humalagpak at magkaihe-ihe na sa kakatawa ang mga nanonood sa loob, samantalang ako… walang lang, walang reaksyon -may nakatatawang dialogue pala ang isa sa mga bida.

Sensya na! english e hindi ko na gets😛

Pero hindi naman talaga iyon ‘yung kuwento ko. Nai-share ko lang. hoho

Minsan nangarap na akong makipag date sa isang sinehan, yung tipong kayong dalawa lang habang holding hands.. naks! paakbay-akbay naks uli! at yung tipong may mga panakaw halik pa! naks! naks! naks! ang sweeet..🙂 pero hanggang pangarap lang yun. haha.

Mas naniniwala pa rin akong mas madaling matupad ang date na KKK: Kasuluksulukan, Kaitaastaasan at Kadilim-dilimang parte ng sinehan. haha.

Nitong nakaraan, inaya ko ang isang kaibigan para manood ng 10 pesos na movie sa SM Manila (15 pesos pala plus tax) ng makapag relax naman ako after work. Kaso nakita ko sa isa sa mga poster ang “Tsunami” na  made in Korea. Ito yung napanood ko na trailer sa Facebook sa kasagsagan ng mga balita ukol sa paglindol at tsunami sa Japan. Napapa keeeeeeeeeeewl pa nga ako noon habang pinapanood ko yun sa internet sa laki ng tsunami.

Kaya nagulat na lang ako ng nakita ko ito sa SM Cinema na NOW SHOWING as in HUWAAAT!. nagbago tuloy ang isip ko. Kaya kahit regular movie ticket price sya, yun yung pinanood namin.

Pagpasok namin, syempre muni-muni kung saaan puwede maupo, kaso kataka-taka na ni-wala mang nag-aabang sa palabas. Sabi ko “hindi pa naman maguumpisa kaya may papasok pa ‘yan”. Hanggang mag umpisa at matapos ang pinapanood namin wala talagang nanood.

Naisip ko tuloy, ito na yung dream ko! kaso unexpected hindi ko naman puwedeng gawin yun sa katabi ko. Nyahahahaha🙂

(next page..)

nakakatakot din pala manood sa sine ng dalawa lang kayo, parang anytime kasi may tatabi sayo, anytime parang may kakalabit sayo, anytime parang may magdadaang nakaputi kaya hindi ka rin kumportableng manood.

Habang nanonood nga kami, pakiramdam ko may kamay na unti-unting lumalabas sa ulunan ko kaya pababa ako ng pababa sa pagkakaupo. scary men!

Mabuti na lang, minsan nakakalimutan ko ang takot sa tuwing may wave na paparating at lalamumin ang mga buildings sa Korea, astig talaga ang movie men! try nyong panoorin kahit sa pirated lang lols. (joke lang yung pirated).

TIPS PARA MAKANOOD NG MOVIE NA KAYONG DALAWA LANG:

  • Syempre i-timing sa LFS = Last Full Show
  • Pumili ng movie na hindi gaanong panoorin ng mga tao, lalo na yung may mga pirated CDs na. hoho
  • Manood tuwing weekdays, lalo na sa araw ng lunes (huwag lang pay day)

TIP PARA MAHAROT ANG KA DATE:

  • Kung lalaki ka, manakot. Kung babae ka naman, magtakut-takukan ka. haha

TANDAAN:

  • Masarap mangarap ng private date, lalo na kung masarap ang ka date lels.😛

11 thoughts on “LFS”

  1. Ahaha!! Kakatuwa naman ang experience.. Kayo lang talaga dalawa, as in? ngek.. kakatakot nga yun. Ako, hindi ako mahilig manood ng mga ganyang movies,, kasi feeling ko, napakabigat. Parang hindi kaya ng aking heart.. hekhek. Kapag animated films siguro, kahit na dalawa lang kami, game na game ako. harhar..

    natawa ako sa tips.. magawa nga. LOL..😛

    Gandang gabi, Otep. ^^,

  2. Hi kuya Otep! Naks! Namiss ko tong blog mo! Hahahahaha! Eto na nga po pala bago kong blog, kuya! Nakalimutan ko po kasi yung isa eh. :)) Hahahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s