ANG HULING KAHILINGAN NI RIZAL SA KANYANG INA


Tapos na ba ang Rizal fever? hoho ang hirap kasi makitrend, kaya ngayon lang ako magsusulat tungkol kay Rizal.

Nitong Linggo saktong ika-150 anniversaryo na nang pagkakaluwal ni Teodora Alonzo kay Jose Rizal. At sakto ding naipalabas sa GMA|NewsTV ang pelikula ukol kay Rizal.

Hindi naman ako Rizalista pero nagagalak ako pag may mga palabas o dokumentaryo patungkol kay Rizal kaya pinapanood ko ito.

Hindi naman ito ang una kong pagkakataon para mapanood ito pero ngayong ko lang naisip yung tungkol sa huling kahilingan ni Rizal sa kanyang Ina.

Ayon kasi sa pelikulang Jose Rizal ng GMA Films, sa panulat ng idolo kong si Ricky Lee:

Hiniling ni Jose Rizal sa kanyang Ina na kuhain agad ang kanyang bangkay at ibaon sa hukay. Natatakot kasi si Rizal na itapon na lang kung saan. Hiniling nya ding lagyan ito ng  isang bato at krus kasama ang araw ng kapanganakan at kamatayan. Maaari din daw lagyan ng bakod at  WALA NG ANIVERSARYO.

Kung pagbabasihan natin ang kahilingan ni Rizal sa kasalukuyan nating kalendaryo, mukhang mas pinipili nating bigyang pagdiriwang ang kamatayan ni Rizal kaysa sa kanyang kapanganakan.

Hindi naman talaga regular holiday ang June 19 o June 20 kung bakit nawalan tayo ng pasok, bagkus sa kadahilanang special non-working holiday lang ito kumpara sa December 30 kung saan ito ang kamatayan n’ya. 

Regular Holidays

  • New Year’s DayJanuary 1
  • Araw ng KagitinganApril 9
  • Maundy Thursday April 21
  • Good FridayApril 22
  • Labor DayMay 1
  • Independence DayJune 12
  • National Heroes DayAugust 29
  • Bonifacio DayNovember 30
  • Christmas DayDecember 25
  • Rizal DayDecember 30

 

Alam nating mahalaga ang kamatayan ni Rizal sapagkat dito namulat ang ang sambayang pilipino. Napapaisip lang ako, sakaling ako kaya si Rizal, saan ko kaya nais maalala ng tao: Sa buhay na ipinagkaloob sa akin? o sa buhay na kinuha lang sa akin?

7 thoughts on “ANG HULING KAHILINGAN NI RIZAL SA KANYANG INA”

  1. hmm. bgla rin tuloy akong napa isip sa tanong mo sa huli… pero kung ako cguro mas pipiliin ko na sana maalala ako ng tao sa panahong matapos akong ipanganak at bago ako mamatay dhail ito ang mga panahong magiging fruitful ang aking buhay…🙂

  2. Kung gumugol ng maraming oras sa pagbabasa ng Biblya si Rizal (naniniwala akong ganun nga, makikita ito sa kanyang mga sinulat at ito ang pamamaraan nya ay pinili nya) mas nanaisin nyang alalahanin sya sa huli- sa buhay na kinuha sa kanya. Narito ang prueba-

    Basa: Mangangaral, Kapitolo 7

    1 Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan.

    2Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buhay na siya man ay nakatakda ring mamatay.

    4Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan,
    ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan.

    8Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula.
    Ang pagtitiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan.

    Salamat mga kabataan, pakidagdag lang sa inyong kaalaman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s